← Back to Home
Teacher Mitch, tinanggap ang 50K na offer ni Vice Ganda | It’s Showtime

Teacher Mitch, tinanggap ang 50K na offer ni Vice Ganda | It’s Showtime

Sa pagpili kung “Pot” o “Li-Pot” ang tatayaan, naging praktikal si Ma’am. Halos kalahati ng P150,000 Pot money ang offer sa “Li-Pot.” Kahit mas malaki ang jackpot prize, mas pinili ni Teacher Mitch ang P50,000 sa “Li-Pot,” na malaking tulong na sa kanyang pamilya.

🕒 10/4/2025, 5:51:59 AM725 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Mitch#Mitch Showtime#Teacher Mitch Showtime#Mitch Laro Laro Pick#Laro Laro Pick Teachers#Laro Laro Pick Showtime#Its Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Karylle#Darren Espanto#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ion Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#

Feel the excitement kasama ang Showtime family na looking forward sa nalalapit na Halloween at ngayon pa lang ay naghahanda na para sa costumes nila. Si Darren Espanto, baka mag-ala Ryan Bang kasi kuhang-kuha niya ang accent nitong pinaghalong Pinoy at Koreano. Ano pa kaya ang ibang Halloween costumes na naiisip ng “It’s Showtime” hosts?  

At hindi pa tapos ang Teacher’s Month celebration kaya dito sa “Laro Laro Pick” game arena, mga guro ang bumida. Walang duda sa pagod at pagmamahal ng mga guro, pero sa pagkakataong ito, sabi nga ni Vice Ganda, huwag nang i-romanticize ang ‘passion’ ng mga guro at sa halip ay imulat ang mata sa totoong problema at hirap na pinagdaraanan nila.  

Naibahagi rin ni Meme ang nakitang kakulangan sa mga classrooms sa isang lugar sa Sorsogon. Kulang sa learning materials ang mga eskwelahan na matagal na daw hinihiling pero hindi mapagbigyan.  

Dagdag ni Meme, umaangat ang kalidad ng edukasyon ng ibang bansa dahil sa mga Pilipinong guro na napipilitang maging OFW para sa mas malaking sweldo. Dahil dito sa sarili nilang bayan ay para bang hindi sila pinapahalagahan. Mababa ang sweldo dahil ninanakawan. Mas mahirap nga kung tutuusin ang trabaho ng isang guro kaysa politiko, pero bakit napakalaki ng agwat ng kanilang mga sweldo.  

Relate d’yan si Teacher Gerl na nanawagang taasan ang sweldo nila dahil kulang talaga para buhayin ang pamilya. Si Teacher Len naman ay ikinuwento kung paano niya dinidisiplina ang mga bata. Present din para makilaro ang P.E. teacher na si Dan, na tinanong ni Meme tungkol sa mga tattoo nito sa katawan.  

Hindi lang puro serious ang kwentuhan dahil may moments  din ng tawanan at kulitan. Si Meme, ‘naloka’ tang tawagin siyang “tatay” ni Teacher Joyce sa masayang aktingan. Paliwanag ni teacher, gano’n daw kasi siya maglambing sa kanyang asawa. Eh, kung lambing lang ang usapan, si Ion Perez na mismo ang magsa-sample n’yan! Paano nga maglambing si Ion kay Meme?  

Game time na! Sa “Illuminate or Eliminate,” pakinggan ang gut feel para mapili ang kahon na kulay green. Sa “It’s Giving,” ang kategorya ay popular musical instruments ayon sa National Association of Music Merchants sa America. Sing-along ala Sarah Geronimo naman ang ganap sa “You Gotta Lyric” kung saan “Maybe This Time” ang bida sa kantahan. At sa “PILImination,” apat na contestants ang natira, kabilang si Ion, pero ang swerte ay kay Teacher Mitch umayon.  

Sa “Laro Laro Pick” jackpot round, kinuwento ni Teacher Mitch ang struggles bilang guro lalo pa’t madalas maapektuhan ng baha ang lugar nila. Sa sobrang pagiging komportable at honest ni Ma’am ay may nabanggit siyang salita na ikinagulat ni Vice Ganda at ng lahat sa studio. Kaya si teacher, napa-‘sorry po.’  

Sa pagpili kung “Pot” o “Li-Pot” ang tatayaan, naging praktikal si Ma’am. Halos kalahati ng P150,000 Pot money ang offer sa “Li-Pot.” Kahit mas malaki ang jackpot prize, mas pinili ni Teacher Mitch ang P50,000 sa “Li-Pot,” na malaking tulong na sa kanyang pamilya. 

Pero laking panghihinayang niya nang basahin ni Vice Ganda ang Pot question of the day tungkol sa titulo ng pelikula kung saan gumanap na guro si Marian Rivera. Napapikit si Teacher Mitch dahil alam niya ang tamang sagot, “Balota.” Pero oks na rin ‘yung naging desisyon niya. Wala siyang talo sa P50,000 na kanyang nakuha.  

Huling araw na ng Resbakbakan sa “Tawag Ng Tanghalan” Year 9 kaya ang mga natitirang resbakers ay bigay-todo sa entablado.  

Huy nakaka-touch masyado ang rendition ni Vincent Guim ng “Wind Beneath My Wings.” Komento ni hurado Bituin Escalante, masaya siya dahil nag-stick si Vincent sa integrity ng kanta, sinabayan pa ng bagong tunog sa second part.  

Birit kung birit naman si Gel Pesigan, singing “Raindrop Will Fall.” Sabi ni hurado Mark Bautista, bilib siya sa confidence ni Gel.  

“That was so beautiful” naman ang komento ni Punong Hurado Nyoy Volante sa performance ni Lyndon Asmiralde na hinarana ang Madlang People sa awiting “Against All Odds.”  

Si Lyndon ang itinanghal na panalo at pasok na sa next round na “Pangkatapatan.” Pero hindi pa d’yan nagtatapos ang mga pasabog. Inanunsyo ni Vice Ganda na dalawang resbakers pa ang aabante sa next round sa pamamagitan ng “Hurados’ Save” o sila ‘yung pinili mismo ng mga hurado. Isa si Vincent sa napili, kasama ni Anthony Dal.  

Sa Lunes ay magsisimula na ang pasiklaban ng tatlong pangkat, na gagabayan nina hurados Nyoy, Bituin, at Mark.  

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Teacher Mitch, tinanggap ang 50K na offer ni Vice Ganda | It’s Showtime | Cheezmis