← Back to Home
JL, buo ang loob na masagot ang POT question sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

JL, buo ang loob na masagot ang POT question sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

JL, buo ang loob na masagot ang POT question sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

🕒 10/3/2025, 6:09:22 AM972 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Scholar JL#POT Question#Laro Laro Pick#Laro Laro Pick Showtime#Its Showtime#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Karylle Padilla

Think positive always dahil ang positivity ay parang gravity na hihilain pababa ang mga biyaya mula sa langit. Taas-kamay kung feeling blessed ka sa love department sa piling ni ‘the one’ na umulan man o bumagyo ay hindi ka iniwan. ‘Yung iba naman ay feeling blessed sa trabaho kahit minsan ang sweldo ay tumatagal lang ng three days. Anong bago? 

Feeling blessed ang mga kababaihan sa studio at sa mga tahanan dahil isang harana ang nagpatamis sa kanilang FUNanghalian. At ang nangharana, aba, James Reid ‘yan! Ipinarinig ni James ang latest single niya titled “Blessed” na dedicated to his girlfriend Issa Pressman, na isang malaking biyaya sa buhay niya. 

Ang mga girls sa studio, napa-sana all na lang dahil naman kay Ryan Bang, na siyang ‘nagwagi’ sa puso ni James–bilang best friend! Ipinagmalaki nga ng dalawa na going strong ang 15-year friendship nila. “Sana all” na lang talaga.  

Talino at diskarte ang puhunan nila upang maipagpatuloy ang pag-aaral. Sila ang mga scholars ng iba’t ibang paaralan na bumida sa “Laro Laro Pick” game arena kung saan swerte ang mas kailangan para P100,000 POT money ay mapanalunan.

Time out muna sa pagre-review ng mga numero ang accountancy student na si Fiona, na certified masinop sa pera. Magaling daw siyang magtipid ng baon at mag-ipon. Focus lang siya sa studies hanggang sa maka-graduate, kaya no-no muna sa pagbo-boyfriend at pakikipag-date. 

Kung si Fiona ay single, iba naman ang status ni scholar JL, na may itinatagong inspirasyon. Binati niya si “baby” on national TV pero hindi pinangalanan. Kuwento niya, mataray si “baby” nu’ng una pero nang kanyang makilala, ayun, sweet naman pala. 

Si Vinci, maagang natutong dumiskarte. Minsan rumaraket sa barberya at nagtuturo ng sayaw. Sample naman d’yan! Kung may dancer, merong rapper. Sabi ni Jhong Hilario, si Cianne Dominguez daw ang rapper ng grupo, as in ‘wrapper’ na mahilig mag-take out ng pagkain.

Game time na dahil P100,000 ang pwedeng ma-take out ng scholar na papalarin. Sa “It’s Giving,” ang kategorya ay individual artists o mga grupong kabilang sa listahan ng “25 Pop Stars of the 21st Century,” at sa “You Gotta Lyric” naman, “Pantropiko” ng BINI ang sinabayan ng lahat sa kantahan.

Mukhang lucky charm ni JL ang “baby” niya dahil sa dulo, siya ang natira at naglaro sa final game. 

Marami ang humanga kay scholar JL nang ibahagi niya ang kwento ng buhay sa “Laro Laro Pick” jackpot round. Mula nang pumanaw ang ama noong 2020, 15 years old siya, ay siya na ang tumayong ama sa kanilang pamilya. Hanggang sa sunod namang nawala ang ina noong 2023. At sa edad na 18 ay naging tatay at nanay si JL sa kanyang mga kapatid. 

Mabuti na lang at may mga taong nagmamalasakit. Malaki ang pasasalamat niya sa mga tita’t tito at mga kamag-anak na sinusustentuhan silang magkakapatid. Nagbigay siya ng mensahe sa tita na nagpapaaral sa kanya at nangako na balang araw ay masusuklian niya ang tulong nito.

Sa kagustuhang manalo ng malaking halaga ay pinagpalit ni JL ang Li-Pot offer sa Pot question na katumbas ng P100,000 kung masasagot niya nang tama. Confident ang Madlang People na masasagot ni JL ang tanong kaya ang sigaw nila, “Pot!” 

Ang question of the day ay kung sino ang naging pangulo ng Pilipinas sa pagitan ng termino nina Carlos P. Garcia at Ferdinand Marcos, Sr. Ang sagot niya ay “Fidel V. Ramos.” Sayang! Dahil ang tamang sagot ay Diosdado Macapagal. 

Hindi man niya nakuha ang jackpot money, siguradong may magagandang bagay pa na naghihintay para kay JL.

Tumitindi ang laban dahil Day 3 na ng “Tawag Ng Tanghalan” Year 9 Resbakbakan. Ang mga mang-aawit na minsang nabigo sa entablado, nagbabalik para sa isa pang pagkakataon na masungkit ang titulo. 

Nagbunutan na ang 14 Resbakers ng araw ng pagpe-perform. Ngayong Biyernes, unang sumalang si Angelica Magno ng Sultan Kudarat na give na give sa pagbirit ng “Proud Mary.” Biro ni hurado Mark Bautista, pati si ‘Mary’ ay magiging proud. Dagdag niya, malaki ang potential ni Angelica na maging total performer. 

Inspirasyon ni Jeff Decano ng Sorsogon City ang anak sa kanyang ikalawang laban sa tanghalan. Kaya ibinuhos niya ang puso singing “Lately” by Stevie Wonder. Para kay Bituin Escalante, maganda ang range ni Jeff, pero sa tingin niya ay mas bagay kung tinaasan pa ang nota. Manalo o matalo, masaya si Jeff sa TNT experience niya, lalo pa’t nakapagtanghal siya sa harap ng idolong si Nyoy Volante. 

Mapanakit naman ang pagkanta ni Klare Salazar ng Cabuyao, Laguna. “Ikaw Lang Ang Mamahalin,” hugot niya sa entablado. “Sobra mong talenteed,” komento ni hurado Nyoy Volante, pero paalala niya, dapat pag-isipang mabuti ang mga palamuti sa pag-awit. At wala pa man ang resulta, feeling winner na si Klare dahil nangako si Darren Espanto na bibigyan siya ng P5,000 para mapaayos ang bubong ng bahay nila. Nanakawan kasi ang kanyang pamilya, at natangay ang perang nakalaan sana sa pagpapaayos ng bubong nila. 

Mula sa tatlo, isa lang sa mga nagtanghal sa araw na ito ang aabante sa Pangkatapatan. Ito ay si Angelica na may score na 94.7% samantalang dikit naman ang naging laban ni Klare na may gradong 94%, at 92.7% naman ang kay Jeff.


Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

Stream All the Feels Only on iWant. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
JL, buo ang loob na masagot ang POT question sa Laro Laro Pick | It’s Showtime | Cheezmis