← Back to Home
Brent at Mika, may dalang KILIG good news sa Madlang People | It’s Showtime

Brent at Mika, may dalang KILIG good news sa Madlang People | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 10/14/2025, 4:39:37 AM929 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Brent Manalo#Mika Salamanca#MikBrent#Brent Mika Showtime#Brent Manalo Mika Salamanca Showtime#Its Showtime#Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Amy Perez#Karylle#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Darren Espanto#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ryan Bang#MC#Lassy#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Laro Laro Pick#Laro Laro Pick Showtime#Showtime October 14#Breka Showtime#Breka

Huwag matakot na gamitin ang boses at maglabas ng saloobin dahil ang tinig mo’y baka magdala ng hinahanap na pagbabago. At huwag matakot mag-confess kay crush para ang feelings ay hindi mauwi sa ‘what-ifs’ at overthinking. Malay mo, the feeling is mutual!

Sina “PBB Collab” Big Winner Duo Mika Salamanca at Brent Manalo, may what ifs na nakakakilig. Sagot na rin nila ang isang performance na magpapa-smile sa’yong puso with their super cute track, “What If Tayo?” Eh, what if nga, BreKa? 

What if ikaw ang maglaro sa jackpot round ng “Laro Laro Pick,” susugalan mo ba ang POT question na katumbas ng P300,000? At what if ikaw ang isalang ng mentor mo sa Pangkatapatan round ng “Tawag Ng Tanghalan” Year 9, paano mo haharapin ang laban?

Sila ang mga nagbabantay sa ating kaligtasan, o kapag may tanong ka sa isang lugar, sila ang malalapitan–mga security guards na masisipag, friendly at maaasahan. Sila ang bida sa “Laro Laro Pick” game arena kung saan P300,000 jackpot money ang nakataya. 

Sa pangalan pa lang ni Jakkudin, kuha na agad niya ang atensyon ni Vice Ganda, na mas naintriga nang malaman na siya pala ay guwardiya sa isang hotel. Tanong ni Meme, sinong mga artista na ang nahuli ni Jakkudin na nag-check in?  

Palangiti at positibo ang awra ni Eric, kaya ang swerte sa kanya lumapit. Ikinuwento ni Eric ang pinaka-challenging moments bilang guard lalo na kapag kailangan niyang habaan ang pasensya sa mga pasaway. Maximum tolerance, ika nga. 

Si Tatad, nadulas tungkol sa pagkakaroon ng manager na “maputak.” Pero ang pinakagusto niya sa pagiging guwardiya ay ‘yung maraming magagandang babae siyang nakikita! Kidding aside, thankful siya sa trabaho dahil ito ang nagtaguyod sa pag-aaral ng kanyang mga anak. Sa hirap ng buhay, nakalimutan na ni Tatad kung paano mangarap para sa sarili, kaya pinaalalahanan niya ang mga anak na matutong mangarap. Nalungkot si Vice Ganda na makakilala ng isang Pilipino na kinalimutan na nga ang sariling pangarap, ninanakawan pa ng gobyerno. Sabi ni Meme, ang mga guwardiyang ito ang nagbabantay laban sa magnanakaw. Pero bakit sila ang ninanakawan?

Relate ang marami sa kwento ni Arcee, a single mom to four kids na nag-stay noon sa toxic na relasyon dahil takot mag-isa, at walang confidence sa sarili. Akala niya, hindi niya kakayanin ang pagiging single parent. Pero sa oras na nagdesisyon siyang umalis, natutunan din niyang maging matapang para sa mga anak. Masaya na ang kanyang puso at mukhang may bagong inspirasyon. Eh, kung si Tatad ang manliligaw sa kanya, makukuha ba ang kanyang atensyon? Samantala, nangako si Vice Ganda na tutuparin ang Christmas wish ni Arcee na makauwi sa pamilya sa Leyte, sa tulong ng isang sponsor, at bibigyan pa niya ito ng budget para makapag-bonding with her family sa darating na Pasko. 

Dapat wise ang pagpili sa “Illuminate or Eliminate” para swerte ay kumapit. Sa “It’s Giving,” ang category ay mga pinakamainam na produktong maaaring ibenta sa sari-sari store ayon sa isang website. Sa "You Gotta Lyric,” naka-perfect ang players sa OPM classic na “Muli” at pati nga si Ryan Bang tumama ang lyrics for the first time. Pero sa “PILImination” kung saan isang player lang ang makaka-survive, kay Eric napunta ang lahat ng lucky vibes. 

Natuwa si Vice Ganda sa positibong awra at friendly smile ng guwardiyang si Eric. Ito nga marahil ang nag-attract ng swerte kaya sa “Laro Laro Pick” jackpot round siya ang umabante. 

Bago  dumiretso sa 10pm to 6am na shift niya sa trabaho, ang POT money na P300,000 muna ang tinrabaho ni Eric. Umabot ng P40,000 ang offer sa Li-POT, pero tinanggihan niya ito dahil sa mabigat na dahilan. Kuwento niya, nasunugan siya kamakailan lang at tinupok ng apoy ang lahat ng naipon na pera at mga gamit na naipundar niya. At pangarap din niyang mabili ang lupang kinatitirikan ng bahay nila sa probinsya.

Dahil matindi ang pangangailangan, POT question ay kanyang sinugalan. "Ano ang pangalan ng aso ni Melo sa anime series na "A Dog of Flanders?” ang katanungan. Walang idea si Eric, na ang hula ay “Bogart.” Sayang! Dahil mali ang sagot niya, wala siyang naiuwing pera. Kayo, Madlang People, alam n’yo ba ang sagot sa Pot question?

Mas umiinit ang bakbakan sa “Tawag ng Tanghalan” Year 9 Pangkatapatan round, kung saan bawat grupo ay patuloy na nagbibigay ng all-out performances para masigurong aabante ang kanilang pangkat sa next phase ng competition. 

Para sa Pangkat Luntian ni Mentor Bituin Escalante, binigyan ni Jude Albert Tangkion ng kakaibang timpla ang “Kathang Isip.” Ayon kay hurado Marco Sison, Jude owned the song dahil iniba nito ang tunog habang chill lang ang delivery, parang performance na ramdam ang puso pero may sariling identity.

Mula naman sa Pangkat Bughaw ni Mentor Mark Bautista, ipinanlaban ni Claudia Eliver ang powerhouse classic na “Run to You.” Humanga si Hurado Jed Madela sa strength at power ng kanyang boses, pero payo nito, maging maingat sa kulot at riffs.

Samantala, sa Pangkat Pula, bumida si Ramel Awe sa awiting “Yugto.” Mas confident na raw siya ngayon lalo’t may gumagabay na mentor. At hindi naman nagbabago ang pagiging kwela ni Ramel, kaya tawang-tawa ang mentor niyang si Nyoy Volante. Pinuri ni hurado Karylle ang tapang at creativity nito, at napansin daw ni Karylle na mas comfortable si Ramel sa stage.

Sa huli, nanguna sa bakbakan si Jude kaya naman may 3 points na ang Pangkat Luntian coming from behind. Hindi naman nalalayo ang score ni Ramel ng Pangkat Pula, na may 3 points din. Sa ngayon, nasa ibaba ng ranking ang Pangkat Bughaw na may 2 points pero may pagkakataon pang bumawi.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.