← Back to Home
Vhong, napagkamalang si ‘Malupiton’ si Jim | It’s Showtime

Vhong, napagkamalang si ‘Malupiton’ si Jim | It’s Showtime

Huwag malilito! Si Jim, at hindi si Malupiton ang nakikita n'yo! Sa ₱550 a day na sweldo, sakto lang ito para panggastos sa sariling pangangailangan dahil siya'y binata naman.

🕒 10/13/2025, 5:26:13 AM826 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimePotPotPot#Laro Laro Pick#Jim#Malupiton#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Karylle

Kung uhaw kayo sa good vibes ngayong Lunes, "It's Showtime" ang ultimate refreshment! Juice-to ng Showtime family na happy kayo sa simula pa lang ng panibangong linggo. From the tangy punch of laughter to the fizzy rush of kilig, bawat moment ay parang sip ng energy drink na magpapa-hype sa araw n'yo!

Kaya cheers muna tayo with TNT’s Ian Manibale, na ang boses ay parang thirst-quencher pampawala ng stress as he performed his single.  'Pag si Ian talaga ang kumanta, ang kilig ay bubuhos parang sweet ice-cold soda, so refreshing ika'y mapapa-"ahh!" Proud na proud ang buong “Showtime” fam sa kanya for his achievement bilang performer at recording artist.  

Good vibes at refreshing na kulitan ang inihain ng mga waiters na sinubukan ang kanilang kapalaran sa "Laro Laro Pick." Habang sina Jackie Gonzaga, Ion Perez, Teddy Corpuz at Jugs Jugueta naman ang umorder ng swerte para sa madlang people sa studio.

Kinilala nina Jhong Hilario, Karylle at Vhong Navarro ang batang waiter na si AJ, na kumikita ng ₱695 per day. Dahil baguhan ay aminadong nakakabasag minsan sa trabaho pero siniseryoso niya ito bilang stepping stone para matupad ang dream niyang makasakay sa cruise line. Hindi naman basag ang puso ni AJ dahil turning one month pa lang sila officially ng kanyang girlfriend na kababata niya rin. Sa oras na matupad ang pangarap na makapagtrabaho sa barko ay haharapin nila ang mga challenges ng long distance relationship pero dedicated silang ilaban at alagaan ang kanilang pagmamahalan kahit magkalayo man.  

Katulad ng specialty na halo-halo sa pinapasukang restaurant, cool guy ang awra ni Jim. Huwag malilito! Si Jim, at hindi si Malupiton ang nakikita n'yo! Sa ₱550 a day na sweldo, sakto lang ito para panggastos sa sariling pangangailangan dahil siya'y binata naman. Kapag nakuha niya ang jackpot money, agad niyang kukumpletuhin ang requirements para makapagtrabaho rin sa ibang bansa. Hindi natin sila masisisi dahil sa sariling bayan na pinagsisilbihan talagang mahirap kumita ng pera, ninanakawan ka pa!  

Dapat wise ang pagpili sa “Illuminate or Eliminate” para swerte ay kumapit. Sa “It’s Giving,” ang category ay mga luto sa manok ayon sa isang website—seven players ang nakalampas. Sa "You Gotta Lyric,”nag-sing along ang lahat sa “Hanggang Kailan” ng Orange and Lemons. Kinaaliwan si Jay na pumiyok pa, habang si Jugs ay sumablay sa lyrics ng kanta kaya napa-sorry na lang sa banda na mga tropa pa man din niya.  

Sa "PILImination," isang lucky player ang makakakuha ng giant ice cream na may banner na "winner" at si Jackie ang naka-scoop ng swerte.

Kilala si Jackie Gonzaga sa pagiging palaban kaya hindi niya uurungan ang "Laro Laro Pick" jackpot round lalo pa't limang madlang studio audience ang maghahati-hati sa kanyang mapapanalunan. Kung ang pagiging single nga ay na-survive niya, ano pa ba 'yung kaba sa game arena? Teka ilang taon na ba siyang single?  

Pero, si Jackie, mukhang nadala sa unang jackpot round experience kung saan hindi niya nasagot nang tama ang Pot question, kaya ngayon, mas gusto niya 'yung sigurado at P30,000 offer sa Li-Pot ang pinili ng kanyang puso. 'Yun nga lang, hindi satisfied ang studio audience na ang sigaw ay "Pot!"  

Kaya si Jackie, sinunod nag gusto ng madlang people sa studio. Pot question na katumbas ng P250,000, kanyang sinugalan. Sa tanong na, "Anong prutas ang ginamit bilang pangunahing sangkap sa inimbentong sikat na sawsawan ng Filipina chemist na si Maria Ilagan-Orosa noong 1930s?" ang sagt niya ay "kamias." Sayang! Ang tamang sagot ay saging dahil ang sawsawan na ito ay banana ketchup.  

Basta, promise ni Jackie sa madlang people, babawi siya next time!  

Mas tumitindi ang excitement sa “Tawag ng Tanghalan” Year 9 Pangkatapatan round. Sa bawat awit ng tatlong pangkat, ramdam ang tapang, puso at determinasyon.  

Para sa Pangkat Pula, muling nagpasabog si mentor Nyoy Volante through his mentee Lyndon Asmiralde, na inawit ang “We’re All Alone.” Inialay ito ni Lyndon sa anak na pumanaw noong 2014. Na-appreciate ni hurado Karylle ang performance, lalo’t isa ito sa mga big hits ng kanyang ina noong ‘90s. Perfect daw ang kanta sa rock texture ng boses ni Lyndon, pero payo ni Karylle, connect with the heart.

Samantala, sa Pangkat Bughaw, mentor Mark Bautista guided Jenver Mae Barra in her rendition of “The Impossible Dream” by Jennifer Hudson. Pinili raw ni Jenver ang kantang ito dahil gusto niyang i-challenge ang sarili. At base sa comment ni hurado Jed Madela, mission accomplished! He liked how Jenver performed the song in a way that sounded fresh and modern.

At sa Pangkat Luntian, mentor Bituin Escalante proudly showcased the youngest in the batch, Leira Ann Raynes, na kinanta ang powerhouse hit na “Don’t Rain On My Parade.” Kahit mataas ang level of difficulty, consistent ang energy at confidence ni Leira, kaya napahanga si Punong Marco Sison.

Si Leira Ann ang nakakuha ng highest score ngayong araw kaya may two points na ang Pangkat Luntian, katulad ng Pangkat Bughaw. Samantala, nangunguna pa rin ang Pangkat Pula na may tatlong puntos.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vhong, napagkamalang si ‘Malupiton’ si Jim | It’s Showtime | Cheezmis