← Back to Home
Lorie, ikinuwento ang hirap sa pagbebenta ng RTW sa tiangge | It’s Showtime

Lorie, ikinuwento ang hirap sa pagbebenta ng RTW sa tiangge | It’s Showtime

Lorie, ikinuwento ang hirap sa pagbebenta ng RTW sa tiangge | It’s Showtime

🕒 10/10/2025, 5:01:14 AM988 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeAngFUNhalan#Laro Laro Pick#Lorie#RTW#Tiangge#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Karylle#Amy Perez#Darren Espanto#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Ion Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz

Sa dami ng kaganapan sa unang sampung araw ng Oktubre, mapapasabi ka talaga ng” thank God, It’s Friday!” And just in case naghahanap ka ng newest addition sa iyong soundtrip as you go on with your weekend plans, we highly recommend ang pinakabagong kanta ng new gen OPM band NOBITA na “Gayuma”, kung saan naka-collaborate nila si “Popstar Rock Royalty” Yeng Constantino.

Lubhang nahalina ng NOBITA at ni Yeng ang lahat ng nakasaksi sa live performance nila nito sa pagsisimula ng October 10 episode ng It’s Showtime. Ayon sa kanila, nagsimula ito nang imbitahan ng banda si Yeng sa isang collaboration, na malugod namang pinaunlakan ng singer.

Inamin ni Yeng na kinilig siya nang mag-reach out ang NOBITA sa kanya para sa proyektong ito dahil kahit pa matagal na siya sa industriya, aminado siyang nahihiya pa rin na mag-propose ng collaboration sa kanyang kapwa artists. Ikinuwento rin nila ang proseso na kanilang pinagdaanan upang mabuo ang “Gayuma”, pati na rin ang pagpapakahulugan nila sa awiting ito.

For today’s episode ng “Laro Laro Pick”, nag-taympers muna sa pagtitinda ang ilang madlang tindera’t tindero sa tiangge upang subukan ang kanilang swerte. Sa pagsisimula palang ng segment ay ramdam na ramdam na ang saya at excitement nila, na para bang nanalo na sila ng jackpot prize.

Pagkatapos nilang samahan siyang sumayaw, kinapanayam ng hosts na sina Jhong Hilario at Vhong Navarro ang RTW seller sa EDSA Crossing na si Lorie, na nagsabing nagiging matumal ang paninda niya bunsod ng pagiging popular ng online shopping. Ayon sa kanya, minsan ay sumasakto na lang ang benta niya sa pambayad ng renta sa pwesto, kaya naman nagtitinda na rin siya ng mani bilang pandagdag kita.

Kinabiliban siya ng mga host dahil sa kabila ng kanyang kondisyon, mas pinili pa rin ni Lorie na maging strong, independent woman dahil ayaw niyang umaasa sa kapatid na may sarili na ring pamilya.

Sunod namang nakipagkuwentuhan sina Jhong, Vhong, at Tyang Amy Perez si Aldrin, na tindero ng mga laruang pambata sa Divisoria. Nang usisain siya tungkol sa kanyang lovelife, sinabi niya na never na muli siyang sumubok na magmahal muli matapos na mabigo at ma-trauma sa dati niyang pag-ibig na ipinagpalit siya sa iba.

Hindi man siya naging mapalad sa pag-ibig, kahit papaano ay naging masuwerte naman si Aldrin nang makapasok siya sa “It’s Giving” round, kung saan tinanong ang mga natitirang players tungkol sa pinaka popular na mga uri ng isda sa Pilipinas. Samantala, siya naman ang unang sumabak sa “You Gotta Lyric” round, kung saan hinulaan nila ang mga nawawalang salita sa kantang “Dadalhin” ni Regine Velasquez-Alcasid.

Sa kasamaang palad, tila naubos ang kanyang buenas dahil tanging ang hosts na sina Darren Espanto at Ion Perez ang nakapasok sa “PILImination” round, kasama ang dalawa pang players. Sa bandang huli, ang tindera nga ng bag mula sa Malabon City na si Rina ang maswerteng nakapasok sa jackpot round ng “Laro Laro Pick”.

Ngunit bago maglaro, inalam muna ng hosts na sina Jhong Hilario, Vhong Navarro, at Karylle ang kwento ng buhay ni Rina, kung saan ibinahagi niya na P350 ang kinikita niya araw-araw bilang saleslady sa isang tindahan ng bag sa Caloocan City.

Ito ang ipinangtutustos niya sa mga pangangailangan nila ng kanyang apat na anak na mag-isa niyang itinataguyod matapos na maghiwalay sila ng kanyang asawa. Aniya, nagpasya siyang makipaghiwalay sa asawa dahil lagi umano siya nitong pinaghihinalaan na may ibang karelasyon kahit wala naman talaga. Subalit willing naman siyang makipagbalikan sa kanya alang-alang sa kanilang mga anak basta babaguhin lang nito ang pananaw sa kanya at sa buhay.

Noong una ay desidido si Rina na makuha ang P200,000 jackpot prize, ngunit sa bandang huli ay nagpasya siyang tanggapin na lang ang P30,000 na offer nina Vhong at Karylle dahil kailangan umano niyang ipagamot ang maysakit na ina.

At labis naman niyang ikinatuwa ang desisyong ito dahil mali ang naging kasagutan niya sa jackpot question tungkol sa isa pang bansa maliban sa Pilipinas na walang diborsyo. “Amerika” ang binanggit niya subalit ang sagot ay “Vatican City”.

Another day, another set of Tawagg ng Tanghalan na sasabak sa “Pangkatapatan”.

Para sa Pangkat Luntian, pinili ni mentor Bituin Escalante si Noielle Rodriguez ng Legazpi City, Albay. Babae rin ang ipinanlaban ni mentor Pangkat Bughaw mentor Mark Bautista sa katauhan ni Jinky Kawayan ng Tupi, South Cotabato. Gayundin kay Pangkat Pula mentor Nyoy Volante na si Mary Rose Blanes ng Sorsogon City, Sorsogon ang itinakdang pambato.

Tila ba pang-grand finals na ang labanan na natunghayan ng lahat dahil sa husay na ipinamalas ng tatlong naghuhusayang kababaihan.

Unang sumalang si Noielle na nagpamangha sa kanyang kakaibang rendisyon ng “Can’t Help Falling In Love” ni “King of Rock and Roll” Elvis Presley, na sinundan ni Jinky na kasingningning ng kanyang damit ang perforance niya ng “River” ni English singer Bishop Briggs. Panghuli ay si Mary Rose na inantig ang puso ng lahat sa pagkanta niya ng “Where Do I Begin” ni American singer and TV host Andy Williams.

Sa panayam kasama ang It’s Showtime hosts, ibinahagi ng tatlong contestants kung paano sila patuloy na ini-inspire ng kani-kanilang mga pamilya sa laban nilang ito. Ipinaliwanag din ni Noielle ang dahilan bakit iyon ang version ng kanta na napili niyang gawin, habang si Jinky naman ay shinare ang pinaka importanteng bilin sa kanya ni mentor Mark. Samantala, hindi naman napigilan ni Mary Rose na maging emosyonal nang sabihin na dinededicate niya ang awiting itinaghal niya sa pinakamamahal niyang asawa. Nagpasalamat din siya sa kanyang Manobo tribe na naging strong support system niya sa kompetisyong ito.

Isa-isang nagbigay ng kanilang komento at reaksyon ang mentors sa performances ng kani-kanilang protégé, gayundin ang mga hurado na sina Karylle, Darren Espanto, at Marco Sison.

Sa pagtatapos ng episode, si Mary Rose ang nakakuha ng pinakamataas na score na 96.3%. Dahil dito, nadagdagan na naman ang panalo ng Pangkat Pula na kinabibilangan niya. Si Noielle ay nagkamit ng 93.3%, habang si Jinky ay nakatanggap ng 89.3%.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.