Awwright! Huwebes ay extra flavorful ‘pag kasalo ang pamilya, mga kaibiga’t mahal sa buhay sa tawanan at good vibes. Ngiti lang para araw ay hindi alatin. Think positive para ika’y swertehin.
Kung tamis ang gusto, parang sugar on your tongue na hahanap-hanapin ang sweetness ng P-Pop group AJAA. Fighting pagdating sa kantahan at swabeng galawan ang grupo na nagpaulan na ka-cute-an sa FUNanghalian.
Nakakahawa ang very youthful smiles ng AJAA members na it’s giving K-Pop heartthrobs. Hindi naman nalalayo sa charm ni Ryan Bang, na it’s giving ‘tatay’ ng mga bagets, biro ng co-hosts niya. Pero hindi payag ang ating oppa. Over naman daw ‘yung tatay, pwede na raw siya sa ‘kuya.’
Mga kamay nila’y may masarap na hagod at sila ang nag-aalis ng ating mga pagod. Sa “Laro Laro Pick” game arena, sila naman ang magtatanggal ng stress at mag-e-enjoy habang lumalaban para sa P200k POT money na pwedeng mapanalunan. Sila ang mga masahista na players of the day.
Hindi naman pahuhuli ang madlang people sa studio, na forda cheer sa kanilang mga pambato na sina Ryan Bang, Ion Perez, Teddy Corpuz at MC.
Pati dance moves ng mga masahista, may hagod na sobrang swabe. Grabe sa energy! Agaw-eksena ang galawan ni Angelo. Ganyan nga! Minsan lang sa TV kaya huwag nang mahiya. ‘Yun nga lang, ang pambato nating masahista, nanlambot nang lapitan ng mga artsita. "Nahawakan ko si Ma'am Karylle!" nanginginig niyang sabi habang si Karylle ay nagpapa-sample ng masahe. At tuluyang nanlambot at pinagpawisan nang si Vhong Navarro ay kanyang mahawakan! Alam n’yo ba na may kakayahan ang mga masahista na itaboy ang bad energies ng mga kliyente para hindi nila ito ma-absorb?
Palangiti si Angelo, hindi mo aakalain na may mga mapapait at masasakit na karanasan palang itinatago. Kuwento niya, nang maghiwalay ang mga magulang niya, hindi niya kinaya ang bigat ng pagkakaroon ng broken home kaya naglayas siya at naging ‘palaboy’ sa kalsada. Para maka-survive minsan ay napipilitang magnakaw, hanggang sa nahuli sila ng mga kasamahan niya at dinala sa facility ng DSWD at kalaunan ay kinupkop ng isang foundation. Nang tumuntong sa edad na 14 ay nagsimula na siyang magtrabaho hanggang sa maging masahista.
Naluha si Angelo dahil first time niyang maging masaya nang totoo, ‘yung saya na nagmumula sa puso. Kaya pinasalamatan niya ang “It’s Showtime” sa isang masayang experience. Feeling winner na siya sa yakap pa lang ni Vhong, na magbibigay raw ng tip.
Game time na! Swerte ang labanan sa “Illuminate or Eliminate.” Sa “It’s Giving,” ang category ay mga pagkain na madalas ihanda tuwing Noche Buena ayon sa isang website. Sa “You Gotta Lyric” naman, “Pagdating ng Panahon” ang piyesa sa sing-along. Aguy! Lyrics ni Ryan ay sumablay, ayun, bye bye!
Sa “PILImination” round, ang natitirang players ay pumili ng giant boxes, at ang makakakuha ng box na may green balloons sa loob ang aabante sa jackpot round. Muntik nang makipagpalit ng pwesto si Jomark kay Ion. Buti na lang hindi natuloy dahil ang swerte ay nasa spot na pala niya!
Sa “Laro Laro Pick” jackpot round, ibinahagi ni Jomark ang mga struggles bilang masahista, lalo na kapag matumal ang pagdating ng kliyente. Dati raw siyang construction worker na kumakayod nang husto para sa limang anak.
Dagdag pa sa pinagdadaanan ang hiwalayan nilang mag-asawa nang dahil sa selos. Aminadong isa siyang ‘beki’ pero hindi ‘yon kabawasan sa kanyang pagiging ama at pagmamahal sa asawa. Kaya hiling ni Jhong Hilario, sana mabuo pa ang pamilya ni Jomark.
Para sa limang anak, mas pinili ni Jomark ‘yung sigurado–P35,000 offer sa Li-Pot. Mabuti na nga naman ‘yung siguradong may maiuuwi para sa pamilya. ‘Yun nga lang, laki niyang panghihinayang nang basahin ni Jhong ang tanong na may kinalaman sa trabaho ni Jomark, "Noong 2005, ipinalabas ang pelikulang ‘Masahista’ na humakot ng iba't ibang parangal. Ano ang popular full name ng gumanap na bida?"
Napanood ni Jomark ang pelikula kaya sigurado siyang ang tamang sagot ay “Coco Martin.” Aw. Hindi bale, Jomark, panalo ka pa rin!
Walang makapipigil sa banggaan ng mga mang-aawit na gustong manaig sa entablado. Intense ang labanan ng tatlong grupo sa Pangkatapatan round ng “Tawag Ng Tanghalan” Year 9.
Ngayong Huwebes, pinaapoy ni Lovelyn dela Pena ng Pangkat Pula ang tanghalan sa pagkanta ng “Somewhere Over the Rainbow.” Komento ni hurado Klarisse de Guzman, maganda ang arrangement ng kanta, flowy and powerful at the same time. Teka, kung si Klarisse ang tatanungin, sinong mentor ang kanyang pipiliin? Parang si Mentor Nyoy Volante ng Pangkat Pula dahil may nabuo na silang tandem. Pero huwag daw pakasigurado dahil hindi natin alam ang tunay na kulay ng kanyang… panloob na damit? Si Mowm talaga ang daming hirit!
Mula naman sa Pangkat Bughaw, ang pambato ni Mentor Mark Bautista ay si Precious Baraquil na kinanta ang “I Surrender.” Para kay hurado Kyla, napakaganda ng pag-sustain ni Precious ng nota which she credits to her vocal control.
Ang Pangkat Luntian ni Mentor Bituin Escalante na lang ang wala pang medalya, kaya sa araw na ‘to, pinili niya ang talagang pangmalakasan niyang pambato, si Essam Gubat na feel na feel ang pagkanta ng “Something’s Got a Hold on Me.” Komento ni hurado Erik Santos, ramdam niya ang confidence ni Essam sa entablado, na para bang ang goal lang ni Essam ay i-enjoy ang performance kaya ang ganda ng kinalabasan. Dagdag niya, bagay sa boses ni Essam ang kanta.
Dahil sa confidence at galing ni Essam, nabuhayan ang Pangkat Luntian na finally ay nakakuha na ng isang medalya dahil sa panalo niya.
