← Back to Home
Breadwinner na si Jonathan, may tatlong pamilya na sinusuportahan | It’s Showtime

Breadwinner na si Jonathan, may tatlong pamilya na sinusuportahan | It’s Showtime

🕒 11/28/2024, 5:57:14 AM614 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Ion Perez#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Anne Curtis#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Cianne Domiguez#Argus#Kulot#Lucas#Jaze#Imogen#Darren Espanto#Bela Padilla

Tatlong tulog na lang, Disyembre na! Kung malamig ang Pasko mo, don’t worry, kasali ka pa rin sa SMPP o Samahan ng May Paskong Pinakamasaya. Dahil ang happiness mo, ligaya rin ng ‘Showtime’ pamilya!

Joy to the ears ang powerful biritan sa FUNanghalian hatid ng mga paborito nating biretera–Rea Gen Villareal, Riel Lomadilla, Hannah Precillas, at Lyka Estrella! Sa paparating na Pasko, may regalo si Lyka hindi lamang sa fans, kundi sa mga batang hahandugan n’ya ng espesyal na concert. Forda kilig ang TNT champ dahil, finally, may solo concert na s’ya!

Samantala, angat pa rin ang ganda ni Lassy, na sa sobrang ‘perfect’ ay napagkamalan pang wax figure! Tatawa ka for sure, kaya catch up na sa mga fun ganaps on “It’s Showtime.”

Kayod-kalabaw sa araw-araw para mahal sa buhay ay hindi magutom at mauhaw. Kilalanin ang mga ‘breadwinnables’ na may inspiring kwento sa “And The Breadwinner Is.”

Magaling na aktres ang manghuhula sa araw na ‘to. Magaling din ba siyang kumilatis? Everyone, Julia Montes! A breadwinner herself, 5 years old lamang si Julia nang magsimulang magtrabaho para sa pamilya, kaya siguradong relate siya sa kwento ng tatlong Trabahador. Isa sa kanila ay breadwinner na security guard.

Unang sipat pa lang, kuha na ni Breadwinnable 1 ang boto ni Julia. Pero sa Round 2 kung saan binigyan sila ng pagkakataon na ipakita ang skill sa iba’t-ibang sitwasyon, si Breadwinnable 2 naman ang mas convincing. At mas nahirapan si Julia sa Round 3 kung saan lahat ng Breadwinnables ay nagbigay ng tagos-pusong sagot sa isang katanungan.

Pero, sa huli, Breadwinnable 1 ang kan’yang tinayaan. Si Julia, na-prank! Ang totong breadwinner na security guard ay si Trabahador 3, si Jonathan; samantalang production staff si number 1 at casino dealer naman si number 2.

Dugo't pawis ang puhunan para pangangailangan ng mga mahal sa buhay ay mapunan. Triple ang pagkayaod ni Jonathan dahil tatlo ang pamilyang sinusustentuhan–ang adoptive family, biological family, at ang kan’yang mag-ina.

Malungkot ang kwento ng buhay ni Jonathan–mula sa rebelasyon na s’ya pala ay ampon, sa pagkakakulong ng ama, at sa ‘di magandang relasyon ng kan’yang asawa at pamilya. Nakakapagod na nga ang pagkayod, na may pagkakataon pang halos 24 oras siyang naka-duty, dagdag pa sa pasanin ang mga sakit ng kalooban na mag-isa n’yang kinikimkim.

Sana ngayong Pasko, matupad ang lahat ng hiling ni Jonathan. At nandito ang ‘Showtime’ family upang siya ay tulungan at bigyan ng munting kaligayahan.

Winner ang kantahan sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Sa laban ng singing, hindi siya aayaw. Talagang bigay-todo sa entablado ang pambato ng University of Perpetual Help System-Laguna, si Yesha Jao, na kinanta ang hit ni Sarah Geronimo, “Isa Pang Araw.”

Ibinuhos din ni Lemery Colleges bet Zandy Bernaldez ang best n’ya sa pagbirit. Powerful version n’ya ng “I Surrender,” talagang nakaka-winner!

Panalo rin ang komento ng mga hurado. Papuri na may pieces of advice ang ibinigay nina Ogie Alcasid, Darren Espanto, at ng na-miss natin na si Yeng Constantino.

Pero isa lamang ang aangat sa laban! Si Zandy ang hinirrang na Top 1 at babalik sa Preliminary Round.



Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Breadwinner na si Jonathan, may tatlong pamilya na sinusuportahan | It’s Showtime | Cheezmis