← Back to Home
Mga batikang bituin, nagsanib-puwersa sa matinding eksena ng 'Batang Quiapo'

Mga batikang bituin, nagsanib-puwersa sa matinding eksena ng 'Batang Quiapo'

Sa bihirang pagkakataon, nagsama-sama ang mga batikang bituin sa isang eksena ng "FPJ's Batang Quiapo," na pinagbibidahan ni Coco Martin.

🕒 8/22/2025, 5:09:41 AM254 wordsEN

ABS-CBN News

#Batang Quiapo#Coco Martin


MAYNILA -- Sa bihirang pagkakataon, nagsama-sama ang mga batikang bituin sa isang eksena ng "FPJ's Batang Quiapo," na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sa programa nitong Huwebes, muling nagkaroon ng gulo sa pagitan ng mga Montenegro at Guerrero sa mismong araw ng botohan. Ito ay matapos na magpangabot ang dalawang magkalabang pamilya sa lugar kung saan sila nakatakdang bumoto.

Mas tumindi ang mga eksena nang dumating at ibulgar ni Olivia (Chanda Romero) ang mga baho ng pamilya Guerrero, mula kay Don Gustavo (Dante Rivero), Mayor Roberto (Albert Martinez), Jackie (Angel Aquino) at Miguelito (Jake Cuenca).



Sa kabila nang pagbabanta ng kanyang pamilya, hindi na napigilan pa si Olivia na ilabas ang galit sa pamilya Guerrero at maging sa mga Montegro sa pangunguna naman ni Don Gustavo (Tommy Abuel).  




Matatandaang namatay ang anak ni Olivia na si Iñigo (Albie Casiño) sa naging pagsabog sa miting de avance nina Tanggol dahil na rin sa utos ng mga Guerrero sa Red Phoenix, samantalang nabaril naman ni Marites (Cherry Pie Picache) ang ina ni Olivia na si Pilar (Celia Rodriguez) matapos nitong dukutin si Tindeng (Charo Santos).

Bago matapos ang episode nitong Huwebes, ipinakita naman na nagawa ng mga Guerrero at Montenegro na bumoto.

Ipinagdasal naman ni Fatima (Andrea Brillantes) na manalo si Tanggol bilang bagong alkalde ng Maynila.

Nagtala ang episode ng 533, 644 peak concurrent viewers o 'yung sabay-sabay na nanonood sa Kapamilya Online Live.   

Mapapanood ang "FPJ's Batang Quiapo" mula Lunes hanggang Biyernes, ika-8 ng gabi sa Kapamilya Channel, Cinemo, A2Z, TV5,  iWantTFC, at TFC.


RELATED VIDEOS:



Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Mga batikang bituin, nagsanib-puwersa sa matinding eksena ng 'Batang Quiapo' | Cheezmis