MAYNILA — Sa likod ng masasayang tawa, makukulay na entablado, at mga tumatak na segment at eksena ng ABS-CBN noontime show na “It’s Showtime”, araw-araw nagsusumikap ang isang grupo ng mga dedikado at masisipag na production staff para maihatid ang aliw sa madlang people.
Mula lighting technicians, floor directors, cameraman, at segment producers, hindi matatawaran ang kanilang papel para masiguro ang kalidad ng bawat eksena na nagpapatibay sa estado ng “Showtime family” sa mundo ng entertainment sa bansa.
Makikita ito sa paghahanap pa lang ng mga lalahok sa programa, sa patuloy na pagtrabaho sa gitna ng commercial breaks, at maging kapag natapos na ang pag-ere at ihahanda na ang programa kinabukasan.
Sa 15 taong pagtakbo sa ere ngIt's Showtime”, maituturing na “unsung heroes” ang mga nasa likod ng bawat kamera na ibinibigay ang kanilang talento, puso at oras para patuloy na magbahagi ng kasiyahan sa mga manonood ng flagship at longest-running Kapamilya noontime show.
—Ulat nina Winkie Bernaldez, Chim Cantos, Elijah Gallero, Jed Laudencia, at Jean Villaflores, Patrol ng Pilipino Batch 12 Interns
Profound life lessons, genuine pieces of advice we picked up from It’s Showtime
Profound life lessons, genuine pieces of advice we picked up from It’s Showtime
Vice Ganda surprises 'Showtime' staff with P300K as show marks 13th anniversary
It’s Showtime’s 14-year journey leads to new home, solid relationship with madlang people
