← Back to Home
'Tao Po' : Ang simpleng buhay ni Charo Santos bago sumali sa beauty pageant at pumasok sa showbiz

'Tao Po' : Ang simpleng buhay ni Charo Santos bago sumali sa beauty pageant at pumasok sa showbiz

Ipinanganak sa Calapan, Oriental Mindoro si Maria Rosario Santos o mas kilala bilang Charo Santos.

🕒 5/8/2025, 3:24:26 AM258 wordsEN

ABS-CBN News

#Tao Po#current affairs#tagalog news

Ipinanganak sa Calapan, Oriental Mindoro si Maria Rosario Santos o mas kilala bilang Charo Santos.

Lumaki siya sa simple at masayang pamumuhay sa probinsya.  

"Hindi ako na-expose sa magaspang na side ng buhay. I've always looked at life with that sense of joy and positivity na maganda ang buhay."

Aminado mang tahimik at mahiyain pero nang mapasabak sa beauty pageant sa kanilang probinsya, dito nasubok ang tapang at kumpiyansa sa sarili ng batang Charo.

Kwento niya, "Ay naku, kinukurot ako ng nanay ko. Oo kasi ayoko, diba?  but I think it was my coming of age. Because despite my fears, parang, I started coming out of my shell. That's parang a great training ground to develop one's confidence, to develop one's self-esteem, yung bilib ka sa sarili mo. 'Kaya ko to, kakayanin ko to.'"

Ang dating payak na buhay unti-unting nagkakulay nang pasukin niya ang mundo ng showbiz.

Maraming karakter na ang binigyang buhay ni Charo tulad ni ‘Tindeng’ sa FPJ's Batang Quiapo na kinapitan ng masang Pilipino.

Sa lahat ng kaniyang mga ginagawa, gabay niya ang aral mula sa mga magulang.

"May tinanim ang ama ko, tsaka ang nanay ko sa amin, eh. na maniwala ka sa sarili mo.  Be self-reliant, be independent, don't depend on anyone. So you have to be good at what you're doing.  if you believe in yourself, for as long as you're open, you know, to the idea of learning, kakayanin mo."

Ulat ni Bernadette Sembrano para sa programang Tao Po. (April 27, 2025)


Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
'Tao Po' : Ang simpleng buhay ni Charo Santos bago sumali sa beauty pageant at pumasok sa showbiz | Cheezmis