← Back to Home
Mga Pinoy sa Vatican nanabik sa anunsyo ng bagong Santo Papa

Mga Pinoy sa Vatican nanabik sa anunsyo ng bagong Santo Papa

Maging sa St. Peter’s Square, inabangan ng mga Pilipino ang paghalal ng bagong Santo Papa.

🕒 5/9/2025, 1:21:51 AM146 wordsEN

Patrol Ng Pilipino

#Patrol ng Pilipino#ABSNews#Pope Leo XIV#Vatican City#conclave##Catholic Church

MAYNILA —Maging sa St. Peter’s Square, inabangan ng mga Pilipino ang paghalal ng bagong Santo Papa.

Ikinatuwa at napaluha pa ang ilan sa kanila matapos lumabas ang puting usok sa Sistine Chapel at inanunsyo ang “Habemus papam” o mayroon nang napiling pope ang conclave.

Mahalagang okasyon ito para sa iba na ngayon lang natunghayan ang tradisyon.

Ipinakilala rin ang bagong lider ng simbahang Katolika, si Pope Leo XIV na si Robert Francis Cardinal Prevost ng Chicago.

Sa una niyang mensahe, panawagan niya ang magkaisa, maging tulay sa pagkakaunawaan at maihatid ang pagmamahal ng Diyos sa mundo.

 

– Ulat nina Rose Eclarinal at Mye Mulingtapang, Patrol ng Pilipino


Video produced with Yzabelle Liwag & Anjo Bagaoisan


Prevost becomes first US pope as Leo XIV

Soft-spoken Prevost is first pope from US

Pope Leo XIV prays after being elected

'Habemus papam!': White smoke at Vatican as cardinals elect new pope

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.