← Back to Home
TV PATROL: Detalye ng funeral rites ni Pope Francis inilabas na ng Vatican

TV PATROL: Detalye ng funeral rites ni Pope Francis inilabas na ng Vatican

Inilibas na ng Vatican Press Office ang detalye sa paglipat ng labi ng Santo Papa sa St. Peter's Basilica att ang kanyang magiging libing sa Sabado.

🕒 4/22/2025, 1:01:54 PM160 wordsEN

Marielle Catbagan

#TV Patrol#Pope Francis#Santo Papa#Vatican Press Office#St. Peter's Basilica#libing#funeral rites#Casa Santa Marta#Vatican#Camerlengo#Simbahang Katolika#Cardinal Kevin Farrell#Traslacion#prusisyon#Dean ng College of Cardinals#Cardinal Giovanni Battista Re#misa#Basilica of St. Mary Major#pagluluksa

Inilibas na ng Vatican Press Office ang detalye sa paglipat ng labi ng Santo Papa sa St. Peter's Basilica att ang kanyang magiging libing sa Sabado. 

Ililipat ang labi ni Pope Francis mula sa kapilya ng Casa Santa Marta patungong St. Peter's Basilica Miyerkules ng umaga, oras sa Vatican. Pangungunahan ng Camerlengo ng Simbahang Katolika na si Cardinal Kevin Farrell ang panalanginbago magsimula ang 'Traslacion' o pagprusisyon sa labi ni Pope Francis bandang alas nwebe ng umaga. 

Pagdating sa Basilica, pangungunahan ng Cardinal Camerlengo ang seremonya. 

Sa Sabado naman ililibing ni Pope Francis. 

Ang Dean ng College of  Cardinals na si Cardinal Giovanni Battista Re ang mangunguna sa misa kasama ang iba pang kardinal, obispo at mga pari mula sa iba-ibang bahagi ng mundo. 

Pagkatapos ay dadalhin ang mga labi ni Pope Francis sa Basilica of St. Mary Major para ilibing. Hudyat na rin ito ng siyam na araw na pagluluksa sa kanyang pagpanaw. TV Patrol, Martes, 22 Abril 2025

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
TV PATROL: Detalye ng funeral rites ni Pope Francis inilabas na ng Vatican | Cheezmis