← Back to Home
TNVS rider tinakbuhan ang biker matapos mabangga sa Marikina

TNVS rider tinakbuhan ang biker matapos mabangga sa Marikina

Tinakbuhan ng isang TNVS rider ang nabangga niyang biker sa Nangka, Marikina City bandang alas-6 ng umaga nitong Biyernes, July 31, 2026.

🕒 7/31/2026, 12:30:11 PM173 wordsEN

Dabet Panelo

#TNVS#rider#biker#Marikina#LTO#BMPM#Bayan Patroller


Huli sa video kung paano binangga at tsaka tinakbuhan ng isang Transport Network Vehicle Service (TNVS) driver ang isang biker habang binabagtas ang Barangay Nangka, Marikina pasado alas-6 ng umaga nitong Biyernes, July 31, 2026. 

 Kwento ni Bayan Patroller Ferdinand Lagumbay, isa ring biker, may nakakabit na cellphone sa kanyang riding gear at nasa unahan niya ang TNVS rider.

 Makikita sa video ni patroller ang mabilis na pagpapatakbo ng TNVS rider hanggang sa nag-overtake ito sa isang biker. Bago pa makapag-overtake ang TNVS rider ay kitang kita sa video na nasagi niya ang manibela ng biker na naging dahilan para mawalan ng balanse at matumba ang bisikleta at mahulog ang biker sa kalsada. 

 'Hinabol ko po yung rider, ayaw po nya huminto, mabilis po sya umalis,' kwento ni Bayan Patroller Ferdinand. Dagdag pa niya, hindi niya kilala ang nabanggang kapwa biker kaya nang nakita niyang nakaupo na ang biktima sa pavement ay sinubukan na lang niyang habulin ang TNVS driver.

 Sinabi naman ng Land Transportation Office na ipahahanap at iaalarma ang nasabing rider.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
TNVS rider tinakbuhan ang biker matapos mabangga sa Marikina | Cheezmis