← Back to Home

Warehouse nasunog sa Marilao, Bulacan

Isang warehouse na naglalaman ng mga upholstery material ang natupok sa Barangay Loma De Gato, Marilao, Bulacan pasado 12:00 ng hatinggabi nitong Biyernes, August 7.

🕒 8/7/2026, 12:29:40 AM342 wordsEN
Bea Cuadra

Bea Cuadra

Bea Cuadra is a multiplatform reporter for ABS-CBN News focusing on police and crime beat stories. A Summa Cum Laude graduate of Assumption College, she has previously worked as a news monitoring and desk officer for the Integrated News and Current Affairs Division.

#Sunog#Warehouse#Bulacan

Isang warehouse na naglalaman ng mga upholstery material ang natupok sa Barangay Loma De Gato, Marilao, Bulacan pasado 12:00 ng hatinggabi nitong Biyernes, August 7. Courtesy: Navotas Midtown Fire Prevention Unit via Bea Cuadra, ABS-CBN News

MAYNILA — Isang warehouse na naglalaman ng mga upholstery material ang natupok sa Barangay Loma De Gato, Marilao, Bulacan pasado 12:00 ng hatinggabi nitong Biyernes, August 7.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), natutulog ang may-ari ng warehouse nang mangyari ang insidente.

"Ayon po sa, yung owner mismo, sila yung stay-in dito sa warehouse. Natutulog sila dito sa second floor. Then, nagising sila between 12 o'clock, around 12 o'clock, may naamoy na silang smoke. Then, nung chineck nila, ginising nila yung kasamang mga tao dito sa barracks," pahayag ni SFO4 Laurice Tecson, Operations Chief ng BFP Marilao.

Agad na binuksan ng mga empleyado na nasa barracks ang gate upang suriin ang pinagmulan ng usok, ngunit laking gulat nila nang makitang malaki na ang apoy sa lugar.

"Sa barracks, binuksan nila yung pinaka-gate nila, yung pinaka-entry point natin ngayon. At nakita nila na may apoy na, fully developed na. Malaki na kumbaga, malaking na yung apoy. Tumawag na sila kaagad sa fire station," dagdag ni Tecson.

Sinubukan pa umano nilang patayin ang lumalaking apoy gamit ang mga fire extinguisher, ngunit napilitan din silang umatras nang hindi na ito kayang kontrolin.

Ligtas namang nakalabas ang lahat ng tao mula sa warehouse, at walang naitalang nasaktan o nasawi sa insidente.

Umabot sa unang alarma ang sunog, kung saan 12 firetrucks mula sa BFP at mga fire volunteer group ang rumesponde.

Ayon sa BFP, bagamat hindi kumalat ang apoy dahil sa firewall ng gusali, nagdulot ng kaunting abala sa operasyon ang kalsada patungo sa warehouse.

Idineklara ang sunog na under control ganap na 2:38 a.m. at tuluyang naapula o fire out nang 4:30 a.m.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang may-ari ng warehouse.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang pinagmulan ng apoy at ang kabuuang halaga ng pinsala sa ari-arian.


KAUGNAY NA VIDEO


Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Warehouse nasunog sa Marilao, Bulacan | Cheezmis