← Back to Home
2 lalaki arestado sa pagnanakaw ng spare car parts sa Quezon City

2 lalaki arestado sa pagnanakaw ng spare car parts sa Quezon City

Arestado ang dalawang lalaking edad 20 at 37-anyos matapos magnakaw ng ₱40,000 na halaga ng spare car parts sa isang warehouse sa Barangay Tandang Sora, Quezon City.

🕒 8/6/2026, 4:56:43 PM393 wordsEN
Bea Cuadra

Bea Cuadra

Bea Cuadra is a multiplatform reporter for ABS-CBN News focusing on police and crime beat stories. A Summa Cum Laude graduate of Assumption College, she has previously worked as a news monitoring and desk officer for the Integrated News and Current Affairs Division.

#Quezon City#pagnanakaw#theft

MAYNILA — Arestado ang dalawang lalaking edad 20 at 37-anyos matapos magnakaw ng ₱40,000 na halaga ng spare car parts sa isang warehouse sa Barangay Tandang Sora, Quezon City.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang pagnanakaw pasado alas-11:00 ng gabi noong Martes, Agosto 4.

Naging alerto ang may-ari ng warehouse dahil sa mga nauna nang insidente ng pagkawala ng gamit doon.

"So itong victim na complainant natin, prior pa, meron ng mga nawawalang bagay dito sa warehouse niya, kaya naging alerto siya. So noong August 4 ng gabi, alas 11 ng gabi, nagmanman na siya," pahayag ni Police Lt. Col. Von Alejandrino, Talipapa Police Station Commander.

Ayon sa pulisya, mismong ang biktima ang nakakita sa paglabas ng suspect noong gabi ng Martes. Nang suriin ang warehouse, nadiskubre niyang nawawala ang dalawang mahalagang parte ng kanyang gamit kaya agad niyang sinundan ang suspek hanggang sa makarating ito sa isang junk shop.

Sa kuha ng CCTV noong umaga ng Miyerkules, August 5, nakitang itinutulak ng 20-anyos na suspek ang isang wheelbarrow kung saan nakalagay ang mga ninakaw na piyesa.

"So, based sa forward tracking at backtracking natin, nakita natin sa CCTV, ito nga ang suspect number 1 ay dinala dito sa isang junk shop dito din sa isang barangay. So, nakita natin doon na nilagay niya sa isang wheelbarrow yung ninakaw niya na dalawang parte ng sasakyan," dagdag pa ni  PLt. Col. Alejandrino.

Matapos makahingi ng tulong ang biktima sa kapulisan, naaresto ang dalawa madaling araw noong August 5 sa Barangay Tandang Sora.

Agad namang umamin ang 20-anyos na suspek at itinuro ang 37-anyos na kasamang nag-utos umano sakanya.

"So nung pagkahuli natin na humingi ng tulong ito si victim complainant natin, humingi siya ng tulong sa kapulisan, umamin naman agad si suspect number 1 na ito nga in-induce lang siya, inutusan lang siya nito ni suspect number 2," ani PLt. Col. Alejandrino.

Aminado naman ang 20-anyos na suspek sa ginawang pagnanakaw.

"Wala pong makain sa araw araw eh, walang pera eh," aniya.

Ayon pa sa pulisya, dati nang may record sa pagsusugal ang 37-anyos na suspek.

Tumanggi namang magbigay ng karagdagang pahayag ang 37-anyos na suspek kaugnay sa insidente.

"Lahat po ng mga alegasyon na binibintang sa amin sa Korte na lang po ako magpapaliwanag," aniya.

Kasalukuyang nakakulong ang dalawang suspek sa custodial facility unit ng Talipapa Police Station at nahaharap sa reklamong robbery.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
2 lalaki arestado sa pagnanakaw ng spare car parts sa Quezon City | Cheezmis