← Back to Home

Taxi driver sugatan matapos saksakin ng screw driver ng nasaging lalaki

Arestado ang 45-anyos na lalaki matapos saksakin ang isang 27-anyos na taxi driver sa Bgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches Quezon City.

🕒 8/6/2026, 12:20:55 AM107 wordsEN
Christopher Sitson

Christopher Sitson

Christopher Sitson, a multiplatform reporter for ABS-CBN News, covers crime and general assignments. He began as a news writer and anchor for Radyo 630’s "Headline Ngayon." A cum laude graduate, he holds a Communication degree from FEU.

#frustrated homicide#taxi driver#sugatan#sinaksak#screw driver#lalaki#nasagi

Nang lapitan na ng driver ang lalaki ay bigla na siyang sinaksak ng screw driver sa bandang kili-kili. Courtesy: QCPD via Christopher Sitson

MAYNILA — Arestado ang 45-anyos na lalaki matapos saksakin ang isang 27-anyos na taxi driver sa Bgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches Quezon City.

Ayon sa pulisya, naglalakad ang suspek akay-akay ang kanyang bisikleta nang masagi ng taxi driver.

Nang lapitan na ng driver ang lalaki ay bigla na siyang sinaksak ng screw driver sa bandang kili-kili.

Inaresto ng pulisya ang nanaksak na lalaki at narekober ang ginamit na screw driver.

Sinampahan na siya ng reklamong frustrated homicide at nasa kustodiya na ng pulisya.


KAUGNAY NA VIDEO


Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Taxi driver sugatan matapos saksakin ng screw driver ng nasaging lalaki | Cheezmis