← Back to Home
“Hari Ng Aksyon Sa Ating Henerasyon”: Si Coco Martin at ang pagsibol ng bagong mukha ng Pinoy action

“Hari Ng Aksyon Sa Ating Henerasyon”: Si Coco Martin at ang pagsibol ng bagong mukha ng Pinoy action

Hindi lang suntok at pasabog—alamin kung paano binago ni Coco Martin ang modernong Pinoy action sa harap at likod ng kamera.

🕒 6/7/2026, 4:53:06 AM843 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Coco Martin#Hari Ng Aksyon Sa Ating Henerasyon#Coco Martin Hari Ng Aksyon#FPJ’s Ang Probinsyano#FPJ’s Batang Quiapo#Sigabo#Julia Montes#CocoJul#Cardo Dalisay#Tanggol Montenegro

Ang pagiging "Hari Ng Aksyon" ay nasusukat hindi lamang sa dami ng suntok o bilang ng kalaban na napapatumba sa eksena. Nakikita rin ito sa dedikasyon, disiplina, at malasakit sa sining ng paggawa ng action.  

Sa paglipas ng mga taon, muling pinatingkad ni Coco Martin ang kinang ng action genre sa primetime television bitbit ang sarili niyang estilo sa harap at likod ng kamera. Ito ang naging puhunan at ambag niya upang makamit ang titulong "Hari Ng Aksyon Sa Ating Henerasyon."  

Noong mga unang dekada, ang action scenes sa mga pelikulang Pilipino ay kadalasang nakasentro lamang sa formulaic na bakbakan at barilan. Binago ito ni Coco. Sa pagpasok ng "FPJ's Ang Probinsyano" noong 2015, ginawa niyang mas malikhain at visually engaging ang anyo ng Pinoy action storytelling.  

 

 

Sa Ang Probinsyano, isa sa mga naging marka niya bilang Cardo Dalisay ang mga buwis-buhay na paglundag. Maraming eksenang tumalon siya mula sa matataas na palapag ng gusali, matatarik na bangin, tulay sa ibabaw ng ilog, at maging sa isang pamapasaherong barko habang umiiwas sa putok ng baril at malakas na pagsabog. 

Dahil malaking bahagi ng kuwento ni Cardo ay umikot sa pakikipaghabulan sa mga kalaban, binigyan din ni Coco ng sariling tatak ang mga chase scenes sa serye. Katulad ng stunt kung saan pinaharurot niya ang isang motorsiklo paakyat ng hagdan bago siya tumalon sakay nito mula sa isang tulay, hanggang sa eksenang 'lumilipad' siya gamit ang parachute upang habulin ang isang yate.   

 

 

At sa halip na ipaubaya ito sa stunt double at digital technology, si Coco mismo ang sumasabak sa mga mapangahas na stunts. Dahil dito, mas ramdam ng manonood ang tensyon at panganib sa bawat eksena.  

 

 

Hindi matatawaran ang creative influence ni Coco sa larangan ng aksyon dahil bukod sa pagiging bida, malaki rin ang papel niya sa kabuuang proseso ng paggawa ng kanyang mga proyekto. Bilang direktor at producer, paboritong timpla niya ang improvisation. Kilala si Coco na hindi umaasa lang sa script. Madalas ay hinihimay niya ang mga elements sa location na puwedeng isama sa eksena para sa dagdag na realism. 

Sa "FPJ's Batang Quiapo," na-maximize ni Coco ang bawat sulok ng Maynila para gawing mas buhay at immersive ang mga action sequences. Halimbawa nito ang eksena kung saan napalaban ang karakter niyang si Tanggol sa isang grupo ng mga lalaki sa palengke. Naisip ni Coco na gawing props sa bakbakan ang mga kariton at mga paninda kaya mas lumitaw ang rawness ng eksena.  

 

 

Mga tren sa Maynila naman ang backdrop ng isang tensyonadong tagpo kasama sina Christopher de Leon at Lovi Poe. Sa Manila City Hall naman kinunan ang ilan sa maaaksyong paghaharap nina Coco, Jake Cuenca, at Albert Martinez. Tumatak din sa mga manonood ang cinematic na car chase scene sa Binondo-Intramuros Bridge.  

 

 

Sa pamamagitan ng kanyang mga karakter, ipinakilala rin ni Coco ang tunay na mukha ng isang action hero—hindi lang basta matapang na tagapagligtas, ngunit isang tao na maaaring magkamali at masaktan ngunit patuloy pa ring lumalaban para sa tama.  

Sina Cardo at Tanggol, sumasalamin sa mga karanasan, pangarap at prinsipyo ng ordinaryong Pilipino. Naging simbolo ng katatagan at pagbangon. Marahil ito ang isa sa pinakamahalagang nagawa ni Coco bilang action star. Higit sa pagbuo ng mga record-breaking, long-running teleseryes, nabigyan niya muli ng emosyon ang isang Pinoy action character—totoo at makatao upang maramdaman ng masa na bahagi sila ng kanyang kuwento. 

At sa likod ng bawat proyekto, oras, pagod at pagmamahal ang inilalaan ni Coco. Bilang hands-on leader, siya pa ang unang dumarating sa set, at huling umaalis. Tutok si Coco hindi lang sa creative execution ng mga eksena kundi pati sa pagpapanatili ng collaborative environment sa set. 

Madalas ikuwento ng mga artista't production staff na bukod sa matiyaga, si Coco ay marunong din makinig at makisama, mga katangian na lalong nagpatibay sa respeto na kanyang natatanggap. Naging bahagi rin ng reputasyon niya ang pagbubukas ng pinto para sa mga kapwa artista, lalo na sa mga veteran stars na gustong makabalik sa mainstream television.  


READ: “FPJ’s Batang Quiapo” stars celebrate the real Coco Martin they know off-cam 


Hindi lang basta ibinigay kay Coco ang titulong "Hari Ng Aksyon Sa Ating Henerasyon." Natamo niya ito sa pamamagitan ng husay at puso. Sa pagsasanib ng tapang at galing sa aksyon, walang hanggang dedikasyon, at emotional connection ni Coco sa mga manonood, sumibol ang isang makabagong action hero na tunay na sumasalamin sa kanyang henerasyon. 

At muli niyang itataas ang antas ng Pinoy action storytelling sa "Coco Martin's Sigabo" kasama si Julia Montes. Abangan ang pilot episode ng Sigabo, June 22 (Lunes), 8 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z at iWant

 

More on this story: 

Coco Martin: Why He Became the “Hari ng Aksyon Sa Ating Henerasyon”

CocoJul, handog ang aksyon at kilig sa “Coco Martin’s Sigabo”

Coco Martin looks back on humble beginnings, debut as director and producer

Top 10 iconic scenes from “FPJ’s Batang Quiapo” that captured the viewers and racked up millions of views

Thrilling, explosive one-on-one clashes of Cardo with his enemies in FPJ’s Ang Probinsyano

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.