← Back to Home
Yannie Paul Basical, itinanghal na TNT Year 10 Grand Champion! | It’s Showtime

Yannie Paul Basical, itinanghal na TNT Year 10 Grand Champion! | It’s Showtime

Matagumpay na nagtapos ang 'Tawag Ng Tanghalan ' Ika-10 Taon. Itinanghal na 3rd placer si Jeanel, sa final score na 95.1%. Pumangalawa si Charlie, na nakakuha ng 97.1%. Dikit ang naging agwat niya kay Yannie, na itinanghal na Grand Champion sa gradong 97.4%.

🕒 6/13/2026, 7:16:08 AM457 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Tawag Ng Tanghalan#TNT#TNT 10 Huling Tapatan#TNT Year 10 Grand Champion#Yannie Paul Basical

Iba-iba man ang kultura't salita na ating kinagisnan, may kanya-kanyang pinanggalingan, ngunit musika ang nagiging tulay ng ating mga puso't nararamdaman.

Mula Luzon, Visayas, hanggang Mindanao, buong Pilipinas ang sinuyod upang hanapin ang mga hiyas ng kantahan. Mga tinig mula sa labingwalong rehiyon ng bansa, sinala nang husto hanggang sa anim ang natirang nakatayo sa entablado upang paglaban-labanan ang kampeonato sa Ika-10 Taon ng 'Tawag Ng Tanghalan.'

Trending ang Huling Tapatan ng TNT 10, sa June 13 episode ng "It's Showtime." Sinimulan ni Charlie Palalisan (Region XII) ang intense bosesan. Nilalaman ng puso ay isinulat sa pamamagitan ng awiting "Liham" by SB19.

Nag-alab ang fierceness, at umulan ng vocal prowess as Russiana Ouano (Region XIII) performed "Purple Rain." Buhay na buhay rin ang bawat titik ng SB19 hit na "Wakas" sa boses ni Yannie Basical ng Region III.

Mula sa mapusong kantahan, itinaas ni Will De Sosa (Region IV) ang fun and playful energy with Eraserhead's "Toyang." Matagal hinintay ang tamang pagkakataon, kaya ibinuhos ni Von Kierulf (Region VIII) ang damdamin sa awiting "The Search Is Over."

Muling binuhay ni Jeanel Silvestre (Region I) ang dugo ng Madlang People sa studio, sa isang hugot rakrakan performance sa entablado, with Juan Karlos' "May Halaga Pa Ba Ako Sa'yo."

Pagkatapos ng unang round, dumiretso ang TOP 3 finalists na sina Yannie, Jeanel, at Charlie sa iconic medley round ng TNT, kung saan kuminang ang ganda ng OPM dahil sa mga napiling artists ng tatlong contenders.

Binigyang-buhay ni Yannie ang mga mensahe ng awitin ng grupong Smokey Mountain. Kabilang sa areglo ang "Mama's a Maid in London," "Better World" at "Paraiso."

Bittersweet at may suntok sa puso ang inihandang jamming ni Jeanel, with the Eraserheads chart-toppers "Magasin," "Spoliarium," at "Alapaap" sa kanyang medley performance.

Warm and heartfelt naman ang atake ni Charlie na ikinuwento ang tamis at lungkot ng pag-ibig sa "When I Met You," "Kapag Tuyo Nang Damdamin," at "Nakapagtataka" ng APO Hiking Society.

Matagumpay na nagtapos ang 'Tawag Ng Tanghalan ' Ika-10 Taon. Itinanghal na 3rd placer si Jeanel, sa final score na 95.1%. Pumangalawa si Charlie, na nakakuha ng 97.1%. Dikit ang naging agwat niya kay Yannie, na itinanghal na Grand Champion sa gradong 97.4%.

Bilang kampeon, nakatanggap si Yannie ng P1 million cash prize. Magkakaroon din siya ng management contract mula sa ABS-CBN at recording contract mula sa Star Music. Kabilang din sa papremyo ang two round-trip tickets, at prestihiyosong tropeo mula sa tanyag na visual artist, Toym Imao.

Si Yannie, na may kondisyong Asperger's Syndrome, ay gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang TNT Grand Champion na kabilang sa Autism Spectrum.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Yannie Paul Basical, itinanghal na TNT Year 10 Grand Champion! | It’s Showtime | Cheezmis