← Back to Home
Nanay Edlyn, bumuhos ang luha matapos manalo ng 100k sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Nanay Edlyn, bumuhos ang luha matapos manalo ng 100k sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Nanay Edlyn, bumuhos ang luha matapos manalo ng 100k sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

🕒 9/25/2025, 5:51:53 AM874 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeArawAraw#Laro Laro Pick#Edlyn#emosyonal#jackpot prize#100k#jackpot round#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Bianca Umali#Ogie Alcasid#Darren Espanto#Amy Perez#Karylle#Cianne Dominguez#Jackie Gonzaga#Ion Perez#Ryan Bang#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#MC Muah#Lassy

Stay home muna, Kapamilya, sa gitna ng mga weather forecast at babala ng paparating na bagyo. Huwag na munang umabas kung hindi kailangan. Dahil ang good vibes ay pwedeng matagpuan sa loob ng bahay, manood lang ng "It's Showtime."

Stay positive rin kahit minsan pakiramdam mo’y hirap at pagod lang ang dumarating. Tandaan, may biyayang naghihintay basta’t maniwala ka lang at manalangin. Katulad kahapon, isang ama na naglalako ng prutas sa kariton, si Tatay Bonjing, ang nag-uwi ng P150,000 sa Laro Laro Pick. Marami ang naantig sa istorya ng mga magkakariton, katulad ng kuwento ni Nanay Rosie na isang street dweller.

Kabilang sa nakaramdam ng lungkot ay si Kapamilya actor Donny Pangilinan na matapos ang show ay agad tumawag kay Vice Ganda para sabihing gusto niyang magpaabot ng tulong na P300,000. Hati-hati itong ipinamahagi sa 20 magkakariton players, na nakatanggap ng P15,000 each. At si Vice mismo ang personal na nag-abot ng regalo on behalf of Donny, na nagawa pa ring tumulong kahit out-of-town para sa taping ng teleserye.

Samantala, si Vice na rin ang nag-abono muna sa P150,000 ni Tatay Bonjing dahil alam niyang ilang araw pa bago ito maproseso. Ngunit muli, nalungkot at nakaramdam ng galit si Vice na mababawasan ng tax ang napanalunang premyo—buwis na, ayon sa kanya, hindi naman napupunta sa tunay na kapakanan ng mga tao.

May pagpapakumbaba rin siyang nanawagan sa mga sponsors at advertisers na tulungan ang programa sa pamamahagi ng tulong sa "Laro Laro Pick." At sana patuloy na suportahan ng manonood ang segment upang mas mapatagal ito at mas marami ang matulungan.

Hindi lang sa Laro Laro Pick may panalo, dahil panalo rin sa global stage ang talento ng Pinoy. Very proud ang "It's Showtime" family sa pagkakapanalo ni Fil-Am singer Jessica Sanchez sa "America's Got Talent." Hirit ni Meme, pagkatapos ng panalo ni Sofronio Vasquez sa The Voice USA, isa pang Pinoy ang gumawa ng kasaysayan sa ibang bansa, at sunod-sunod pa ang mga panalo ng Pinoy sa labas ng Pilipinas. Kailan naman daw mananalo ang Pinoy sa sarili niyang bayan?

Huwag mawalan ng pag-asa, dahil palaging nakikinig ang langit. Ngayong Huwebes, mga raketera moms naman ang sumalang sa Laro Laro Pick, handang sungkitin ang POT money na P100k!

Kasama pa sa kulitan sina Teddy Corpuz, Ion Perez, MC, at guest co-host Bianca Umali na naglaro para sa madlang studio audience.

Sa kaliwa, sa kanan, taas at baba—iyugyog ang katawan, i-shake off ang problema. Maaaliw kayo sa mga galawan, at hahangaan n'yo rin ang katatagan ng mga raketera moms, katulad na lang ni Nanay Marites. Hindi siya chismosa, kundi todo kayod para sa pamilya. Tatlong trabaho ang sabay niyang binubuhat. Kwek-kwek vendor every day, labandera 'pag Sunday, at pati sa barangay ay may on-call duty. Lahat ng ito, ginagawa niya para makatulong sa pagtaguyod ng kanyang mga apo na mahal na mahal niya nang buong puso.

Triple raket din ang atake ni Nanay Angel para maitawid ang pang-araw-araw. Isa na diyan ang paggawa ng peanut butter at nata de coco katuwang ang kanyang mister na construction worker. One for all, all for one ang motto nila sa pamilya. Naniniwala si Nanay Angel na makakaraos sila sa hirap basta nagtutulungan silang mag-anak.

Exciting ang laban sa Illuminate or Eiliminate. Out of 24, 12 players lang ang aabante sa It's Giving round kung saan ang category ay mga sangkap ng pancit. Sing-along ala Jessa Zaragoza naman ang ganap sa You Gotta Lyric. Walong mommies ang naglaban-laban sa PILImination, pero ang swerte ay dumapo kay Edlyn.

Jackpot time na para kay Edlyn, na sampung raket ang kayang pagsabay-sabayin. Bihira lang daw ang ganitong pagkakataon, kaya desidido siyang ipaglaban ang P150,000 Pot question. Tinanggihan niya ang P25,000 offer sa Li-Pot. Go big or go home!

Kinabahan ang lahat sa studio habang hawak ni Jhong Hilario ang envelope na naglalaman ng tanong na, "Ilang zero ang meron sa isang trilyon?" Muntik nang maubos ang limang segundo ni Nanay Edlyn pero sa huling saglit ay kanyang nasambit ang tamang sagot, "Dose."

Tama ang sagot ni Edlyn, kaya’t bumuhos ang emosyon sa buong studio—iyak, sigaw, at palakpakan—dahil isa na namang simpleng mamamayan ang nabiyayaan. Panalo siya ng POT money worth P100,000!

Pinayuhan din siya nina Jhong na ingatan ang perang napanalunan. Wala namang masama kung unahin muna ang sariling pangangailangan.

Panalo rin ang tinig na palaban sa "Tawag Ng Taghalan Year 9."

Unang sumampa sa entablado si Tricia Barba mula Batangas na kinanta ang "Ikaw" ni Yeng Constantino. Malaki ang potential ng cum laude singer, pero payo ni hurado Ogie Alcasid, mag-ingat sa ilang tono para masa makaalagwa ang pagbirit.

Nagpasikat din si Crisanta Pizon mula Camarines Norte na inawit ang "Bayan Ko" ni Freddie Aguilar. Naramdaman ni hurado Marco Sison ang emosyon at mensahe ng kanta lalo na sa pinagdadaanan ng bansa.

Si Crisanta ang umabante sa Kantapatan at muling nagpa-impress, singing Christina Perri's "Jar of Hearts." Hinamon niya si defending champion FJ Cortez na bumirit ng "Better Days." Komento ni Punong Hurado Louie Ocampo, straightforward at simple ang performance ni Crisanta, which was good, pero may ilang off notes siyang napuna. Samatala, napansin din ni Maestro ang mga tempo issues sa pagkanta ni FJ.

Pero sa huli, si FJ pa rin ang nagwagi. Pasok na siya sa ikalawang koponan.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Nanay Edlyn, bumuhos ang luha matapos manalo ng 100k sa Laro Laro Pick | It’s Showtime | Cheezmis