← Back to Home
Tatay Peter, matapang na sinagot ang POT question sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Tatay Peter, matapang na sinagot ang POT question sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Ang POT question of the day: “Sa anong 1997 Hollywood film ginamit ang awitin ni Celine Dion na My Heart Will Go On?” Nakakalungkot dahil hindi pinalad si Peter na makuha ang tamang sagot, ngunit nangako naman si Jhong na may matatanggap na tulong si Peter mula sa kanilang mga hosts at sa programa.

🕒 9/23/2025, 5:50:38 AM878 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Peter Showtime#Tatay Peter Showtime#Tatay Peter Laro Laro Pick#Peter Laro Laro Pick#Laro Laro Pick#Laro Laro Pick Titanic#Laro Laro Pick Showtime#Showtime Efren Bata Reyes#Its Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Karylle#Darren Espanto#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ion Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#

Bumubuhos ang good vibes banda rito, may swerte banda ro’n, at may tawa banda doon. Kahit saan tumingin, happiness lang ang makikita mo sa bawat sulok ng "It’s Showtime"  studio. 

At speaking of banda, Soapdish takes the stage with their hit “Tensionado," na trending pa rin ngayon kahit 2006 pa na-release. Swak kasi sa Gen Z feels! Para naman sa mga titos at titas, walang kupas ang rakrakan ng banda, parang time machine pabalik sa mga espesyal na ala-ala, kaya maki-jam na!  

Kahapon, September 22, nakuha na ni factory worker Khen ang jackpot na P650,000 kaya balik sa P100,000 ang POT money sa Laro Laro Pick. Malaking tulong pa rin 'yan kung sakaling makukuha ng mga mekaniko na bumida sa game arena.  

Habang sina Jugs Jugueta, Ryan Bang, Darren Espanto, at guest co-host Bianca Umali naman  ang naglaro para sa mga madlang people sa studio.  

Uy, si Efren "Bata" Reyes ba 'yan? Ay, namalikmata lang si Jhong Hilario at napagkamalang si iconic Magician ang mekanikong si Rody, na mahigit apat na dekada nang bumubutinting ng mga sasakyan. At dahil sa pagiging mekaniko, nakaya rin niyang mapagtapos ang limang anak—dalawang nurse, dalawang accountant, at isang psychologist.  

'Yun nga lang, may isang bagay siyang hindi kakayanin—ang hamon ni Anne Curtis na sabihin nang mabilis ang tongue twister na “minekaniko ni Monica ang makina ng Minica ni Monica.” Ang galing naman ng Dyosa natin today, walang sablay sa tongue twister. So slay!  

Nakilala rin natin si Natty, na bukod sa pagiging mekaniko ay naging security guard din. 'Pag nanalo raw siya, tiyak na mababago ang takbo ng buhay niya. Excited din si si Dinand, proud na tatay ng apat. Dahil unique ang tunog ng "Dinand," nagpagalingan sina Jhong, Anne, at Vhong Navarro kung anong puwedeng ipangalan sa talyer niya. "In Dinand" daw sabi ni Kuys Jhong. Kayo, Madlang People, anong entry n'yo?  

Mas nagliwanag ang good vibes sa studio nang sumabak ang players sa unang round na Illuminate or Eliminate. Dito, 12 lucky players ang makakakuha ng green boxes at aabante sa It’s Giving, kung saan ang category ay mga lungsod at munisipalidad ng Bulacan. 

Napa-instant videoke naman ang mga maginoong mekaniko sa You Gotta Lyric round. Nawawalang lyrics sa OPM classic "Larawang Kupas," dapat maibigay sa loob ng tatlong segundo. At sa PILImination, ang mga natitirang players ay pumili ng giant gift box. Isa sa mga gift boxes ay ma sorpresang pink balloons, na nakuha ni Peter kaya sa final game, siya ang naging lucky player.  

Si Peter ay isang mekanikong todo kayod sa trabaho para matustusan ang pangangailangan ng pamilya. May anak siyang may cerebral palsy kaya’t doble sikap para sa P14,000 na buwanang sweldo. Sa kabila ng hirap ng buhay, hindi siya susuko.  

Dahil doble kayod si Peter, kaya deserve niya ang dobleng offer. Kung P14,000 ang sweldo niya, sinarado na nina Vhong Navarro at Ogie Alcasid sa P28,000 ang tawad sa Li-Pot. Pero sa laki ng pangangailangan, nilakasan ni Peter ang loob at pinili ang Pot na nagkakahalaga ng P100,000. 

Ang POT question of the day: “Sa anong 1997 Hollywood film ginamit ang awitin ni Celine Dion na ‘My Heart Will Go On’?” At naisingit pa talaga ni Anne Curtis ang pagkanta! Nakakalungkot dahil hindi pinalad si Peter na makuha ang tamang sagot, ngunit nangako naman si Jhong na may matatanggap na tulong si Peter mula sa kanilang mga hosts at sa programa.  

Kung may boses na hindi dapat maliitin, ito ang tinig ng kabataan. Ngayong Martes, Gen Zs ang nagpasiklaban sa entablado ng "Tawag Ng Tanghalan Year 9." 

Unang sumalang si Florence Azarcon na inawit ang "Lost in Your Eyes.” Napansin agad ni hurado Dingdong Avanzado ang magandang vocal control ng batang singer, pero payo ng hurado, kailangan pa ng mas maraming experience sa singing para mas mahasa ang skills ni Florence.  

Nagpa-impress din si JJ Abad na binigyan ng bagong kulay ang OPM anthem na “Ang Huling El Bimbo.” Pinuri siya ni hurado Kyla dahil maganda ang atake, pero tip niya, mas ilapit ang mikropono kapag low notes para mas marinig ang bawat linya.  

Kung may boses na hindi dapat maliitin, ito ang tinig ng kabataan. Ngayong Martes, Gen Zs ang nagpasiklaban sa entablado ng "Tawag Ng Tanghalan Year 9." 

Unang sumalang si Florence Azarcon na inawit ang "Lost in Your Eyes.” Napansin agad ni hurado Dingdong Avanzado ang magandang vocal control ng batang singer, pero payo ng hurado, kailangan pa ng mas maraming experience sa singing para mas mahasa ang skills ni Florence.  

Nagpa-impress din si JJ Abad na binigyan ng bagong kulay ang OPM anthem na “Ang Huling El Bimbo.” Pinuri siya ni hurado Kyla dahil maganda ang atake, pero tip niya, mas ilapit ang mikropono kapag low notes para mas marinig ang bawat linya.  

Si JJ ang umabante sa Kantapatan round. Sa ikalawang pagkakataon ay nagpabilib siya, singing "Mamma Knows Best." Hinamon niya si defending champion FJ Cortez , na ipinaglaban naman ang kanyang titulo sa pamamagitan ng heartfelt rendition ng “Inseparable.” 

Si Punong Hurado Louie Ocampo, aminadong nahirapan pumili dahil parehong magaling ang nagsalpukan sa Kantapatan. Napa-wow siya ng kakaibang style ni JJ, na 'di naubusan ng sorpresa sa pag-shift ng tones, samantalang si FJ ay consistent naman na flawless performance. 

Pero sa huli, si FJ pa rin ang itinanghal na kampeon.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Tatay Peter, matapang na sinagot ang POT question sa Laro Laro Pick | It’s Showtime | Cheezmis