← Back to Home
Vice Ganda, emosyonal sa napanalunan ni Khen na 650k sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Vice Ganda, emosyonal sa napanalunan ni Khen na 650k sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Naging emosyonal si Vice Ganda matapos manalo P650,000 jackpot prize sa ‘Laro Laro Pick’ ng “It’s Showtime” ang factory worker na si Khen.

🕒 9/22/2025, 6:30:34 AM227 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeKaFUNyarihan#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Factory Worker#Khen#emosyonal#responsable#650k#jackpot#Anne Curtis#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ogie Alcasid#Karylle#Amy perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Ion Perez#Ryan Bang#Jugs Jugueta#MC#Shuvee Etrata#Darren Espanto

Nakuha na ang inaasam-asam na P650,000 jackpot prize sa ‘Laro Laro Pick’ ng “It’s Showtime” matapos masagot nang tama ng contestant at factory worker na si Khen ang tanong sa jackpot round.

Wala ngang pag-aalinlangang sinagot ni Khen ang tanong ni Vice Ganda kung sino ang kasalukuyang Senate President Pro Tempore ng bansa sa segment ngayong araw (Set. 22). Sagot niya ay si Sen. Ping Lacson. 

Labis nga ang pasasalamat ni Khen sa bumubuo ng programa at hosts nito sa pagbibigay tsansa sa kanya na sumali sa naturang segment. 

“Maraming salamat po sa Showtime, sa lahat ng bumubuo. Maraming-maraming salamat po makakauwi na ko sa amin,” saad niya. 

Ibinahagi ni Khen na malaking tulong ang premyo lalo pa at baka ito ang maging tulay para mabuo ang kanilang pamilya at mabayaran ang kanyang pagkakautang.

Ang kanyang pagkapanalo ay isa lamang halimbawa sa patuloy na misyon ng programa na hindi lang maghatid ng kasiyahan kundi tumulong din sa madlang people sa abot ng kanilang makakaya.

Makisaya sa buong pamilya ng “It’s Showtime,” 12 NN mula Lunes hanggang Sabado, sa GMA, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL) sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWant app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag din palampasin ang "Showtime Online U" sa YouTube channel ng "It's Showtime."

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, emosyonal sa napanalunan ni Khen na 650k sa Laro Laro Pick | It’s Showtime | Cheezmis