← Back to Home
Karylle, aminado na wala pa siyang nasasagot na tanong sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Karylle, aminado na wala pa siyang nasasagot na tanong sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Karylle, aminado na wala pa siyang nasasagot na tanong sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

🕒 9/20/2025, 5:43:42 AM907 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeMagkaisaPOTayo#Laro Laro Pick#Karylle#Jhong Hilario#Vhong Navarro

Anong trip n’yo kapag Sabado? Pwede kayong magpahinga sa kama buong araw, lumabas kasama ang pamilya, o kaya binge-watch ng mga paboritong series at pelikula. At kung gusto n’yong mag-relax na parang hari o reyna, best way talaga ang isang soundtrip with a queen. 

Slow down with the Queen of R&B, Kyla, na bibigyan pa kayo ng royal treatment as she sings her single “Don’t Tie Me Down.” Kantahan na puno ng soul ang hatid niya for all. Hindi lang 'yan dahil may good news din siya para sa Madlang People. 

Kung may tunay na bayani sa araw-araw, masasabi natin na kabilang sa dapat saluduhan ang mga AUsome parents na handang magsakripisyo para sa kanilang mga anak na may special needs. Kaya naman sa Laro Laro Pick game arena, sila muna ang bida. Deserve nilang swertehin at makuha ang POT money na P600k! Sana bumuhos sa kanilang buhay ang malalaking biyaya na kasinlaki ng mga puso nila. 

Pero hindi rin naman pwedeng magpatalo ang madlang people sa studio represented by Karylle, Jugs Jugueta, Ion Perez, at Darren Espanto. I-shake off muna ang kaba sa pamamagitan ng paghataw dahil ang mahusay sa sayawan, may instant P1,000! 

Isang libong inspirasyon naman ang hatid ni Grace, na ikinuwento ang buhay niya bilang magulang sa isang anak na may cerebral palsy. Sa hirap ng buhay ay napilitan siyang ipatigil ang therapy ng anak. Litong-lito man si Mommy Grace kina Vhong Navarro at Jhong Hilario, pero isa lang ang sigurado, ang pagmamahal niya sa anak ay hinding-hindi magbabago. Mahirap man ang kalagayan ng anak na si Gian, naniniwala siya na si Gian ay isang biyaya na may dalang swerte sa buhay niya. 

Madudurog naman ang puso mo sa kuwento ni Marlon, na nagluluksa pa rin sa pagpanaw ng asawa. Ngayo'y mag-isa na lang niyang itinataguyod ang dalawang anak na parehong may special needs. Ibang klaseng lakas at katatagan ang ipinapakita ni Marlon. Ang panalangin natin, sana sa hirap siya'y makaahon. Kapit lang, tatay, at huwag mawalan ng pag-asa dahil ikaw ang lakas ng 'yong mga anak.

Ang mga AUsome parents na bisita, umasang dadapuan ng swerte sa Illuminate or Eliminate, pero 12 players lang ang pwedeng umabante sa next round na It's Giving, kung saan ang category ay mga uri ng tinapay sa panaderya na nabanggit sa isang article. Sa You Gotta Lyric, "Wala Na Bang Pag-Ibig" ni Jaya ang entry sa sing-along. Si Jugs, napa-sorry na lang kay Jaya dahil hindi alam ang lyrics ng kanta. 

Lucky stars ni Karylle ang nagningning sa game arena dahil siya ang nakakuha ng blue spray sa PILImination round. Siya ang umabante sa final game at naglaro para sa Madlang People.

Malaki ang tiwala ng Madlang People na masasagot ni Karylle ang POT question dahil ibinuking ni Tyang Amy Perez na masipag daw mag-review ng trivia questions si Karylle para handa siya kung sakaling sumabak sa Laro Laro Pick jackpot round. 'Yun nga lang, aminado si Karylle na kahit misan ay hindi pa siya tumama sa tuwing nakikihula sa POT questions.

Malaki-laki ang paghahatian ng Madlang People kung makuha ni Karylle ang P600k sa POT, pero malaking tulong na rin ang P40k offer sa LiPot. Halos maluha si K sa kaba hanggang sa pinili niya ang Li-Pot para nga naman siguradong may paghahati-hatian na papremyo ang Madlang People.

Good decision! Dahil nang basahin ni Jhong Hilario ang tanong, "Sa mga lungsod o munisipalidad sa Metro Manila, ano ang may pinakamaliit na populasyon ayon sa 2024 datos ng Philippine Statistics Authority?" ang una niyang naisip ay San Juan, pero ang tamang sagot ay Pateros. 

Sa dami ng pinagdadaanan, minsan kanta na lang ang takbuhan. Pakinggan ang hugot ng mga "Tawag Ng Tanghalan" Year 9 contenders. 

Unang sumalang si Winsly Delos Reyes ng Olongapo City na kinanta ang “Paano Na Kaya” ni Bugoy Drilon. Kung narinig mo ang pighati sa kanyang tinig, naka-relate kasi siya sa kanta dahil sa breakup nila ng nanay ng dalawang anak niya. On national TV, napa-"I love you" siya sa ex at humingi ng tawad na para bang nanunuyo. Bumilib si hurado Marco Sison ang tapang ni Winsly bilang lalaki na aminin ang kanyang kahinaan, bagama’t naging honest ito tungkol sa performance at sinabing naramdaman niya ang kaba ni Winsly habang kumakanta. 

Mamahalin mo ten times a day ang "Sampu" performance ni FJ Cortez ng Cabuyao, Laguna. Kung nagustuhan ni hurado Kyla ang pagkanta ni FJ, nagustuhan naman ng Madlang People ang mga baon niyang knock-knock jokes. 

Ito ang hindi joke—si FJ  ang umabante sa Kantapatan round kung saan kinanta niya ang “Hulaan” ni Janine Tenoso, samantalang ang defending champion na si Henniel Parena ay bumirit naman ng “idontwannabeyouanymore” ni Billie Eilish. 

Sa huli, si FJ ang nagwagi at siya na ngayon ang bagong kampeon ng entablado.


Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

Stream All the Feels Only on iWant. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Karylle, aminado na wala pa siyang nasasagot na tanong sa Laro Laro Pick | It’s Showtime | Cheezmis