← Back to Home
Vhong, naisip na magtayo ng karinderya sa halagang 600k | It’s Showtime

Vhong, naisip na magtayo ng karinderya sa halagang 600k | It’s Showtime

Laro Laro Pick player na si Ronron, nakatanggap ng maagang pamasko mula sa Showtime hosts!

🕒 9/11/2025, 4:59:09 AM921 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeNakoThursdayNa#Laro Laro Pick#Vhong Navarro#karinderya#600k#Vice Ganda#Jhong Hilario#Darren Espanto#Amy Perez#Karylle#Cianne Dominguez#Jackie Gonzaga#Ion Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ryan Bang#MC#Lassy

Sa panahon ngayon na madalas marinig ang salitang "lifestyle check," dito sa "It's Showtime," gawin naman natin ang good vibes check, kaya show off your smile and positive energy dahil 'yan ang mga 'assets' na dapat ipagmalaki. 

Kaunting kembot na lang, weekend na! Kaya check na check na ang party vibe sa buong studio as Jeremy G and pop duo Darren Cashwell conquered the noontime entablado, with the LIVE performance of their new collab “Parking Lot," isang hot track perfect sa playlist ng mga mahilig gumimik. Mas naging hot ang performance dahil sa sizzling galawan ni dance siren Chie Filomeno na may special participation sa kantang 'to. 

Paano nga ba nabuo ang "Parking Lot"? And speaking of parking lot, ang "It's Showtime" hosts nagkuwentuhan tungkol sa mga "parking lot" moments nila. Sino kaya 'yung kunwari nasa parking na pero OTW pa lang pala?!

Lucky vibes check naman tayo sa "Laro Laro Laro Pick." Umabot na sa higit kalahating milyon ang POT money kaya napaisip sina Vhong Navarro, Vice Ganda, at Jhong Hilario kung saan nila ilalaan ang instant ₱600,000 kung sila ang papalaring makakuha nito. Si Vhong, magtatayo raw ng karinderya. Si Meme Vice naman, simple lang ang  gusto—bibili ng wigs in every color. 

Oras na para subukan ang swerte ng players of the day—mga nagtatrabaho sa peryahan, hardinero, fishball vendors, at kargador—kasama ang hosts na sina Darren Espanto, Ion Perez, Ryan Bang, at Jugs Jugueta to represent the Madlang People. 

Pasado sa vibe check si Ronron, isang kargador ng gulay sa palengke. Mukhang excited masyado, kaya ang likot habang nagkukuwento. Nagtulong-tulong pa ang hosts na hawakan ang mga paa niya. At alam n'yo naman dito, spontaneous, ang daming nangyayari. Biglang nag-Michael Jackson move si Ronron parang defying gravity. 

Palabiro lang 'yan siya pero maraming hirap na ang na-survive. At 14, tumigil sa pag-aaral para makatulong sa pamilya, at siyam na taon na siyang kargador. Dahil sa kuwento ng payak na buhay ni Ronron, nanawagan si Vice Ganda na labanan ang korapsyon, na sana ang mga Pilipino ay huwag nang pagnakawan pa, lalo na 'yung maliliit na manggagawang katulad ni Ronron na lumalaban naman nang patas. Deserve ni Ronron ang early Pamasko. Ang Showtime hosts, bibigyan siya ng mga damit at sapatos, at ₱20,000 pang-grocery mula mismo kay Meme, na tutulungan din siyang madala sa ospital ang ina.

Pumwesto rin sa game arena si Marize, na pagtitinda naman ng fishball ang napiling raket dahil mas mabilis daw kumita. Sino nga naman ang tatanggi sa fishball 'pag oras na ng merienda? Teka, magkano na nga ba ang fishball ngayon? 

Game na game rin si Lanie, from perya to game arena. Sa booth ng balloon darts siya nakatoka. Ang luck ni Ate Lanie, lolobo rin ba? 

Game time na! Excited and players sa Illuminate or Eliminate kung saan 12 lang ang natira. Sa It’s Giving, lamang ang may alam sa kusina, dahil ang challenge ay magbigay ng sangkap ng pakbet ayon kay Chef Adrian Pastrano. Pito lang ang naiwan sa round na 'to. At sa You Gotta Lyric, kinanta nila ang “Hallelujah” ni Bamboo.

Sa PILImination round, sa mga itim na lobo nakasalalay ang kanilang kapalaran. Isa lang sa mga lobo ang may "It's Showtime" logo. Ito ang ticket sa final game, at ang nakakuha nito ay ang fishball vendor na si Pat.

Si Pat, isang fisball vendor, ay naranasan nang mapaalis sa puwesto tuwing may clearing operation. Pero wala siyang choice kundi bumalik sa pagtitinda para may maiuwing kita. Sa totoo lang daw ay malaki talaga ang pangangailangan niya. 

Dalawa ang pagpipilian ni Pat: ang “Pot” kung saan maaaring manalo ng tumataginting na ₱600,000 kung masasagot ang tanong, o ang “Li-Pot” kung saan sigurado nang may maiuuwing cash prize. Agad-agad ay ₱50,000 ang naging alok sa Li-Pot. Ilang minuto ring nag-isip si Pat bago tuluyang nagdesisyon. 

Sa huli, Li-Pot ang kanyang pinili para matulungan ang may sakit na magulang, at good decision 'yun dahil aminadong wala siyang ideya sa POT question. Ang tanong: “Ang ibig sabihin sa English ng pangalan ng South Korean boy group na BTS ay Bulletproof Boy Scouts. Ano naman ang ibig sabihin ng BTS sa Korean?”  Sa mga ARMYs d’yan, alam n’yo ba ang tamang kasagutan?

Kahapon ay nag-tie sina Ameka Manalo at Jay Mark Calderon bilang mga bagong kampeon ng “Tawag Ng Tanghalan Year 9.” Sa araw na ito, muling hahanap ang mga hurado ng isang natatanging talento na maaaring humamon sa mga kampeon.

Unang sumalang si Donna ng Tiaong, Quezon, na ang hanapbuhay ay pagharana sa mga guests ng isang resort. Sa araw na 'to, ang hinarana niya'y mga hurado, singing "Weak." Sabi ni hurado Kyla, may unique tone si Donna at binigyan pa ng sariling twist ang kanta. Pero dagdag ni Punong Hurado Louie Ocampo, know where to put the right vibrato.

Kasunod naman si Ace ng Bataan, isang events stylist, na inawit ang “You Don’t Have to Say You Love Me.” Para kay Nyoy Volante, simple at basic ang pagkakakanta pero hindi nawala ang mga paandar na tamang-tama lang ang timpla.

Pagkatapos ng kantahan ay kuwentuhan naman. Napa-look back sina Vice Ganda at Karylle sa napuntahan nilang concert ng Coldplay. Forda trip down memory lane rin si Amy Perez nang balikan ang DJ days niya, kung saan ang mga patok na request daw noon ay “Unchained Melody” at “Eternal Flame,” habang sa OPM naman ay “Beautiful Girl” ni Jose Mari Chan most requested hit. 

Si Ace Espinosa ang itinanghal na panalo sa round na ito. Babalik siya bukas upang muling magtanghal sa TNT entablado.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vhong, naisip na magtayo ng karinderya sa halagang 600k | It’s Showtime | Cheezmis