Every gising is a blessing, kaya ipagpasalamat ang isang araw na tayo’y muling magkakasama sa tawanan at saya. Lumarga na ang jeep na dinala ang Madlang People sa Barangay Showtime kung saan naganap ang street-smart tanungan sa “MASAsagot Mo Ba.”
Kumasa sa hamon ang Team Whamonette sa pangunguna ni Whamos Cruz, na nag-sample pa ng dance moves. Nakalaban nila ang Team Aguinaldo, ang pamilya ni Nanay Leonida na kinaaaliwan sa mga online skits nila. Real na real po ‘yang si Nanay. Hindi ‘yan AI! Kita n’yo naman, naligaw pa at nalito. Si Jackie Gonzaga ay tinawag niyang Kim Chiu.
Mula sa mundo ng social media, dinala nila ang mga patawang hirit sa “It’s Showtime” pero serious mode sa laro. Umabante sa jackpot round ang Team Aguinaldo kung saan na-perfect nila ang three questions at nanalo ng 50, 000 pesos. G na G si Nanay Leonida, na pinandilatan pa ng mata at pabirong nasigawan si Jhong Hilario. Mas mabuti na nga naman ‘yung magkarinigan dahil baka ang pera’y maging bato pa!
Nangangabog ang confidence at beauty ng dalawang binibining sumalang sa “Breaking Muse” this lively Thursday.
Pero, teka, “Breaking Muse” ba ‘to o “KalokaLike”? Sa pagpasok ni Muse Jana ng Brgy. Poblacion, Mabini, Batangas, pati si Maymay Entrata ay napanganga dahil magkamukha raw sila! Feeling winner si Jana matapos makuha ang atensyon ni Board Member Brent Manalo. Pero kahit Brent Manalo na ‘yan, hindi pa rin umubra ang pagpapa-cute niya kay Jana, na very much in love sa jowa. Samantala, hindi natakasan ni Brent ang paunukso sa kanya ng hosts kay Mika Salamanca, kaya naman si Maymay, parang may gustong i-reveal?
Sa talent portion, itinodo ni Jana ang moves a la Maymay, singing and dancing to “Puede Ba.” Agree si Board Member Negi na very Maymay ang performance level ni ate girl.
Hindi pa katapusan pero nandito na si Judith ng Brgy. Putatan, Muntinlupa City, na nakaimbento lang naman ng “tumpia” o turon-lumpia in one. Thanks to her skill in cooking, nasungkit naman niya ang puso ni Board Member Anthony Jennings. Hindi rin siya nagpadaig sa talent showdown, rocking the stage with her number na pangmalakasan.
Sa sobrang hirap pumili between the two girls, nagbiro ang Board Members – what if wala na lang winner? Eme lang! Dahil palaging may panalo, at beauty ni Judith ang nanaig sa araw na ‘to.
Isang tinig ang nanaig sa “Tawag Ng Tanghalan” Year 9 KanTapatan round.
Fresh from her win yesterday, matapang na sumalang sa tanghalan si Erich Morales, singing Aretha Franklin’s “(You Make Me Feel Like A) Natural Woman” na very sweet sa pandinig ni hurado Yeng Constantino, as sweet as her very monyeka hairdo.
Mula sa matamis, mapanakit naman ang pagtatanghal ni defending champion Lovelyn Dela Peña, singing Nina’s hugot anthem, “Someday.” Umaawit pero nagkukuwento – ‘yan ang komento ni hurado Darren Espanto. Dagdag ni Punong Hurado Marco Sison, relatable ang pagkakaawit ni Lovelyn.
Matapos makakuha ng score na 96.3%, si Lovelyn ang itinanghal na panalo at babalik upang depensahan ang kanyang trono.
