Another day, another It’s Showtime episode kung saan halos walang katapusan ang tawanan, kulitan, at bardagulan ng hosts at players sa unang segment palang!
For today’s episode, nagharap sa “MASAsagot Mo Ba?” ang Team Beauty Queens, na kinabibilangan nina Miss Grand International 2016 first runner-up Nicole Cordoves, Miss Grand International 2024 CJ Opiaza, at Reina Hispanoamericana 2025 Dia Mate, at ang Team Gameboys na binubuo ng young actors na sina Kokoy de Santos, Elijah Canlas, and Miggy Jimenez.
Naging matagal din ang pag-usad ng segment katulad ng nangyari sa nakaraang episode dahil sa bawat tanong at sagot ay may kani-kaniyang punchlines ang hosts, na lubos na nagbigay-aliw sa ating lahat. Well, di lang natin sure sa production staff dahil pihadong nag-overtime na naman sila sa segment na ito.
Mahusay man sila sa question and answer portion ng pageants ng sinalihan nila, subalit hindi umubra ang beauty queens dahil matagumpay na na-sweep ng Team Gameboys ang lahat ng tatlong katanungan sa elimination round. Ngunit, nabigo naman ang young actors sa jackpot round dahil tanging si Kokoy lang ang nakakuha ng tamang sagot.
Panibagong araw, panibagong mga mukha ng kagandahan ang ating nasaksihan sa August 5 episode ng “Breaking Muse” ng It’s Showtime.
At upang suriin kung sino sa dalawang contestants ang nararapat na hiranging “Breaking Muse of the Day”, inimbitahan sina comedian at “Rainbow Rumble” co-host Negi, Kapuso actress at “Reels Queen” Max Collins, at “Nation’s Son” at “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” Kapuso 2nd Big Placer Will Ashley upang magsilbing board members.
For today’s episode, dalawang confidently beautiful, talented, and witty ladies muli ang nagharap sa nasabing patimpalak—sina Jonafe Antipuesto Brgy. Dalig, Teresa, Rizal at Mari Car Alviz ng Brgy. Graceville, San Jose del Monte City, Bulacan.
Napuno ng tawanan ang kuwentuhan ng hosts kay candidate number 1 Jonafe at sa kanyang mga ka-barangay na all-out sa pagha-hype sa kanya. Hindi man siya pumasa sa aktingan kasama ang hosts, ngunit tila okay naman ang sagot niya sa tanong kung sino ang tao na gusto niyang sabihan ng maganda—walang iba kundi ang kanyang sarili.
Samantala, medyo naging seryoso naman ang takbo ng usapan ng hosts kay candidate number 2 Mari Car nang magsimula siyang magkuwento tungkol sa personal niyang buhay, lalo na sa kanyang mga anak. Dahil kasalukuyan siyang nakahiwalay sa unang dalawa niyang anak, walang ibang hiling si Mari Car kundi ang makapiling silang muli lalo na sa darating na Pasko.
Kung si Jonafe, sasabihan ang sarili ng “maganda” dahil very confident na siya, si Mari Car naman ay gustong marinig ang mga kapitbahay niya na sabihan siya nito bilang pampa-boost umano ng kanyang self-confidence.
Sa talent portion ng “Breaking Muse”, pinatunayan nina Jonafe Mari Car na hindi lang sila magaling sa sagutan, kundi pati na rin sa gymnastics at hatawan. Patunay diyan ang magagandang komento na natanggap nila mula sa kapitaga-pitagang board members
Kapwa man sila nagpamalas ng ganda, galing, at talino, ngunit si Jonafe pa rin ang itinanghal na “Breaking Muse of the Day”.
Matapos ang kanilang unang paghaharap sa daily round ng Tawag ng Tanghalan kahapon, muling nagtagisan sa kantahan sina contenders Analyn Pialan ng La Castellana, Negros Occidental at Lovelyn Dela Peña ng Malaybalay City, Bukidnon.
Unang sumalang sa entablado si Lovelyn, na tila inihele tayo sa kanyang rendisyon ng “Till I Met You” na originally by OPM icon Odette Quesada, at sinundan naman siya ni Analyn na inawit ang “Forever’s Not Enough” ni Popstar Royalty Sarah Geronimo.
Pareho man silang magaling, si Lovelyn ang hinirang na bagong kampeon matapos na makakuha ng markang 93.3% mula sa mga hurado na sina Ogie Alcasid, Marco Sison, at Nonoy Zuniga ang kanyang performance. Dahil dito, siya ay nag-uwi ng karagdagang P10,000 at may pagkakataong depensahan ang kanyang puwesto sa mga susunod na araw ng kompetisyon. Tinalo niya ang kanyang katunggali na si Analyn na nakakuha ng 91.3%.
