← Back to Home
Meme Vice, sinubukan ipasagot kay Sem ang jackpot question sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Meme Vice, sinubukan ipasagot kay Sem ang jackpot question sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Meme Vice, sinubukan ipasagot kay Sem ang jackpot question sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

🕒 8/22/2025, 6:19:20 AM686 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It's Showtime#Showtime#ShowtimeLaroTayo#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Sem#jackpot question#Vhong Navarro#Jackie Gonzaga#Ogie Alcasid#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Darren Espanto#MC Muah#Lassy#Ryan Bang#Cianne Dominguez#Ion Perez

Kung ang saging ay may puso at ang pinya ay may korona, dito sa "It's Showtime," puso n'yo ay sasaya dahil kayo ang hari at reyna. Kaya humanda na sa endless tawa at excitement with a little bit of sing-along.

Pakwan-tahan to tha max ang sagot ni Ogie Alcasid na may concert-like birthday prod, with new-gen crooner Rob Deniel on board. Nag-collab ang dalawa sa version nila ng "Ikaw Sana" na puno ng feels. Pero hindi pa tapos ang sorpresa dahil ipinarinig din ng OPM Chief ang bago niyang kanta, “In Lab,” super cute ang vibe parang heaven above.

At nang tanungin sa kanyang birthday wish, simple lang daw ang kanyang nais—more happiness pati na good health for him and his family.

Parang prutas ang buhay na may tamis, may asim, minsan may pait, pero dito sa “Laro Laro Pick,” ang lakas na loob ay magbubunga ng magandang biyaya. Parang fruit salad na sari-sari ang players natin today. May lady riders, mga bandita, nurses, at fruit vendors. Nakipagkulitan din sina "It's Showtime" hosts Ion Perez, Ryan Bang, Cianne Dominguez, at Darren Espanto representing the madlang people sa studio.

Una nating nakilala si Nurse Jan na dalawang taon na sa serbisyo, kasunod si Ann na company nurse naman ang trabaho. Ang fruit vendor naman na si William, tinuruan ng sayaw ni Vice Ganda pampawala ng kaba, habang si Lady Rider Geraldine na breadwinner ay todo dasal na manalo para maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga kapatid at mapaluwas ang kanyang tatay mula Samar. Hindi rin nagpahuli si fruit vendor Sem na nagbahagi ng trivia—mas mabenta raw ang avocado kaysa sa ibang prutas sa kanyang paninda.

Sa "Illuminate o Eliminate" round, kanya-kanyang pili ng kahon ang players at parang prutas sa puno, iilan lang ang hinog. Labindalawa lamang ang may berdeng ilaw at sila ang umabante sa "It’s Giving" kung saan kailangan nilang isa-isahin ang buong pangalan ng mga aktres na gumanap bilang Darna sa pelikula o teleserye. Dito, anim na lang ang natira, at sila ang naglaro sa "You Gotta Lyric" round kung nag-sing-along ang lahat sa kantang “Jopay” ng Mayonnaise basta dapat madugtungan ang lyrics.

Hanggang sa natira ang lima para sa "PILImination Round," at dito, ang player na nakabunot ng pinakamahabang light stick ay siya ring nakapitas ng swerte at nakapasok sa jackpot round. Ito ay ang fruit vendor na si Sem.

Sa dulo ng laban, jackpot na ang usapan. May 50,000 pesos offer na nakahain, kaya ang sabi ni Sem, “Li-pot” na lang kaysa sumugal sa "Pot" at umuwing luhaan. Parang prutas din ‘yan na minsan mas safe pitasin ang hinog na kaysa maghintay pa at baka

wala ka nang makuha. Malaking bagay na ang 50, 000 pesos para sa pang-araw-araw na gastos.

Pero ipinasubok din sa kan'ya ang 250, 000 peso-"Pot" question: “Sino ang original singer ng kantang ‘Mula Sa Puso’?” Tama ang naging desisyon ni Sem dahil aminadong clueless. Kayo, Madlang People, meron ba kayong guess?

Parang prutas na puno ng tamis at sustansya ang tinig ng mga performers sa "Tawag Ng Tanghalan" Year 9.

Unang umakyat sa puno, este, sa entablado si Jeff Decano na inawit ang “The Last Time” ni Eric Benét. Komento ni hurado Dingdong Avanzado, hindi lang niya binigyan ng puso ang bawat linya, kundi dinagdagan pa ng sariling timpla kaya naging mas personal ang emosyon ng kanta.

Sumunod naman si Joemar Alvarez mula Quezon Province na nagpasabog ng energy sa kanyang rendition ng “Lose Control” ni Teddy Swims. Para kay hurado Kyla, standout ang tono ni Joemar dahil napaka-ganda at swak na swak sa pyesang kanyang pinili.

Si Jeff ang umabante sa KanTapatan kung saan ipinamalas niya ang kanyang bersyon ng “Di Na Natuto." Hinamon niya si defending champion Yssabela Oruga. Pero bago pa man makakanta si Yssabela, nagulat ang lahat nang biglang tumugtog ang playback. Imbes na kabahan, dinaan na lang sa jokes at patawa ni Vice Ganda ang aberya.

Agad ding naayos ang technical problem at inawit ni Yssabela ang "Isa Pang Araw.” Sa huli, kahit nagpakitang-gilas ang dating kampeon, naagaw ni Jeff ang trono at siya na ngayon ang bagong may hawak ng golden mikropono.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Meme Vice, sinubukan ipasagot kay Sem ang jackpot question sa Laro Laro Pick | It’s Showtime | Cheezmis