← Back to Home

Kathryn Bernardo, muling gagawa ng serye sa ilalim ng Dreamscape Entertainment

Magbabalik-teleserye si Kathryn Bernardo matapos ang opisyal na anunsyo ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment.

πŸ•’ 8/22/2025, 5:00:33 PMβ€’141 wordsβ€’EN

ABS-CBN Studios

#Kathryn Bernardo#Asia’s Superstar#Kathryn Bernardo teleserye comeback#Mara Clara#2 Good 2 Be True#Pilipinas Got Talent#Dreamscape

Magbabalik-teleserye na ang Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo matapos ang opisyal na anunsyo ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment kahapon, Agosto 22.

Magsisilbing reunion project din ito ni Kathryn sa Dreamscape Entertainment pagkalipas ng 15 na taon kung saan ang naturang production unit ang nasa likod ng “Mara Clara,” isa sa pinakatumatak sa mga manonood na teleserye ni Kathryn na umere noong 2010. 

Inanunsyo ang inaabangang teleserye comeback ni Kathryn sa pamamagitan ng isang video sa social media kung saan nagpa-hair and make-up ang aktres para sa isang photoshoot. 

Ang huling Kapamilya teleserye ni Kathryn ay ang romantic-comedy na “2 Good 2 Be True” noong 2022. Bumida rin siya sa big screen para sa “Hello, Love, Again” at kamakailan nagsilbi siya bilang isa sa mga hurado ng “Pilipinas Got Talent.”

Abangan ang susunod na mga anunsyo tungkol sa pagbabalik-serye ni Kathryn.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

Β© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Kathryn Bernardo, muling gagawa ng serye sa ilalim ng Dreamscape Entertainment | Cheezmis