← Back to Home
Ion, matapang na sinagot ang jackpot question sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Ion, matapang na sinagot ang jackpot question sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

It's giving relapse time kasama ang Cup of Joe ngayong Wednesday. At Ion Perez naglaro sa Jackpot round sa Laro Laro Pick.

🕒 8/20/2025, 6:07:38 AM599 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Ion Laro Laro Pick#Ion Jackpot Round#Showtime Laro Laro Pick#Ion Perez Showtime#Ion Perez Laro Laro Pick Showtime#Ion Perez Laro Laro Pick Showtime Jackpot#Its Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Karylle#Darren Espanto#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ion Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#

Kung misan sa pagmamahalan, kahit tapos na, bumabalik pa rin ang ala-ala. Parang multo na bigla na lang sumusulpot kapag nagre-relapse ang puso tapos parang hinahabol ka pa rin ng nakaraan na parang anino. 

Shout out sa mga brokenhearted at moving on, dahil sa unang pagkakataon, nandito sa “It’s Showtime” ang OPM band na nakaka-inlove pero minsan mapanakit ang mga hit. Cup of Joe performed their trending song para sa mga pusong minumulto ng kahapon.  

Ayun na nga’t may tinamaan! Hindi na nakailag pa si Jackie Gonzaga, na paulit-ulit daw pinakikinggan ang “Multo.” Kayo, Madlang People, sino o ano ang multo n’yo?  

Ang laro ng pag-ibig minsan ay parang multo —kahit tapos na, sumusunod pa rin sa ‘yo. Pero dito sa “Laro Laro Pick”, hindi multo ang hahabol kundi bonggang papremyo lalo na kung ang swerte ay kakampi n’yo.  

Kasama muli natin ang 24 players. Halo-halo ang entry—may call center agents, cosplayers, parlorista, at estudyante. Kasama pa ang Showtime hosts na palaging game, sina Ryan Bang, Teddy Corpuz, Ion Perez at Jugs Jugueta. 

Lahat ay may 1,000 pesos  agad sa umpisa pero ang bilang ng players ay unti-unting nababawasan depende sa choices nila. Sa ‘Illuminate o Eliminate’ round, kulay ng kahon ang nagbigay saya o dismaya. Sa ‘It’s Giving,’ utak ang puhunan, apelyido ng mga dating Vice President dapat alam. Kapag di nagbigay ng tamang sagot, tanggal ka agad. Kaya todo recall ang lahat, hoping to still get a shot.  

Pagdating sa ‘You Gotta Lyric’ naman, “Pare Ko” ang inawit. Studio biglang naging sing-along sa theme song ng mga  heartbroken noon. Hanggang sa tatlong players ang natira, including Ion, sa ‘PILImination Round’ kung saan isang lucky player ang makakakuha ng pink confetti. At si Ion nga ang sinwerte!  

Jackpot round na ang dulo ng laban. Dalawa ang choice: “Pot” para sa 150,000-peso question na only one shot, o “Li-pot” kung saan may sure na cash offer. Umabot pa sa 50,000 pesos ang alok, pero tinanggihan ni Ion. 

Sa pagpili niya ng “pot,” ang tanong: “Ano ang western zodiac sign ng taong ipinanganak ng March 30?” Sakto pa sana dahil ang mahal niyang si Vice Ganda ay March baby. Pero bigo si Ion na maibigay ang tamang sagot.  

Syempre, hindi papayag si Meme na ang Madlang People ay umuwing malungkot. Kaya isang studio audience ang nabunot para sa surprise papremyo, dahil kay Meme Vice, siguradong walang talo.  

Sa “Tawag ng Tanghalan” Year 9, may mga boses na parang multong sumasapi sa damdamin.  

Unang sumalang si Julius Lacandula na kinanta ang “6 8 12.” Sabi ni hurado Nyoy Volante, randam ang pagiging vocal coach si Julius dahil bawat nota ay kontrolado kaya siguradong hindi naliligaw sa tono. 

“Sabihin Mo Sa Akin” naman ang hugot ni Rie Buenaventura, na pinuri ni hurado Yeng Constantino for her low notes at kung paano nito ipinadama ang mensahe ng kanta. Speaking of mensahe, ang daming nasabi ni guest co-host Shuvee Etrata nang mag-fangirl mode kay hurado Yeng. Kaya nag-react si Vice Ganda at napaisip kung totoo ba ang sinasbai ni Shuvee, o may halong keme?  

Kasunod si Roxanne Resuello na hinarana ang Madlang People with her “Tag-Ulan” performance, na banayad muna sa simula, sabi ni Maestro Louie Ocampo, pero nagkaroon ng kakaibang timpla mula chorus hanggang dulo. Parang “animation theme song” kung ilarawan ng Punong Hurado.  

Sa KanTapatan Round, nagharap sina Julius at Roxanne—si Julius kinanta ang “Kahit Kailan” habang si Roxanne naman ay bumirit ng “Someone’s Always Saying Goodbye.” Parehong malakas ang laban pero mas nangibabaw ang boses at performance ni Julius, kaya siya ang itinanghal na panalo. Babalik siya bukas para depensahan ang kampeonato. 

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.