Sabado na! Hinga nang malalim, release the stress. Kalimutan ang toxic, let go of the mess. Kasama n’yo ang ‘Showtime’ family to laugh and reset. Ang unang magse-set ng mood to make you feel good, si Marielle Montellano at tinig niyang nakakakilig.
Super proud ang “It’s Showtime” family sa LSS-worthy performance ni Marielle. Opening prod pa lang ‘yan, paano pa sa concert stage, ‘di ba, Sir Ogie Alcasid? Si Jhong Hilario na nga mismo ang nagbigay-pugay sa boses ng nag-iisang Pop Pristine.
Katulad ng mga nakaraang weekly finals, kagimbal-gimbal na paandar ang inihanda ng Breaking Muse weekly finalists. Make way for Siera ng Brgy 176-E Bagong Silang, Caloocan at Jhein ng Ibabang Iyam, Lucena City.
Si Siera, chic and classy ang atake sa dance number bilang life-size Barbie. Backup vocals si Iyah Mina, na litong-lito na kung ano ba talaga ang role niya sa segment–from Board Member to performer.
Fierce and fearless naman ang drama ni Jhein in her sexy moves. Patunay na naliligo siya, aba, naligo ng pintura! Maging ang Dyosa ay napahanga, kaya si Anne Curtis, hinamon ang kanyang sisterette. Tanong niya, kaya ba ni Vice Ganda ang ginawa ng muses?
Samantala, first time ni Emilio Daez bilang Board Member. Basta, Emilio, walang nagkulang ng paalala sa’yo. Tatagan mo ang puso dahil baka mahumaling sa dalawang babaeng may gandang hindi mo kayang tiisin.
Matapos magpakilala with their pogi appeal, ibang level naman ang talent na ni-reveal nina Escort Mo Show Mo weekly finalists Mark ng Brgy. San Juan Cainta, Rizal at Daniel ng Brgy. Pasong Kawayan, General Trias.
Back to summer ang feels sa surfboard dive eksena ni Mark sa labas ng studio sabay sayaw ng “Pantropiko.”
Humataw sa stage si Daniel, na pinaindak ang audience na may kasama pang patawa at kaba. Sa dulo, may stunt with gulat factor ba! Napadasal pa si Meme, but the plot twist is twisting. ‘Budol’ ka talaga, Daniel.
After the rampahan at talent showdown, utakan naman ang labanan sa Baranggaan. Unahin na natin ang Breaking Muse weekly finalists, Siera at Jhein, sa tanong na, “Alin ang mas delikado—tambay na nag-iinuman o tsismosang kapitbahay sa daan?”
Sagot ni Siera, mas delikado ang tambay dahil pwedeng manaksak. Ay, ang violent. Pero buwelta ni Jhein, ‘nananaksak’ din ang mga tsismosa, as in backstabber sila.
Sunod na sumalang sa Baranggaan ang ating mga poging Escort na sina Mark at Daniel. Ang tanong: “Sino ang mas nakaka-stress makasalubong—taong niloko mo o ’yung nanloko sa’yo?”
Depensa ni Daniel, ‘yong makasalubong ang nanloko sa’yo ay mabigat sa kalooban dahil masakit masaktan ng taong pinagkatiwalaan. Pero, banat ni Mark, ‘yong niloko mo ay uusig sa’yong konsensya. Kaya ang nasabi na lang niya sa kalaban, “May point ka… pointless!”
Litong-lito ang mga hurado, lalo na si Maymay Entrata na pinapili pa kung sino ang bet niyang manligaw sa kanya–si Mark o Daniel ba? Si Board Member Kai Montinola, napa-rock ‘n roll na lang sa upuan, di rin makapili kung sino sa mga muses at escorts ang mas astig sa sagutan. What if TIE na lang ang laban?
Following the bardagulan sa debate at talent showdown sa back-to-back weekly finals ng Breaking Muse at Escort Mo, Show Mo, magagandang boses naman ang bumida sa “Tawag Ng Tanghalan” Year 9.
Special na parang first kiss ang performance ni Jonacel Abria ng Sta. Terecita Batangas sa pagkanta ng “Lason Mong Halik.”
From student duties to gigs, sa TNT stage muna nagpasikat si Art Ayes ng Real, Quezon Province, singing “Demonyo.”
Si Art ang umabante sa KanTapatan, rocking the stage with his “Noypi” performance. Pero hindi nagpakabog si defending champion Jenver Mae Bara na bumirit ng “And I Am Telling You.” At sa huli, si Jenver Mae ang wagi sa score na 96% laban sa 91% ni Art. Pasok na si Jenver Mae sa ikatlong koponan.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
Stream All the Feels Only on iWant. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.
