← Back to Home
Kaibigan, sinubukan sagutin ang jackpot question | It’s Showtime

Kaibigan, sinubukan sagutin ang jackpot question | It’s Showtime

Panibagong araw ng saya ang hatid ng It's Showtime family ngayong Tuesday dahil sa pinakabagong segment nito na Laro Laro Pick.

🕒 8/19/2025, 5:53:13 AM608 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Kaibigan Showtime#Kaibigan Its Showtime#Kaibigan Konduktor#Laro laro Pick#Kaibigan Laro laro pick Jackpot#Kaibigan Laro laro pick Jackpot round#Its Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Karylle#Darren Espanto#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ion Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#

Guys, anong ulam? Banda rito, parang adobo ang pinagsasaluhan dahil habang tumatagal ay mas sumasarap ang tawanan at laro sa pinakabagong segment na inaabangan ng bayan, “Laro Laro Pick.”

Kasama natin ang 24 players. Ang 20 ay from all walks of life—pwedeng estudyante, guro, tindera o driver, everyone is welcome here. Join din ang apat na "It's Showtime" hosts to represent the madlang studio audience. Sa araw na ‘to, sina Cianne Dominguez, Teddy Corpuz, Ion Perez at Ryan Bang ang sumalang. Nakilala rin natin ang iba pang manlalaro na nagbahagi ng kanilang kuwento. May mommy zumba dancer na idinadaan sa sayaw ang lungkot, at security guard na matiyagang kumakayod.

Simula pa lang, may 1,000 pesos na ang bawat isa. Habang tumatagal ay nababawasan ang players depende sa swerte at performance nila. Sa unang round na “Illuminate o Eliminate,” ang luck ay base sa kulay ng napiling kahon. Sa ikalawang round na “It’s Giving,” isa-isang sumagot ang natirang 12 players sa category question: “Magbigay ng lungsod o munisipalidad sa Metro Manila.”

Sa Round 3 na “You Gotta Lyric,” dugtungan naman ng missing lyric ang labanan. Concert ang feels sa studio nang si Anne Curtis ay bumirit ng “Bakit Nga Ba Mahal Kita” na pataas nang pataas ang nota pero game na game ang Dyosa!

Hanggang sa anim na players, including Cianne, ang natira sa Round 4 o “PILImination Round” kung saan kanya-kanya sila ng pili ng cotton candy. ‘Pag binuhusan ng tubig, ang cotton candy ay matutunaw at ire-reveal ang salitang “IN” or “OUT.” Muntik nang swertehin si Cianne as the last Showtime host standing. Pero kinapos nang kaunti ang swerte dahil “out” ang laman ng kanyang cotton candy.

At ang sinwerte nang todo ay ang konduktor ng bus at vlogger na si Kaibigan. Sa jackpot round, gustong sugalan ni Kaibigan ang “pot” dahil marami-marami ang bibigyan niya ng balato. Kaya payo ni Vice Ganda, walang masama sa pagiging generous pero mas importante ang kinabukasan ng mga anak ni Kaibigan. Sa huli, mas pinili niya ang “li-pot” at tinanggap ang 50, 000 pesos na offer. Sabi nga ni Anne Curtis, “smart decision” ang ipinakita ng mapagmahal na ama.

Pagkatapos ng kaba, excitement at saya na dala ng “Laro Laro Pick,” sabay-sabay naman tayong gumalaw dahil ang mga pasabog sa dance floor ay siguradong nakaka-wow. With every beat ay daleng dale kasama ang grupong GAT.

Kung energy ang labanan, sila ang panalo with their moves na ganadong-ganado. Swabe ang dating, “Daleng Dale” ang vibe nila sa entablado na mas pinainit ni AC Bonifacio.

Si ‘Tito’ Ogie Alcasid, sinubukang sumabay sa mga Gen Z na tunay. Makuha kaya niya ang vibe ng mga bisita? At may pahabol na good news ang GAT.

Muling nagkahamunan ng galing sa singing. Pagbuhos ng talento’y walang hanggan sa “Tawag Ng Tanghalan” Year 9.

Puso ay damang-dama sa pagbirit ni Klare Salazar ng Cabuyao, Laguna, singing “What About Love” sa KanTapatan round. Laking lolo’t lola, malaking bagay kay Klare ang pagkanta upang maibigay ang mga pangangailangan ng mga taong nagmahal at nagsakripisyo para sa kanya. Minahal din ni hurado Jed Madela ang performance ni Klare, noting her rock side na iba sa ipinakita niya kahapon.

Mula sa Davao De Oro, ang hinamon na si Jay Mark Cadiwetan, mapanakit ang pag-awit ng “There’s No Easy Way.” Napansin ni hurado Nyoy Volante ang malakiing improvement ng defending champion, na “gifted” kung kanyang ilarawan.

Dagdag ni Punong Hurado Ogie, hindi siya magugulat kung isang araw ay magningning with so much spark ang mga bituin nina Klare at Jay Mark.

Si Jay Mark ang panalo na may gradong 94.3% (laban sa 93.3% ni Klare). Pasok na siya sa ikalawang koponan.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Kaibigan, sinubukan sagutin ang jackpot question | It’s Showtime | Cheezmis