← Back to Home
Shuvee, nagpasalamat sa mga probinsya na nabisita niya | It’s Showtime

Shuvee, nagpasalamat sa mga probinsya na nabisita niya | It’s Showtime

Shuvee, nagpasalamat sa mga probinsya na nabisita niya | It’s Showtime

🕒 8/18/2025, 4:58:10 AM745 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeLaroLaroPik#Shuvee Etrata#Vice Ganda#Marko Rudio#Miah Tiangco#Ogie Alcasid#Darren Espanto#Amy Perez#Ion Perez#Jackie Gonzaga#Teddy Corpuz#Cianne Dominguez

Let's all have some fun sa isang astig na rakrakan kasama sina "Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak" Resbaker Miah Tiangco at Grand Champion Marko Rudio.

Birit nila sa entablado, "Banal na aso, santong kabayo... natatawa ako hihihi." Mapapa-‘hihihi,’ ‘hehehe’, at ‘hahaha’ ka talaga sa dalang ligaya ng "Showtime" pamilya sa pangunguna ni Vice Ganda, na pinasalamatan nina Marko at Miah on behalf of their fellow TNT Resbakers sa pagtitiwala at pagkakataon na makapag-concert. Successful ang vocal spectacle na ginanap sa New Frontier Theater, at hiling ni Meme, nawa'y mas maraming concerts pa ang dumating kina Marko, Miah at sa buong TNT barkada.

Papremyo lang ang pwedeng bumaha, uulan ng biyaya. Saluhin ang swerte, make it quick sa "Laro Laro Pick," ang bagong segment na kagigiliwan ng buong bayan.

Sa game na 'to, maglalaro ang 24 players. Ang 20 ay from all walks of life—pwedeng estudyante, tindera o model, everyone is welcome. Nakilala nga natin ang mga players na teachers, students, tattoo artists at iba pa. Hinangaan ni Vice Ganda at ng iba pang hosts si player Ogie, na tricycle driver sweet lover. Siya kasi ang hero sa mata ng mga stepchildren niya dahil sa pagmamahal at pagtataguyod sa kanilang pag-aaral. 

Join din ang apat na "It's Showtime" hosts to represent the madlang studio audience. Sina Darren Espanto, Ion Perez, Cianne Dominguez at Shuvee Etrata ang apat na sumalang today.

Start pa lang, may P1,000 na ang bawat isa. Habang tumatagal ay nababawasan ang players depende sa boxes na kanilang napipili at mga sagot sa bawat round. Isa lang ang matitira at magkakaroon ng chance na maglaro at manalo ng  P100, 000 sa jackpot round. 

Sa unang round, ang swerte ay nakadepende sa kulay ng kahon na pinili nilang apakan. Sa ikalawang round na “It’s Giving,” isa-isang sumagot ang natirang 12 players sa category question: “Magbigay ng bansang nagsisimula sa letter ‘M.’”

Sa Round 3 na “You Gotta Lyric,” apat na players ang natira. Dugtungan naman ng missing lyric ang labanan. Hanggang sa tatlong manlalaro ang natira sa Round 4 o “PILImination Round” kung saan unahan sila sa pag-pick ng kahon ng may dalang swerte. Mula sa 24 players, ang guro na si James ang  ultimate winner. 

Sa Jackpot Round, pinapili si James  kung “pot” o “li-pot.” Sa POT, kailangan niyang sagutin ang ultimate question na may katumbas na P100, 000. Sinubukan ni Vice Ganda na makipagtawaran upang makumbinsi si James na piliin ang LI-POT. 

Nanindigan si Teacher James sa “pot,” but unfortunately, bigo siyang masagot ang katanungan dala marahil ng time pressure at kaba. Hindi naman siya uuwing luhaan at malungkot dahil si Vice Ganda na mismo ang nagbigay sa kanya ng early Christmas gift na P20, 000, at special treat sa mga kasamahan niyang guro.

Matinding laro ng bosesan naman ang natunghayan sa “Tawag Ng Tanghalan” Year 9 kung saan dalawang mang-aawit ang naglaban para sa pagkakakataong umabante sa KanTapatan. 

Nagbabalik sa TNT entablado si Enrico Villaruz ng Marikina City. Tulad ng mga sapatos na produkto ng hometown niya, matibay rin ang loob ni Enrico na humarap sa hamon ng tanghalan, singing “Sa Dulo Ng Walang Hanggan.” Komento ni hurado Yeng Constantino, may ‘shock factor’ ang tinig ni Enrico dahil sa  unique na lalim nito, pero payo ni hurado Yeng, pagkanta ay lagyan ng feelings. 

Si Klare Salazar ng Cabuyao Laguna, laki sa lolo’t lola. Puno ng pagmamahal kaya mapuso rin ang kanyang pag-awit ng “Linlangin Mo” by Regine Velasquez. Sabi ni hurado Jed Madela, parang hinehele ang listeners sa pagkanta ni Klare. Samantala, bilang asawa ni Asia’s Songbird na OG singer ng piyesa, very proud at happy si hurado Ogie Alcasid sa narinig na interpretation. 

Si Klare ang panalo sa araw na ‘to, with 95% na grado. Siya ang aabante sa KanTapatan upang hamunin ang defending champion.


Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

Stream All the Feels Only on iWant. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Shuvee, nagpasalamat sa mga probinsya na nabisita niya | It’s Showtime | Cheezmis