← Back to Home
Ryan, gustong i-BLOCK si Jhong | It’s Showtime

Ryan, gustong i-BLOCK si Jhong | It’s Showtime

Panoorin ang Top 3 muses na aabante si grand finals ng “Breaking Muse.”

🕒 8/15/2025, 6:25:18 AM649 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It's Showtime#Showtime#KapitanShowtime#Breaking Muse#Ryan Bang#Anne Curtis#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Ogie Alcasid#Muse Verna#Muse Kyla#Vice Ganda#Karylle#Kim Chiu#Jugs#Teddy#Ion Perez#Darren Espanto#Cianne Dominguez#Jackie Gonzaga#Amy Perez#MC#Lassy#Argus#Imogen#Jaze#Kulot#Lucas#Madlang People#Escort Mo Show Mo#MASAsagot Mo Ba

Naaalala n’yo pa ba ang saya ‘pag naglalaro ng tagu-taguan lalo na kung gabi na? Balikan ang mga ala-ala ng kalye kasama ang players ng “MASAsagot Mo Ba.” Mula sa Team Star Magic, sina Criza Taa, Gillian Vicencio, at KD Estrada ang taya. Kung memories sa kalye ang usapan, maraming kuwento si Criza na aminadong laking-kalsada.

Hindi naman tutumba na parang lata ang mga kalaban. Team Sparkle nina Mikee Quintos, Derick Monasterio, at Jak Roberto, handang makipag-agawan base para ma-secure and jackpot prize.

Exciting ang naging laro dahil parang langit-lupa, taas-baba ang bola. Salitan kung pumuntos ang dalawang grupo, nauna ang Star Magic pero nakahabol ang Sparkle at naging champions sa dulo.

Parang larong kalye lang ‘to pero hindi patintero kundi pasiklaban ng galing, confidence at talento! Pass muna sa tagu-taguan ang mga “Breaking Muse” grand finalists dahil ang ganda nila ay ipinaparada at hindi basta itinatago lang.

Day 2 na ng “The Fiestacular Finals” para sa “Breaking Muse.” At kung napasigaw kayo sa mga talent na ipinakita kahapon, mas level up pa ang excitement ngayon. Si Joyang ng Brgy. Sta. Catalina, Pagbilao, Quezon ang nauna. Nag-ala Lady Gaga si sissy, singing “Applause,” este “Haplos.” Tanggal ang lamig mo sa katawan ‘pag siya ang nagpabibo sa sayawan.

Concert feels naman ang dance prod ni Kyla ng Brgy. Pasong Putik, Quezon City, na laban na laban sa sayawan. Kung magkakaroon ng bagong Queen of the Dance Floor, siya na ‘yan!

Cinderella story ni Judith ng Brgy. Putatan, Muntinlupa City, nagkaroon ng happy ending as she sings “Time In.” It’s her time to shine dahil siya ang Darna at Wonder Woman na may special powers, ang magbigay ng good vibes.

Kung akala mo simpleng birit lang ng “At Ang Hirap” ang talent ni Verna ng Brgy. BF International-CAA, Las Pinas City, don’t miss out ang pasabog plot twist sa dulo kung saan si Verna, niroleta habang kumakanta! Ibang level ng buwis-buhay ‘to!

Hindi lang talento ang sukatan, dahil humarap din ang mga binibini sa mapusong tanungan. Unang sumalang sa Q&A si Joyang (Brgy. Sta. Catalina, Pagbilao, Quezon) sa tanong na, “Ano ang masasabi mo sa mga nagsasabing mas maganda ang jowa ngayon ng ex mo kaysa sa’yo?”

With matching aktingan naman ang atake ni Kyla (Brgy. Pasong Putik, Quezon City) nang tanungin kong paano niya haharapin ang public proposal ng boyfriend kung hindi pa siya handang magpakasal, starring Ogie Alcasid as the BF.

Swak naman ang timpla ng sagot ni Judith (Brgy. Putatan, Muntinlupa City), na never maninira ng relasyon ng iba. Kaya sa tanong na, “Ano ang gagawin mo ‘pag na-in love ka sa kaibigan mo, aamin ka ba kahit alam mong taken na siya?” pinatunayan n’yang ang tunay na magaganda, hindi umeepal sa jowa ng iba.

Lalaking matalino o lalaking masipag? Pinapili si Verna (Brgy. BF International-CAA, Las Pinas City) ng tipo ng lalaking gusto niyang mapangasawa. Syempre, doon tayo sa may provider mindset!

Nakapili na sina Board Members Kai Montinola, Miguel Tanfelix at Tetay ng Top 3 muses na aabante si grand finale bukas, Sabado. Ito ay sina Verna, Chuchay, at Joyang.

Kung noon sa kalsada ay paligsahan sa luksong baka, ngayon sa entablado ay paligsahan sa pagtama ng nota. Sino ang gusto mong pambato sa “Tawag ng Tanghalan” Year 9?

Refreshing ang performance ng young singer na si Altea Cristine, na inawit ang OPM classic “Gaano Ko Ikaw Kamahal.” Ayon kay hurado Erik Santos, narinig niya ang purity at innocence sa boses ng pambato ng Lucena City.

Hugot OPM din ang panlaban ni defending champion Jay Mark Cadiwetan ng Davao De Oro, singing “Kung Maibabalik Ko Lang,” na naging extra memorable dahil ang original singer ng kanta na si Regine Velasquez ay spotted sa studio. Uy, may kinilig na hurado! ‘Di mapigil ni Punong Hurado Ogie ang pagkamangha sa ganda ng asawa!

Sa huli, tinig ni Jay Mark ang nanaig. Babalik siya upang depensahan ang kanyang trono.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Ryan, gustong i-BLOCK si Jhong | It’s Showtime | Cheezmis