← Back to Home
Verna, may SURPRISE kay Vice Ganda habang nakasabit | It’s Showtime

Verna, may SURPRISE kay Vice Ganda habang nakasabit | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 7/4/2025, 5:30:17 AM679 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Breaking Muse#Escort of Appeals#Verna#Vice#Verna Surprise#Breaking Muse Verna#Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Amy Perez#Kim Chiu#Darren Espanto#Ryan Bang#Karylle#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ion Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Dustin Yu#Bianca De Vera#Dusbi#Dusbia#Dusbi Showtime#Dustin Bianca Showtime#Klarisse De Guzman#Klarisse Showtime#Shuvee Showtime#ShuKla#Klarisse Shuvee Showtime#Shukla Showtime#Shukla Showtime hosts#Shuvee Etrata

Hindi pa weekend pero siksik at liglig sa special ingredients ang episode natin this Friday. Lasapin ang sarap ng tugtugan kasama si TNT champ Marko Rudio. Budburan ng sweetness ang araw mo sa isang mensahe ni JM Dela Cerna para kay birthday girl Marielle Montellano.

Haluan din ng comedy ang Friday, kasama sina Shuvee Etrata at Klarisse de Guzman a.k.a. ShuKla. Kinabahan ang ShuKla nang marinig ang boses ni ‘Kuya.’ It’s a prank! Si Jhong Hilario lang pala! Pero wala silang takas matapos patawan ng forced hosting task sa “It’s Showtime.”

First weekly finals ng pinakabagong segment na nagpapsaya sa buong barangay at buong bayan–Breaking Muse at Escort of Appeals! Dahil espesyal ang edisyong ito, matindi ang lineup ng hurados. Nagbabalik si Toni Fowler. At nandito na ang pinaka-OA sa kilig na loveteam! Ang mga ‘tinapakan’ ni mowm Klarisse – sina Dustin Yu at Bianca De Vera aka DusBi.

Para sa labanan ng kaguwapuhan, nagsalpukan sina Jeremy ng Brgy. 7, Lucena City, na dinaan sa aktingan ang talent portion. Ang plot twist? ‘Yung pustisong nalaglag at sinalo nang walang mintis!

Ang pinakapogi sa Brgy. Payatas, Quezon City na si Athan, nagpakitang-gilas sa sayawan, with matching lifting. What if si Vhong Navarro ‘yung buhatin? Pati DusBi pasayawin natin!

Naghasik naman ng kagandahan ang dalawang ‘Breaking Muse’ weekly finalists. First time ‘to on national TV! Si Budang ng Brgy. San Isidro, Taytay Rizal, naligo sa bathtub habang kumakanta. Kakaiba!

Kung may ‘naghilod’ at naglaro sa bula, si Verna ng Brgy. BF International-CAA, Las Pinas City, naglambitin na parang “chandelier” habang bumibirit ala Sia. Teka, Meme Vice, huwag kang titingala at baka ika’y ‘masorepresa,’ sige ka!

Matapos ang talent portion ng mga weekly finalists, wit naman ang labanan sa isang debate na tatawagin nating “Baranggan.”

Sa round na ito, pinagtalunan nina Budang at Verna kung aling meryenda ang mas karapat-dapat ibenta sa buog baranggay–pancit o spaghetti? Dahil nauna sa pindutan, nakapili si Budang ng dedepansahan, at pancit ang kan’yang napusuan. ‘Yung isa ay pampahaba ng buhay, at ‘yung isa naman daw ay pampa-happy. So, sino ang magwawagi?

Intense rin ang sagutan nina escorts Jeremy at Athan. Sino ang mas mayaman–‘yung may gate o ‘yung may terrace sa tahanan? Nauwi na nga sa korapsyon ang usapan. Kaninong sagutan ang mas matimbang?

Walang tapon sa mga muses at escorts, kaya ang mga hurado, litong-lito Pero bago mag-comment, sample muna! Go, Dustin and Bianca! ‘Yung steps ni Dustin, parang familiar, ‘no? Mag-best friend talaga sila ni David Licauco.

P.S. Jessy Mendiola, may mensahe sa’yo ang ‘kinainggitan’ mong si Verna.

Matapos ang labanan ng self-confidence sa ‘Breaking Muse’ at ‘Escort of Appeals,’ labanan naman ng boses sa ‘Tawag Ng Tanghalan Year 9.’

Unang sumalang sa tanghalan ang pambato ng Pagadian, si Richel Balignot na inawit ang “Pangako Sa’yo,” with voice projection na nagustuhan ni hurado Nonoy Zuniga.

“Titanium” naman ang panlaban ni Maricris Capagngan ng Camiguin. Payo ni hurado Yeng Constantino, “don’t forget the low notes” dahil napuna niya ang pagiging shaky ng boses ni Maricris.

Sa KanTapatan round, si Richel ang umabante, singing “Fallin.’” Sinubukan ni defending champion Marco Zamesa na depensahan ang golden mikropono sa pagkanta ng “Ikaw Na Nga.” Pinagbigyan ni Punong Hurado Louie Ocampo ang mga off-notes nito sa simula, pero habang tumatagl ay dumadami ang mintis, dahilan upang ma-gong si Marco.

Dahil sa pangyayaring ito, si Richel na ang aabante bilang bagong kampeon.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Verna, may SURPRISE kay Vice Ganda habang nakasabit | It’s Showtime | Cheezmis