← Back to Home
Muse Danica, proud sa kanyang boyfriend | It’s Showtime

Muse Danica, proud sa kanyang boyfriend | It’s Showtime

Get ready na sa bumabagyong kagandahan ng “Breaking Muse” contestants sa It’s Showtime!

🕒 7/25/2025, 6:06:54 AM427 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Muse Danica#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Karylle#Ogie Alcasid#It's Showtime#Showtime#MASAyaSaShowtime#Breaking Muse#Gladys Reyes#Rhian Ramos#JC Santos#Vice Ganda#Anne Curtis#Kim Chiu#Jugs#Teddy#Ion Perez#Darren Espanto#Cianne Dominguez#Jackie Gonzaga#Amy Perez#Ryan Bang#MC#Lassy#Argus#Imogen#Jaze#Kulot#Lucas#Madlang People#Escort of Appeals#Step In The Name of Love#MASAsagot Mo Ba

From Xavier High, sa “It’s Showtime” muna ang punta nina Gelo Rivera, Anji Salvacion, at Harvey Bautista, ang stars ng “Four Bad Boys and Me” na nakilaro sa “MASAsagot Mo Ba?” Para mas lucky ang team, itinodo ni Gelo ang moves niyang oh-so-gwapo! Kinilig ang mga miss sa pagsayaw niya ng “All These Ladies.”

Kung may nagpapakilig naman kina Cheena Crab, Alora Sasam, at Mae Bautista, walang iba kundi pagkain. Sila ang Team Busog! Ang isa d’yan nakaranas mag-1-2-3. Nag-sorry naman si Mae. Kaso mukhang nagbayad ang kanyang grupo dahil inalat sa larong ‘to.

Pumasok na sa “It’s Showtime” area of responsibility ang bumabagyong kagandahan na bitbit ni Danica, ang “Breaking Muse” ng Brgy. Tandang Sora, Quezon City, at ni Morella, ang “Breaking Muse” ng Brgy. Sto. Rosario, Malolos.

Ang mga mukha nila, pinagtibay na ng panahon. Natural at walang halong kemikal, kaya huwag n’yo silang hinahamon. At nagkasukatan na nga ng ganda sa pagitan ng dalawang babaeng very loving at loyal sa kanilang mga jowa. Kung matapang sila sa awrahan, malakas din ang loob sa pagsagot sa katanungan!

And their talent? It’s giving! Ang isa’y nagpa-impress sa singing, at ang isa nama’y sa dancing.

Pero baka umurong ang tapang ‘pag si Board Member Gladys Reyes ang nasa harapan. Pumasok sa loob ng studio na mainit ang ulo?! Si hurado JC Santos naman, dumating na super gwapo. Samantala, first time ni Rhian Ramos sa “It’s Showtime” kaya inilabas niya ang kapangyarihan ng pangmalakasang sigaw na, “What’s up, Madlang People?!”

Ginalingan ni Rhian, eh. Supper witty! Tinawag niyang model ng toothpick si Muse Danica because “she ate.” Si Muse Morella naman daw ay model ng bola, dahil lahat ng hirit ay shoot!

Malakas humagupit ang mga talentong malulupit sa “Tawag Ng Tanghalan” Year 9.

Mamahalin mo si Clair Caracol ng Siquijor na inawit ang “Dahil Mahal na Mahal Kita.” Si Clair ‘yan, hindi si hurado Klarisse de Guzman, ha? Same lang silang blondina.

Mapapa-“one four three” ka rin sa “214” performance ni Erick Mendoza ng Mataasnakahoy, Batangas. Super sweet naman ni Erick, na nakipag-duet with his daddy.

Ay, may humabol sa pagalingan. Si guest co-host Shuvee Etrata, bumanat ng Adele song na pangmalakasan. Pero na-gong si Shuveedoo! Oh, no!

Si Erick ang umabante sa KanTapatan round kung saan pinabilib niya ang mga hurado sa pag-awit ng “Ngayo’y Narito.” Ginintuan kung ilarawan ni Punong Hurado Ogie Alcasid ang tinig ni Erick.

Ngunit mas matindi ang naging performance ni defending champion Noielle Rodriguez na kinanta ang “Tadhana” ng Up Dharma Down. “You’re special,” sabi ni Punong Hurado Ogie kay Noielle.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.