← Back to Home
Kokoy at Maris, nagkita sa It’s Showtime | It’s Showtime

Kokoy at Maris, nagkita sa It’s Showtime | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 7/23/2025, 5:33:21 AM614 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Kokoy De Santos#Maris Racal#Maris Racal Showtime#Kokoy De Santos Showtime#Maris Kokoy Showtime#Maris Showtime#Kokoy Showtime#Its Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Karylle#Darren Espanto#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ion Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#

Malakas man ang ulan sa labas, may ‘sunshine’ naman sa loob ng studio–si Maris Racal ang maghahatid ng happiness sa arw n’yo! Pati “It’s Showtime” family ay tuwang-tuwa kay Maris na game mag-promote in different languages. 

Bukod kay Maris, six more “PBB” alums ang bumisita. Mula sa Team “PBB Gen 11,” sina Kolette Madelo, Dylan Yturralde at Binsoy Namoca laban sa “PBB Collab” squad nina Michael Sager, Will Ashley, at Bianca de Vera. Sila ang naglaro sa “MASAsagot Mo Ba?”

Masasagot nga ba, eh unang tanong pa lang ay parang ‘di na makasagot si Will. Tanong ni Kim Chiu, “Bakit parang nahihiya ka?” Dahil ba katabi niya sa ‘jeep’ si Bianca? At Bianca, napa-full tank mo na ba? ‘Bunot’ ang ‘taping friends’ sa asaran. Kung ang mga ganap ay ta-title-an, “Jeepney Love Story” siguro ang bagay na pangalan. At ang paborito nating eksena, syempre, ‘yung group ni Michael at ng WillCa! 

Teka, family reunion ba ‘to? Muntik makumpleto ang Pamilya Salvador nina Jhong Hilario, Gladys Reyes, Kokoy de Santos, at Maris. Kaya ang panawagan nila, Meme Vice Ganda, “Nasa’n ka na?” 

Si Maris ang guest ‘reporter’ at Board Members naman sina Gladys at Kokoy, kasama pa si ex-“PBB Collab” housemate Kira Balinger sa “Breaking Muse” segment. 

Nakilala natin ang pambato ng Brgy. Cabucao Trese Marties Cavite, si Negs, na hugas-bigas lang ang secret to her makinis na face. Theology graduate naman ang muse ng Brgy. Batasan Hills, Quezon City, si Cici. 

Ang secret daw behind their beauty, kasipagan at pusong mabuti. Dahil hindi lang sa awrahan maaasahan, masipag din silang tumulong sa kani-kanilang pamayanan. 

Huling-huli nina “Breaking Muse” contestants Negs at Cici ang atensyon ng Madlang People sa mga talent nilang nakaka-fall. May nag-dirty dancing, at ‘yong isa ay nagpasiklab sa singing. 

Si Board Member/hurado Kira, na-cute-an sa short hair ni Cici, kaya parang bet na rin niyang gumaya. Huwag magulat kung one of these days, maikli na rin ang buhok ni Kira. Binigyan naman ni hurado Gladys ng bagong meaning ang GGSS. At si Kokoy,  litong-lito – saan ba siya tutungo? Kay Negs na taga-Cavite, o kay Cici na taga-QC?

Music runs in the blood sa Lao family ng Lagonoy, Camarines Sur. Minsan ay nakakalaban nila ang isa’t-isa sa mga singing competitions. Katulad ng nangyari ngayong araw sa “Tanghalan ng Tanghalan” Year 9 kung saan naging magkalaban ang mag-amang sina Christopher at Keem Lawrence. 

Solid ang vocals ni Daddy Christopher sa pagkanta ng “Habang May Buhay,” na nagustuhan ni hurado Ogie Alcasid, even though pinayuhan niya ito na bantayan ang overtones. 

“Banal Na Aso, Santong Kabayo” naman ang piyesa ni Keem, na pinuri ni hurado Darren Espanto for his stage presence. May pinagmahan! 

Biro ng hosts, walang talo! Pero ang umabante sa KanTapatan ay ang nakababatang Lao, na bagama’t mahusay ang naging performance ng “Next In Line,” hindi naging sapat ang score niya para mapatumba si defending champion Mary Rose Blanes, na dinala ang mga hurado sa mundo ng musical na “The Sound of Music” with “My Favorite Things.”

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

Stream All the Feels Only on iWant. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Kokoy at Maris, nagkita sa It’s Showtime | It’s Showtime | Cheezmis