← Back to Home
AZ, first time makatungtong sa It’s Showtime stage | It’s Showtime

AZ, first time makatungtong sa It’s Showtime stage | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 7/16/2025, 4:55:44 AM693 wordsEN

ABS-CBN Studios

#AZ Martinez#AZ PBB#AZ Showtime#AZ PBB Showtime#AZVer#AZVer Showtime#River Joseph#Its Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Kim Chiu#Amy Perez#Ogie Alcasid#Darren Espanto#Ryan Bang#Karylle#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ion Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#

Ooh, la la, they have arrived! From P-Pop reality competition contenders, achieve na achieve ng WRIVE ang big dreams nila bilang grupo. Dito sa “It’s Showtime” entablado, bitbit nila ang good news tungkol sa mga bago nilang kanta na “Ooh La La” at “Senorita.”

Proud ang mga supporters n’yo, boys! At proud din si Kim Chiu, na nasubaybayan ang journey nina Asi, Drei, Russu, Ishiro, and Mathew, bilang host noon ng “Dream Maker” kung saan nabuo ang grupo.

Even the Chief of OPM himself, Ogie Alcasid, sobrang bumilib sa vocals na dreamy at galawan na swabe, girls will scream sa sobrang kilig, eyy!

Malakas naman ang ‘arrive’ ng dalawang “Breaking Muse” contenders na nagpa-pretty sa “It’s Showtime” stage this beautiful Wednesday. Syempre, kailangan level-up din ang Board of Members. Present bilang hurado si Alexa Ilacad, na isang utos mo lang, sasayaw na agad.

Swak din sa “Breaking Muse” ang beauty ni AZ Martinez, na parang batang excited dahil finally natupad na ang pangarap n’yang makarating sa “It’s Showtime.” Super cutie mo naman, AZ! Speaking of cutie, ngiti pa lang ni River Joseph, kikiligin ka na. At ‘pag sumayaw ang Pambansang Green Flag, ay, girl, ingatan mo ang puso mo baka malaglag!

Kung ngiti lang din ng usapan, si Chuchay (ng Brgy. San Isidro Montalban, Rizal) ay lalaban kahit ngipin niya’y kulang. Makapangyarihan ang bibig ni teh, parang may sariling buhay, eh! Mukhang isdang pinapakain! Pati si River, kuhang-kuha raw ng “salubsob” style ni Chuchay. Hirit ni Vice Ganda, “Sige, River, i-kiss mo nga!” At muntik pa ngang mahahalik si ate mo. Kung killig-kiligan si Chuchay kay River, “puksaan” naman ang trip niya with Jhong Hilario. Kaunting distansya kasi Kuys Jhong, baka magselos ang hubby ni Chucha. Anniversary pa naman nilang dalawa.

Si Rosebelle ng Brgy. Payatas, Quezon City, pinaghahandaan ang susunod na Licensure Exam for Teachers. May experience na rin siya sa pagtuturo. Pero dito muna siya sa “It’s Showtime” magbibigay ng lessons about beauty. International ang ganda ni Rosebelle, na nasungkit ang puso ng isang guy from Brazil. Kung si Vhong Navarro ang magpapanggap na Brazilian, paano siya tuturuan ni Rosebelle ng Filipino words? Multilingual ‘yan siya, dahil nang si Ryan Bang naman ang nakausap niya, bumanat ng pick-up line na parang Koreana.

Sa talent portion, naghanda si Chuchay ng storytelling na may acting at singing. Lahat ‘ata kaya niyang gawin! Pero ang gusto talagang matutunan ni AZ, ‘yung

galaw ng nguso ni Chuchay na parang isdang nagpapabebe. Drama-heavy naman ang performance ni Rosebelle, na pang-MMK daw sabi ni River.

Sino sa dalawang barangay muses ang panalo ngayong Miyerkules?

Panalo ang may golden tinig sa “Tawag Ng Tanghalan Year 9.”

Vocal prowess ni Dina Dalid ay promising, kaya nagustuhan ng mga hurados ang kan’yang singing. “Angas” niya sa entablado, nakita ni hurado Ogie Alcasid sa pag-perform niya ng “I See Red.”

“Mayroong tear in your voice,” komento ni hurado Dingdong Avanzado kay Nath Sabeniano, na kinanta ang “Bakit Nga Ba Mahal Kita.”

Matapos and Round 1, si Dina ang nakakuha ng mas mataas na score at umabante sa KanTapatan kung saan “Gisingin Ang Puso” ang napili niyang piyesa. Hinamon ni Dina si defending champion Vincent Guim na hinarana ang Madlang People with “I’d Do Anything for Love (But I Won’t Do That).”

Sabi ni Punong Hurado Louie Ocampo, parehong magaling ang dalawang singers na sumalang sa entablado. Pero isa lang ang pwedeng makakuha ng kampeonato, at ito’y walang iba kundi si Vincent na nagkamit ng 95.7% na grado.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

Stream All the Feels Only on iWant. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
AZ, first time makatungtong sa It’s Showtime stage | It’s Showtime | Cheezmis