← Back to Home
Tyang Amy, ipinaliwanag ang hormonal imbalance na nararamdaman ng mga babae | It’s Showtime

Tyang Amy, ipinaliwanag ang hormonal imbalance na nararamdaman ng mga babae | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 6/9/2025, 5:41:56 AM836 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Ion Perez#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Ate Girl#Anne Curtis#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Tawag ng Tanghalan#Trabahula#Breadwinner Edition#Darren Espanto#Sexy Babe#Hide & Sing#TagoKanta#Step In The Name of Love#Hormonal Imbalance

‘Yung takbo ng panahon, parang feelings mo ‘pag nand’yan si crush–hindi mo maintindihan. Aaraw tapos biglang uulan! Basta, better be ready na lang. Magbaon ng mga panangga sa biglang pagsusungit ng panahon.

Magbaon naman ng energy sa kulitan with the ‘Showtime’ family. Simulan ang good vibes kasama sina Showtime Bulilits Enicka, Ayesha, Argus, Kelsey, at Jaze, together with the ‘Showtime’ hosts as players. Ang magkakapares ngayong Lunes: Darren Espanto at Cianne Dominguez, Kim Chiu at Wize Estabillo, Jackie Gonzaga at Teddy Corpuz, Ryan Bang at AC Soriano, pati sina Jugs Jugueta at Ion Perez.

Si Jhong Hilario, may import pa, walang iba kundi ang beauty queen titleholder na si Winwyn Marquez. Kung ang ibang players idinaan sa sayaw ang paandar, si Jhong, ibinigay na kay Winwyn ang spotlight at ito’y pinarampa. Ganyan nga, Win! Sa’yo ang korona!

Pati sa KIDSONA (Songs of the Nation Address), win-win siya! Panoorin ang performance nila ni Jhong sa jackpot round.

Sa ‘Step In The Name of Love,’ nakilala natin ang mag-tropa na magkasama sa ‘kalokohan.’ Pero kaunting preno lang sa usapan, dahil baka ang flexing ay mauwi pa sa bukingan.

Meet Tatay Cris, 58, tricycle driver na biyudo. Minsan siyang nagkaroon ng sakit sa puso. Pero nalampasan ang health issues at ngayo’y healthy at super ready na ang puso niya na magmamahal muli. Sabi ni Vice Ganda, kung gusto mong gumaling ang puso mo, magpatingin sa cardio (cardiologist). Pero kung gusto mong humaba ang ‘yong buhay, punta ka kay Cardo, as in Cardo Dalisay. *insert background music–kung wala ka nang maintindihaaaan*

Forda hype naman ang bestie ni Cris, si Tatay Joel, kapwa niya tricycle driver. Ibinida ni Joel ang pagiging independent ni Cris. Hindi raw ito ‘yung tipo ng magulang na umaasa sa mga anak. ‘Yun nga lang, madalas itong naaaya sa beerhouse at sabungan. At dito na nga po nagkabukingan! Da who itong daddy na kahit may asawa na, tume-table pa! Tatay Joel, magpaliwanag ka!

Dinepesahan din ni Cris ang sarili. Hindi naman niya “lifestyle” ang pag-inom, minsan lang naman siyang sumama sa mga tropa. At sa usaping sabong, nakikitaya lang daw siya at hindi tumatambay sa sabungan. Ahh mabuti na ‘yung malinaw ang usapan.

Pero mukhang duda si hakbanger Lanie, 57, may siyam na anak. Minsan na siyang nagmahal ng lalaking mabisyo at ang masasabi lang niya, “masakit sa ulo.”

Tulad ni Lanie, nag-step down muna si Arlene, 53, loving lola at 16 years nang single. Inuna niyang mapagtapos muna ang mga anak bago muling buksan ang puso. Pero baka dahil sa tagal nang mag-isa, at sa mga hindi maunawaang pagbabago sa katawan bilang babae, tila ba naging iritable na siya at ayaw ng lambing. Dahil sa usaping ito, naikuwento ni Vice Ganda ang sweetness ng mga magulang ni Paola, ang fiancée ni Ryan Bang. Nagbahagi rin si Amy Perez ng experiences related to hormonal changes.

Para naman kay Len, 59, raketera ang zumba lover, step down muna siya para makapag-isip pa.

Bumawi si bestie Joel sa next round, kung saan ibinida niya ang pagiging maaalalahanin ng kaibigan. Mabait daw ito at hindi kayang manakit ng babae. Pero ayaw sa bungangera. Dahil sa pag-flex ni Joel, napa-step up ang tatlong hakbangers.

Perfect 3/3 din ang score ni Cris sa round 3 kung saan larawan niya ang naging basehan ng pag-akyat ng tatlong babae. Napa-isip lang si Len dahil parang may kahawig si Cris na hindi niya mawari. Pero sa huli, iisang babae lang ang pinaakyat ni Cris, at ito ay walang iba kundi si Len.

Dahil kakapasok lang ni Jude Albert Tangkion sa ikalawang koponan ng ‘Tawag Ng Tanghalan Year 9,’ ang mga hurado’y muling naghahanap ng bagong kampeon na aakyat sa tuktok ng entablado.

Sa araw na ito, lumaban si Kenly ng Cagayan de Oro, singing “Your Man” by Josh Turner. Nagustuhan naman ni hurado Jed Madela ang performance ni Kenly, pero sana raw ay mahanap niya ang kan’yang original sound.

Si Jeramae ng Misamis Oriental, bumirit ng “Paano” ni Dulce. Pagpasok pa lang ay dama na ang emosyon nito, sabi ni hurado Dingdong Avanzado.

“Lipad Ng Pangarap” naman ang piyesa ni Icel ng Zamboanga Sibugay, na pinuri ni Punong Hurado Louie Ocampo for her nice voice and wide range.

Sa laban ng bosesan, nanguna sina Jerame at Icel. Sila ang babalik bukas upang muling maglaban sa KanTapatan.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Tyang Amy, ipinaliwanag ang hormonal imbalance na nararamdaman ng mga babae | It’s Showtime | Cheezmis