Matapos ang tatlong sunod-sunod na araw niyang pagpasok na labis na ikinatuwa ng kanyang Showtime family at ng madlang people, missing in action ulit si Anne Curtis sa June 5 episode ng It’s Showtime. Kaya no wonder na siya na naman ang naging tampulan ng panunukso ng kanyang co-hosts, na nananawagan pa na bumalik na siya ulit at siya’y iwe-welcome pa rin nila.
Muling nagharap-harap ang hosts sa “KIDSONA” at nakisali pa sa kanila si “Prince of Soul” Jason Dy na bumisita upang i-promote ang kanyang upcoming concert at new album. Of course, hindi matatampos ang guesting niya nang hindi siya nagbibigay ng sample, kaya naman hinarana niya tayo ng kanyang version ng OPM classic na “Minsan Lang Kita Iibigin.” Si Karylle ang nakatambal niya para sa episode na ito ng KIDSONA, at sila rin ang nanaig sa bandang huli at nakapaglaro sa jackpot round.
Ngunit bago ‘yon ay naging mahigpit ang labanan among the pairs of hosts, kung saan ang iba sa kanila ay nagparinig pa sa mga kinauukulan na i-feature din sana ang hit songs nila sa mga susunod na episode. Ito ay matapos na isama sa line-up ng mga pinahulaang kanta ang “Akin Ka Na Lang” ng OPM band na “The Itchyworms”, na kinabibilangam ni Jugs Jugueta. Tampo ‘yan, guys?
Bigo man silang maka-perfect score, pero winner pa rin sina Karylle at Jason dahil nakakuha sila ng two correct answers out of three!
Hindi pa man gano’n katagal ang kanilang friendship, subalit hindi hadlang ‘yon upang makilala nina Janno at Josie, ang mag-bestie na tampok sa “Step In The Name of Love” for today’s episode, ang isa’t isa nang malalim. Batchmates man sila noong high school, ngunit naging close lamang sila nitong nakaraang tatlong taon dahil sa kanilang common friends at sa pag-attend nila ng reunions.
Sa kagustuhan niyang makita si Josie na maging maligaya, lalo na’t sila ay kapwa nasa 60s na ngayon at limang taon na rin siyang single, inudyukan ni Janno ang kanyang bestie na subukang sumali sa dating game na ito after nilang ma-enjoy ang panonood nito as part of the live audience two weeks ago.
As usual, tatlong hakbangers muli ang nagpaligsahan upang maging kapareha ng ating searcher for the day. Sila ay sina Mike ng Cavite, Ding ng Quezon City, at Emilio ng Manila City. Sa pakikipagkuwentuhan ng hosts sa kanila bago ang hakbangan, magiliw nilang ibinahagi kung ano ang kanilang ideal date at ang awitin na kanilang gustong maging background song sakaling maka-date nila si Josie.
Sinabi man ni Janno na hindi risk-taker, adventurous, at palalabas ng bahay ang kanyang bestie, as well as may trust issues si Josie sa mga lalaki dahil baka pera lang ang habol sa kanya at limitado lang ang oras na maibibigay niya sa kung sino man ang makaka-date niya dahil abala siya masyado sa trabaho, hindi ito naging hadlang sa hakbangers para mag-step-up.
Apparently, nagustuhan nila ang pagiging alangan niya pagdating sa pagpasok niya sa relationship dahil ipinahihiwatig lamang nito na gusto niyang makasiguro dahil all-out nga siya kung magmahal.
Nagbigay naman ng payo at komento si Vice Ganda at ang kanyang co-hosts na sina Karylle, Kim Chiu, at Vhong Navarro sa naging kuwento ni Josie tungkol sa kanyang unang naging karanasan sa pag-ibig at kung paano naimpluwensiyahan ng kanyang mahal na ina ang mga naging desisyon niya pagdating sa kanyang mga naging relasyon. Natuwa rin sila sa pagiging supportive na kaibigan ni Janno kay Josie, na ang hangarin lamang para sa kanya ay maging maligaya, makatagpo ng tao na mamahalin siya nang tunay, at mabuhay nang malaya, lalo na ngayon na wala nang pumipigil sa kanya.
Muling nagsiakyatan ang tatlong hakbangers matapos marinig ang kanilang diskusyunan dahil napabilib sila sa kanilang mga narinig na kuwento ni Janno tungkol kay Josie at ni Josie tungkol sa kanyang sarili, lalo na ang pagmamahal niya sa kanyang ina. Napangiti at napa-step-up ulit silang lahat matapos na makita ang litrato ng ating searcher. Ang haba ng hair, Mommy, ha?
Dahil sa kanyang pahaging kung pwede bang hindi na siya mamili at lahat ng hakbangers ay ida-date niya, nag-decide si Vice na baliin ang rule ng dating game at hayaan si Josie na makikilala silang lahat. Bukod pa riyan, nangako rin si Vice na susuportahan ang magiging future dates niya with them at hinayaan sina Mike, Ding, at Emilio na isayaw siya isa-isa. Kaya naman walang pagsidlan ng tuwa ang lahat ng nasa studio, lalo pa nang sumimple ng beso si Emilio.
Kilig overload, di ba?
Matapos ang mga nakakakilig na eksena na natunghayan natin sa “Step in the Name of Love”, tagisan naman sa kantahan ang ating napanood sa Tawag ng Tanghalan. And for this episode, ang nagharap ay sina Ahron Cabalona ng Cabanatuan City, na kinanta ang male version ng “Pangarap Ko Ang Ibigin Ka” ni Regine Velasquez-Alcasid, at Zamae Comia ng Taysan, Batangas na inawit naman ang “If I Sing You A Love Song” ni Bonnie Tyler.
Naging maganda at maayos man ang pagtatanghal nilang dalawa, subalit nagbahagi pa rin sa kanila ng tips at pointers sina hurado Erik Santos, Dingdong Avanzado, at Maestro Louie Ocampo upang mapagbuti pa nila ang susunod nilang performance.
Sa kabila ng naging mga komento ng mga hurado sa kanilang performances, labis na ikinagulat ni contender Zamae Comia ng Taysan, Batangas nang siya ang ideklarang panalo.
Ang pag-awit niya ng “If I Sing You A Love Song” ni Bonnie Tyler ay nakatanggap ng 91% mula sa mga hurado, samantalang 90% naman ang nakuha ng katunggali niya na si Ahron Cabalona sa pagkanta ng male version ng “Pangarap Ko Ang Ibigin Ka” ni Regine Velasquez-Alcasid.
Si Zamae ang makakalaban ni current defending champion Jude Albert Tangkion sa pagdepensa niya sa kanyang trono at sa golden mikropono.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.
