← Back to Home
Tatay Lito, natupad ang pangarap na makatungtong sa It’s Showtime stage | It’s Showtime

Tatay Lito, natupad ang pangarap na makatungtong sa It’s Showtime stage | It’s Showtime

Tatay Lito, natupad ang pangarap na makatungtong sa It’s Showtime stage | It’s Showtime

🕒 6/28/2025, 5:11:31 AM453 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Its Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Kim Chiu#Jugs#Teddy#Karylle#Ion Perez#Ryan Bang#Amy Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Darren Espanto#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Argus#Imogen#Jaze#Kulot#Lucas

Bago matapos ang buwan ng Hunyo, nakulayan ng ‘pride’ ang buong studio sa isang empowering performance ng “Tawag Ng Tanghalan” alums na sina Enzo Almario, Makki Lucino, Lukas Garcia, at John Mark Saga, with Femme MNL of “Pilipinas Got Talent” Season 7.   

Happy Pride Month! Nag-sample rin sina Makki, Enzo, Lukas ng pinakamalapit na awitin sa kanilang puso na naglalarawan ng ‘pride’ nila bilang members of  the LGBTQIA community.  

It’s a celebration din sa Step In The Name of Love dahil ipagdiriwang natin ang ageless beauty and joy ng pag-ibig. At isang mang-aawit naman ang magse-celebrate matapos makuha ang golden mikropono sa daily round ng Tawag Ng Tanghalan Year 9 

Kasintamis ng mga salitang binibigkas ni Tatay Lito ang naramdaman niyang kilig nang makilala ang tatlong hakbangers sa “Step In The Name of Love.” Maging si Vice Ganda ay humanga sa pagiging makata nito, at mas lalong naaliw kay Tatay Lito nang ikuwento nito ang pagiging super fan ng movies niya. Dahil d’yan, photo op muna with Tatay Lito at Vice Ganda!  

Picture-perfect din ang awrahan ng mga mommies na sumalang bilang hakbangers. Nand’yan si Mila, na ikinuwento kung paano niligawan ng namayapang asawa. Si Guding naman ay mahilig sa halaman. Kung may tinatawag na ‘plantita,’ ang senior edition naman ay tinawag nilang ‘plantanders.’ Ready rin to step into forever si Violy, na keri pang ‘mag-eksperimento’ tulad ni Tatay Lito.  

Ang mga hakbangers, walang na-spot na red flag sa kuwento ni bestie Glo. Aniya, ang kaibigan niyang si Lito ay masayahin at palabiro. Matulungin ito at selfless, mgbibigay sa iba kahit pa walang matira sa sarili niya. Pero likas na habulin ng babae. At dahil lider sa kanilang pamayanan, hindi maiwasang maging ‘bossy’ ito paminsan-minsan.  

Para sa tatlong nanay, okay lang ‘yung habulin ng babae at may crush, basta’t malinaw ang boundaries. At malinaw nga kay Tatay Lito ang gusto niya. Hindi naman sa tumitingin sa pisikla na kagandahan, ang gusto lang niya ay ‘yung babaeng compatible sa kan’ya at marami silang mapagkakasunduan. Palagay niya, ito’y walang iba kundi si Mila.  

Entablado ng “Tawag Ng Tanghalan Year 9” ay nagningning sa mga performances na magagaling.  

Kumasa sa hamon ng tanghalan si Gel Pesigan, pinangiti ang mga hurado sa kan’yang pag-awit ng “Sa Aking Puso.” Nagustuhan ni hurado Dingdong Avanzdo ang “control” nito at agree naman si Punong Hurado Louie Ocampo, na sinabi ng na-maximize niya ang paggamit sa kan’yang tinig.  

Kung si hurado Marco Sison ay nahirapang pumili kina Aida, Lorna, at Fe, dito sa ‘It’s Showtime,” hindi siya nahirapang makita ang husay ni Massy Lastones, na inawit naman ang “How Do I Live.” 

Si Gel ang nagtagumpy sa pagsungkit ng golden mikropono. Babalik siya sa Lunes para sa KanTapatan vs  Alexa Salcedo.  

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.