← Back to Home
Vice Ganda, may payo sa mga relasyon na nagsisimula pa lamang | It’s Showtime

Vice Ganda, may payo sa mga relasyon na nagsisimula pa lamang | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 6/24/2025, 5:40:53 AM624 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Ion Perez#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Ate Girl#Anne Curtis#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Tawag ng Tanghalan#Trabahula#Breadwinner Edition#Darren Espanto#Sexy Babe#Hide & Sing#TagoKanta#Step In The Name of Love

Umulan ng ka-cute-an sa “It’s Showtime” studio, thanks to our Bulilits na naghanda pa ng song number for the Madlang People. Dahil it’s back-to-school season, excited na sina Argus, Kulot, Ayesha, Imogen, at Jaze. Ano kaya ang nilo-look forward nila sa pagbabalik eskwela?

As sporty high school students nman sina Emilio Daez, Reign Parani, at Sean Tristan na naki-sit in muna with the Showtime family. Sila ‘yung classmates na may bitbit na chika. Ang latest, may new series daw sila, titled “Love At First Spike” na kapupulutan ng aral at inspiration ng kabataan lalo na ‘yung mga hinahanap pa ang lugar nila, trying to fit in ba. At may LGBT representation pa.

Huwag na munang mag-go out, baka ma-miss mo ang happenings sa “It’s Showtime.”

Review muna tayo ng mga aral tungkol sa pag-ibig at hanapan ng ka-date ang featured matchmate sa “Step In The Name of Love.”

Senior edition ulit tayo, with Lina and bestie Iyang, na walang kupas ang dance moves. Hindi rin kumukupas ang humor ni Lina, sabi ng bestie niya. Mabait din ito at malapit sa mga anak na nakatira ngayon sa Canda. Magaling pa ‘yan kumanta. ‘Yun nga lang, medyo bida-bida, lalo na ‘pag siya ang topic sa kuwentuhan.

May ‘taray’ side rin ito. Minsa’y nagkatampuhan sila ni Iyang dahil sa isang “upuan.” Nagdabog daw si Lina, at si Iyang ay napaiyak na lang. Pero nagkaayos naman ang dalawa, basta tamang usap at lambing lang. Payo nga ni Vice Ganda, lalo na sa relasyon, huwag hahayaang matapos ang araw nang may tampuhan.

Si Lina kasi ‘yung tipo na gustong palaging sinusuyo. Pero, Mommy Lina, hindi lahat ng lalaki ay gustong maghabol. May say d’yan sina hakbanger Nonoy, ang ex-cabin steward na independent dahil malayo sa mga anak; at hakbanger Nelson, ang good boy e-trike driver. Maganda rin ang opinyon ni Tatay Ric, na kilig-kiligan sa mga papuri tungkol sa kan’yang kaguwapuhan.

Nahirapan mamili si Lina matapos magpantay-pantay ang puwesto ng tatlong hakbangers. Pero iisa lang ang pinakapasado sa kan’yang puso, at ‘yun ay si Nonoy.

Sa iba pang topic, pasado si Jhong Hilario bilang Best Man sa nalalapit na kasal ni Ryan Bang. Mukhang magiging exciting ang bukingan sa araw ng kasalan!

Pasado rin ang performance ng mga mang-aawit na sumalang sa daily round ng “Tawag Ng Tanghalan Year 9.”

Unang nagpa-impress sa entablado ang Batangueña na si Antonette Sison sa pagkanta ng “Take Me To Church.” Bukod sa boses, nagustuhan ni Vice Ganda ang awrahan ni Antonette. Naalala tuloy niya ang mga makeup trends sa ‘panahon’ niya, pati ‘yung mga makabagong makeup style na sinubukan niyang gawin, pero epic fail. Samantala, hindi fail para kina hurado Erik Santos at Louie Ocampo ang performance ni Antonette.

“Tonight I Give In” naman ang piyesa ni Regine Conje ng Lanao del Norte. Komento ni hurado Zsa Zsa Padilla, very melodic ang tinig ni Regine, but she expected something more sa ending.

At pag-usapan na nga natin ang ending. Sa huli, si Antonette ang wagi. Babalik siya bukas upang harapin ang defending champion.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, may payo sa mga relasyon na nagsisimula pa lamang | It’s Showtime | Cheezmis