It’s been raining in Manila. Pero mainit sa studio dahil isang grupo ng hotties ang bumisita. Si Gerald Anderson ang leader nila. Dance moves ni Gerald parang karisma niyang ubod nang lakas, wala pa ring kupas. Opo, si Gerald, time out muna sa acting, balik muna sa dancing. Kasama pa ang mga bros n’yang sina Elyson de Dios, Ashton Salvador, JV Capunan, Argel Saycon, at Johannes Risler.
Walang aabsent dahil ang mga pa-abs, present na present! Magpapahuli ba ang ‘Showtime’ family? Kung sa basketball ay may Star Magic vs Showtime, bakit ‘di natin idaan muna sa abs ang labanan? Kuys Ion Perez, ikaw na pambato d’yan! Ay. Naka-sando nga lang. Baka naman sina Jhong Hilario at Vhong Navarro lalaban sa abs showdown? How ‘bout you, Ryan Bang?
‘Pag mabuting ama at kaibigan, siguradong mabuting partner din ‘yan. Si hype bestie Junice na ang magpapatotoo, aniya, masipag, loyal, at mapagmahal na tatay ang best friend n’yang si Ver, kaya ibinida niya ito sa mga hakbangers.
Sina Ver, 59, and bestie Junice, 35, nagkakilala sa pagbuo ng barangay Solo Parents group, kung saan si Ver ang kasalukuyang leader. Former chef din ito, kaya siguradong masarap magluto, lalo ng specialty niyang kare-kare at crispy pata, ‘yung pinakuluan nang matagal tapos nanunuot sa buto ang lasa. Mahilig rin ito sa adobo na “gumagalaw” ang taba. Kung loyal siya sa dating trabaho (35 years), for sure magiging loyal din si Ver sa kan’yang future partner.
Pero tulad ng adobo, TOYOIN din daw ito. Bigla na lang tatahimik. Dahil ‘pag may problema, mas gustong mag-solo. Ayaw niyang abalahin ang ibang tao, dahil anuman ang opinyon ng iba, alam niyang siya lang ang makaka-solve ng mga problema niya. Pati sa kalusugan ay matigas ang ulo. Kahit pagod na at inaatake ng sakit, work mode pa rin si Ver.
Dahil sa kuwento ni Junice, napag-usapan ng Showtime boys kung paano sila mag-handle ng problema. Si Vhong, gusto ‘yung may nakakausap. Si Jhong naman ang katulad ni Ver (magkapangalan pa ‘yan sila), na mas gustong solohin ang problema. Pero bilang leader, kailangan niyang matutong makinig. Nag-share rin ng opinyon si Jackie Gonzaga tungkol sa partner na hindi palakuwento, pati madlang people ay nagbahagi ng saloobin.
Dahil ginalingan ni Junice sa pag-flex, perfect ang score ni Ver sa hagdan ng pag-ibig. Tatlong beses umakyat sina hakbangers Beth, 55, aktibo rin sa solo parent community work at mahilig magluto; Robina, 46, account executive at church leader; at Juliet, 53, sari-sari store owner.
Sa huli, umangat ang ganda ni Robina. Hindi pa tapos magpakulay ng buhok ‘yan, ah! Naudlot kasi dahil sa schedule. Pero ‘di bale, si Ver naman ang magdadala ng kulay sa mundo niya.
Mainit naman ang bakbakan ng dalawang pambato sa bosesan. Ito na ang latest ganaps sa “Tawag Ng Tanghalan Year 9.”
Lumaban sa KanTapatan si Jhomarie Buhisan. “Kailangan Kita” ang napiling piyesa ng pambato ng Zamboanga del Sur, na so comfortable habang kumakanta, sabi ni hurado Mark Bautista.
Concert-like rin ang atake ni Khent Villarba sa pagkanta ng “Kagome.” Kung pamilyar ang pormahan at kulot hairstyle ni Khent, malamang napanood mo na siya noon bilang Bruno Mars KalokaLike. Eh, ‘di sample! Astig daw ang confidence ni Khent sa entablado, sabi ni hurado Erik Santos.
Si Khent ang nakakuha ng mas mataas na grado (95%) mula kina hurado Erik, Mark, at Zsa Zsa Padilla. Siya ang bagong kampeon ng tanghalan.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.
