← Back to Home
Vice Ganda at Anne, naalala ang FIRST BONDING nila sa Cebu | It’s Showtime

Vice Ganda at Anne, naalala ang FIRST BONDING nila sa Cebu | It’s Showtime

Vice Ganda at Anne, naalala ang FIRST BONDING nila sa Cebu | It’s Showtime

🕒 6/2/2025, 5:05:27 AM803 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Kim Chiu#Jugs#Teddy#Karylle#Ion Perez#Ryan Bang#Amy Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Darren Espanto#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Argus#Imogen#Jaze#Kulot#Lucas

Sa unang episode ngayong June, masasagot na ang tanong na #nasaAnne? Ang sagot? ANNEdito na siya! Ang nag-iisang Dyosa ng Showtime pamilya, si Anne Curtis, na sobrang nating na-miss, nagbabalik. And she's back with a brand-new hairstyle. 

Sa pagbabalik ni Anne, ang magkakaibigan, nakahanap na naman ng mapagtitripan. Pati program flow, nagulo. Mag-i-intro pa ba, o hihirit na ang Dyosa? Sorry na, excited lang ang lahat sa pagbabalik ni Anne, na may kuwento tungkol sa upcoming series niya at photo op with Korean star Song Hye Kyo. 

Nag-react din si Anne sa matchy outfit niya with 4Play, ang pinakabagong boy group na nabuo mula sa Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak, at kinabibilangan nina Miah Tiangco, Ian Manibale, Eich Abando, at Mark Justo. Isang espesyal na harana ang hatid nila para sa Madlang People sa araw na ‘to. 

Kumpleto ang Showtime ‘quadro’ nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro at Jhong Hilario, kaya masaya ‘to! Nagsisimula pa lang ang “Step In The Name of Love,” grabe na ang bardagulan. Si Anne, pinagkaisahan; huwag daw turuan ng dance steps. Pero kung sino pa ang pasimuno, siya rin pala ang bibigay at magtuturo, ‘di ba, Kuys Vhong? 

Samantala, nakilala natin si Duday and bestie Teewie, na nag-meet sa trabaho. Bonding nila traveling, which reminded Vice and Anne of their first out-of-town trip. Ang core memory nila from that Cebu escapade ay ‘yung picture ni Vice na topless at naka-pose na parang… basta, kayo na lang mag-describe ‘pag nahanap n’yo sa X. 

Meron pang halaman na natumba. Pinatotohanan ni Ed (Teddy Corpuz), ang hinala ni Vice na kagagawan ito ng isang ABS-CBN ‘ghost employee’. Grabe! Ang daming nangyayari! 

Pero eto na nga ang first round of flexing, kung saan ibinida ni Teewi ang pagiging supportive GF ni BFF. Alpha female kung ilarawan niya ang kaibigan, kaya madalas ay gusto niya na siya ang nasusunod. May strong leadership skill ito, lalo na sa trabaho. Workaholic si Duday at career-oriented, ‘yung tipong hindi magdadalawang-isip na sagutin ang tawag ng boss o kliyente sa kalagitnaan ng date. But, answering Meme’s question, sinabi ni Duday na willing siyang i-sacrifice ang trabaho kung sakaling magkaanak at hilingin ng partner niya na maging full-time housewife siya. Ganu’n naman daw talaga. Babae ang madalas na nagsasakripisyo ng career. Opinyon naman ni Anne, hindi palaging dapat kalimutan ng isang babae ang sariling mga pangarap para sa asawa’t anak. 

Matagal mang nag-isip, pero pataas pa rin ang step ng hakbangers na sina Luis (fitness trainer), CJ (virtual assistant), at Josh (interpreter). Malalalim nilang sagutan ay iyong hahangaan. Pero pagdating sa Round 3 kung saan larawan ni Duday ang naging basehan, si Luis ay napa-step down at sinabing hindi ito pasok sa ‘type’ niya. Pero si CJ, walang pag-aalinlangan, ang bilis umakyat ng hagdan! Samantala, napaisip man sandali, umakyat pa rin si Josh.

Sa huli, si Luis pa rin ang pinili ni Duday kahit ito lang ang kaisa-isang nag-step down para sa kanya. 

Last Saturday, first time sa “Tawag Ng Tanghalan Year 9” na mag-tie ang humamon at ang hinamon. Parehong itinanghal na kampeon si Aaron Lao at ang defending champion na si Lucky Nicole Galindez. 

Pero iisa lang ang puwedeng manatili sa trono ng tanghalan. Kaya muli silang naglaban. 

Perfect sound trip ng hatid ni Aaron sa pagkanta ng “Sunday Morning.” Nagustuhan ni hurado Marco Sison na relaxed lang si Aaron habang kumakanta. Payo lang niya, lagyan ng tamang distansiya ang pagitan ng bibig at mikropono. 

“Mamma Knows Best” naman ang piyesa ni Lucky sa kan’yang concert-like performance. Sabi ni hurado Nyoy Volante, isang magandang regalo ang mapakinggan si Lucky. Dagdag niya, “Lahat ng ginawa mo, tama at effective.”

Halos sumakit ang ulo ni Punong Hurado Louie Ocampo, na hirap na hirap sa pagpili. Sabi ni Sir Louie, "If I can keep you both, I will,” na nagkatotoo. Muling nag-tie sina Aaron at Lucky sa score na 95.3%. 

At dahil ito na ang ikatlong panalo ni Lucky, pasok na siya sa “TNT Year 9” koponan. Samantala, mananatili si Aaron sa trono dahil kailangan pa niya ng isang panalo para umabante sa susunod na bahagi ng kumpetisyon.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda at Anne, naalala ang FIRST BONDING nila sa Cebu | It’s Showtime | Cheezmis