← Back to Home
Vice Ganda, tinignan ng masama ang mga tumili kay Ion | It’s Showtime

Vice Ganda, tinignan ng masama ang mga tumili kay Ion | It’s Showtime

🕒 2/28/2025, 5:57:17 AM865 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Ion Perez#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Anne Curtis#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Cianne Domiguez#Argus#Kulot#Lucas#Jaze#Imogen#Darren Espanto#Bela Padilla

Sa huling araw ng Pebrero, ang kilig ay itodo. Parang si Kim Chiu, na palaging inaasar kay Paulo Avelino. Napansin naman ni Vice Ganda na namamaga ang mga mata ni Darren Espanto,  pero wala pa rin daw sa 'pamamaga' ng mga mata ni Jhong Hilario. 

Sa 'ANSABE, tuloy-tuloy lang ang bardagulan ng mga grupo. Dahil mula Lunes hanggang Huwebes ay suki sa lusutan, hinanda na ni Kim ang sarili at nagsuot ng denim pants. Pero kung kelan ready sa pagkatalo, saka pa nanalo! Salamat sa 1 point ni Jaze, it's a victory para kina Kimmy, Enicka, Darren, Ryan Bang, at team leader Jhong. 

Si Vice Ganda, sinubukang mandaya sa palabunutan? Mukha lang madaling i-beat ang isang puntos pero na-challenge talaga ang grupo ni Vice with Kelsey, Lassy, Karylle, Jugs Jugueta, and bulii-lip reader, Ayesha. Kaya biro ni Meme, dapat talaga minsan pinapagalitan din 'yung mga bata, eh. 

Well, ang motto ni Meme  for today's video, 'di bale nang zero, basta't may karamay sa pakatalo. At na-manifest nga dahil bokya rin ang grupo ni Vhong Navarro with Kulot, Ogie Alcasid, Ion Perez, at Teddy Corpuz, and buli-lip reader, Argus. 

Lusutan na! Mukhang naaaliw na ang ‘Showtime’ family sa paglusot, ah! Si Vice, nagpahila na parang nakasakay sa magic carpet. ‘Yan ang malupet! 

Isang HOTaw dance number ang inihanda nina Jackie Gonzaga at Jameson Blake kasama ang apat na ‘Showtime Sexy Babe 2025’ weekly finalists. Ang tema ay throwback ‘90s diner. Kung sila ba naman ang mga serbidora, siguradong ika’y mapapa-order!

Hindi na bitter, kundi better si Sexy Babe Zeah na nakangiting ikinuwento kay Vice Ganda ang naging ending ng engagement niya. Sa ganitong sitwasyon, the big question ay kung kailangan bang ibalik ang engagement ring? Healed na si Zeah, na nangakong hindi na babalikan ang nakaraan, kaya napa-react si MC: “Buti pa siya naka-move on na.” Uy, MC, mukhang may ikukuwento ka pa!

Si Sexy Babe Krishia, very sultry pa rin sa pagrampa kahit mga daliri sa paa’y gusto nang ‘kumawala.’ Pero tingin niya, ito ang nagdala sa kan’ya ng swerte. 

Samantala, jokes nina Ryan aka SAMgyupsal at Ion aka MeKENi for today ay certified havey. Bakit ‘S’ ang nakalagay sa costume ni Superman? Kasi wala ng medium! Nge! Kaya ka tinitilian ng mga kababaihan, Kuys Ion! Napairap tuloy si Meme. Eh, pa’no kung si Meme Vice na lang ang sumayaw? Mga astigin na pulis sa studio, ‘di magkamayaw sa kahihiyaw! 

Nag-sample rin si Meme kung paano mag-express ang feelings sa pamamagitan ng kanta. Pati national anthem ng mga bansa, may entry siya. Napansin pa ang pa-stuffed toy sa OOTD ni Vhong. Daming ganap at ang daming tawa! 

Full of gratitude ang attitude ni Sexy Babe Ari, na nagkuwento tungkol sa natanggap na sweet messages from her former teachers. Nakaka-sexy talaga ang pagiging humble, ‘di ba? 

Si Sexy Babe Heart, may jowang sundalo. Ang sikreto para ma-achieve ang forever, si gf ang masusunod na parang kumander. 

Pinagpala sa kaseksihan at kagandahan ang mga weekly finalists. Pero alam n’yo ba na ang mga pinakamagagandang tao sa mundo ay ipinanganak ng Abril katulad ni Kim? ‘Yan ang sabi ni Meme na ‘gigil na gigil’ dahil napaaga ang birthday niya at ‘di umabot ng April. But, at the end of the day, always remember, beauty is in the eye of the beholder. 

Sino kaya ang Sexy Babe na pinusuan nina hurados Jameson, JC De Vera, at Chie Filomeno? 

“Huwag kang bibitiw bigla!” Rakrakan na kasama ang mga TagoKanta. Hindi rin bibitiw sa panghuhula ang gwapong bisita. Si Robbie Jaworski ang taya sa guess-sing for today’s ‘Hide and Sing.’ 

Hindi lang tinig ng mga TagoKanta ang hinangaan ng madla. Dahil pati ang pagiging observant at matalino ni Robbie, kapansin-pansin. Sabi ni Robbie, bigay-todo sina TagoKanta 3 at 2. Pero may something kay TagoKanta 1 na parang naiiba. Medyo sharp, celebrity ang kilos kumbaga. 

Concert-like ang performances ng mga TagoKanta sa Round 2. Hindi naman nagbago ang observation ni Robbie na over-the-top ang pagkanta nina 2 at 3, pero si Singer 1 ay chill lang. Hmm. Baka raw sa dulo, may curveball ang larong ‘to. Curveball?! 

Sabi ni Robbie, no’ng una’y si Yael Yuzon ang hula niya sa unang TagoKanta. Pero ang boses pala ni TagoKanta 1 ay may ‘Magbalik’ vibe, kaya sigurado siya na si Kean Cipriano ‘yan! In case you didn’t know, MYX VJ si Robbie, and that explains ang husay niya sa pagsasalita. Biro ni Vice Ganda, nag-intro lang si Robbie ng napiling TagoKanta, pero mas masarap pang pakinggan kaysa sa mga spiels nila.

Samantala, si Kean nga ang hinahanap na mang-aawit! Everybody, rakrakan na this!


Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, tinignan ng masama ang mga tumili kay Ion | It’s Showtime | Cheezmis