← Back to Home

And the winner is… Narito ang mga iconic playtime moments ng It’s Showtime hosts na binigyan ng “AWAAARD”

Physical Hosting, Dress in Peace, at iba pang AWAAARDs iginawad sa "It's Showtime" hosts.

🕒 12/6/2025, 9:20:34 AM651 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It's Showtime#It's Showtime 16th Anniversary#Showtime AWAAARD#It's Showtime AWAAARD#Showtime 16 years#Barbie Forteza#Ryan Bang#Jackie Gonzaga#Angeline Quinto#Chanda Romero#Ralph De Leon#Esnyr#Gus Abelgas#Petite#Negi#Iyah Mina#Anne Curtis#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Vice Ganda#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Lassy#Ion Perez#JM Yosures#Rea Gen Villareal#JM Dela Cerna#Marielle Montellano#Klarisse De Guzman


Bongga ang finale ng weeklong 16th anniversary celebration ng "It's Showtime.” Isang red-carpet awarding episode ang inihanda kung saan nakatanggap ng "AWAAARD!" ang most iconic playtime moments ng "It's Showtimeitsshowtime.abs-cbn.com" hosts sa nakalipas na 16 taon. 

All for good vibes man ang awards ceremony nitong Sabado, December 6, siniguro pa rin ng production team na magiging makinang at prestihiyoso ang glam feel sa studio at star-studded ang programa. Si Barbie Forteza ang isa sa mga main hosts kasama nina Ryan Bang at Jackie Gonzaga. Naging presenters sina Kyline Alcantara, Angeline Quinto, Chanda Romero, ex-"PBB Celebrity Collab Edition" housemates Ralph de Leon at Esnyr, Gus Abelgas, at mga komedyanteng sina Petite, Negi at Iyah Mina. 

Ang unang parangal na "Ha? Hakdog Award" ay para sa "It's Showtime" host na may pinaka-unforgettable bulol at mali-mali moment. Tulad ng inaasahan, nakuha ni Anne Curtis ang titulo, specifically sa maling pagbigkas niya ng "kabuoang" into "kabuwang." Nag-tie sina Anne at Jhong Hilario, na 'emosyonal' nang tanggapin ang plaque. 

Nakuha ni Vhong Navarro ang "Sablay Supremacy Award," ang parangal para sa host na may mabuting layunin pero sablay ang ending, para sa nakakatawang pagkakamali niya nang 'di sinasadyang ma-reveal ang hawak na secret prize sa "Rampanalo" segment. Samantala, kabilang pa sa mga nominado ang sablay ni Vice Ganda nang mabasag niya ang isang TV sa studio at matanggal ang wig na suot habang ginagawa ang FUNishment, pati na rin ang 'kagulo' moment nina Jackie, Vhong, at Ogie Alcasid sa "Vest in Spelling." 

Para sa host na may OOTD na karumal-dumal, "Dress in Peace Award" ang parangal. Deserve ng "fuji apple" costume ni Jugs Jugueta. Sina Ryan at Kim Chiu naman ang nakakuha ng "Natutulog Ba Ang Joke Award" para sa mga waley jokes nilang pumanaw. Aliw ang acceptance speech ni Ryan. Aniya, minsan nalulungkot siya dahil pinaghahandaan niya ang mga jokes para lang basagin ng co-hosts at madlang people. 

Pinagsaluhan nina Ogie at Jackie ang "G na G Alajar Award" para sa pagiging game na game nila sa kahit anong klaseng bardagulan for the sake of comedy. Halungkatan ng past, as in past face card ang peg ng "Glow Up Award" na iginawad kay Vice Ganda for her fabulous transformation. Inalay ni Vice ang award sa kapwa nominee na si Teddy Corpuz, whose ‘nakaka-wow’ glow up we’ve also witnessed on the show.


Ang hosting sa "It's Showtime" ay hindi basta-basta salita lang dahil umaabot pa nga sa pisikalan ang kulitan. Naging trademark na ito ng grupo, so much so it deserved its own award category. Siguradong nahirapan ang jury sa pagpili ng 'da best sa mga nominado, pero ang itinanghal na may most iconic physical hosting moments ay sina Vice Ganda, Vhong at Jhong. 

Mahigpit ang naging laban nina Vice Ganda at Kim para sa "Words of Wisdom Award" sa dami ng tumatak nilang quotable quotes. Pero dark horse sa category na 'to ang kaisa-isa at maikling entry ni Vhong, ang "Crush is paghanga," na nakakuha ng parangal. 

Parte ng show ang mga pagkakataong kumurot sa puso ng madlang people o mga moments na ipinakita ng hosts ang kanilang vulnerable sides. Sina Anne, Ogie, Vice Ganda, Kim, Lassy, Ryan at Ion Perez ang mga nominado sa "Cry 'Yan Cayabyab Award" na nakuha nina Vice, Ion, at Ryan. 


Samantala, nag-perform sa "AWAAARD" day sina "Tawag Ng Tanghalan" champions JM Yosures, Rea Gen Villareal, JM Dela Cerna, at Marielle Montellano kasama si "TNT” hurado Klarisse De Guzman. 

Na-senti naman ang hosts at Solid Showtimers sa isang creative shadow performance na inihandog ng El Gamma Penumbra kung saan ipinakita ang 16 taon journey, kabilang na ang ups and downs, ng programa. Present din sa red carpet event sina Showtime kids Kulot, Argus, Kelsey, Enicka, Jaze, Briseis, at Imogen. 

Abangan ang buong pasasalamat ng Showtime family sa Lunes. Tutok lang siya “It’s Showtime,” tuwing 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at  iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.