← Back to Home

It’s giving hip-hop crew! Vice, Anne at "It's Showtime" family rapper mode sa MagPASKOsikat Day 1

Sinimulan ng "It's Showtime" fam ang kanilang week-long 16th anniversary celebration sa isang nakaka-hype na hip-hop jam at special "Laro Laro Pick” edition kung saan P1 million ang POT money!a

🕒 12/1/2025, 10:53:20 AM797 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#It’s Showtime 16th Anniversary#MagPASKOsikat#Showtime 16 years#Anne Curtis#Vice Ganda#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Karylle#Kim Chiu#Ryan Bang#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ogie Alcasid#Ion Perez#Jackie Gonzaga#Darren Espanto#Laro Laro Pick#Laro Laro Pick Solid Showtimers#Madlang People

Break it down, yow! Happy sweet sixteen, Madlang People!

Anim na araw kada linggo sa loob ng labing-anim na taon, sama-sama tayong lumaban at nagbigay ng pag-asa at ligaya sa isa’t isa, umulan man o umaraw o anuman ang panahon. Dahil 16th anniversary ng "It's Showtime," it's giving pasabog na party and celebration para sa buong nation!


Nagliwanag ang paborito nating tahanan sa FUNanghalian sa pagsisimula ng first-ever "MagPASKOsikat!" It's giving MAGPASIKAT with pasabog performances na aabangan sa buong linggo, but without the hurados and competition mode dahil in time for Christmas season, ang goal ng Showtime fam ay magbigay lang ng good vibes at maagang aguinaldo.

With hip-hop energy leading the way, the Showtime family turned the stage into a full-on street-style party! All swag from head-to-toe si Jhong Hilario, na sinimulan ang hip-hop showdown with "Mga Kababayan" with the special participation of Elmo and Arkin Magalona.

Guess what?! Si Vhong Navarro, nagpaguwapo singing "Andrew Ford Medina" at may kasama siyang dalawang maganda, sina Cianne Dominguez at Jackie Gonzaga.



Oh sige, kayo na pogi! Panis ang mga wannabe sa pagpasok ng mga OG! May Jugs Jugueta at Ogie Alcasid na, may Ryan Bang, Ion Perez, at DJ MOD pa. Pero ang pinakamalakas na dating, bigay natin kay Paul N' Ballin. Dito ka sa 'kin tumabi, sabi sa lyrics ng "'Wag Ipagsabi." Si Teddy Corpuz ang bumanat ng rhyme, kina Darren Espanto at Kim Chiu naman ang dance moves na oh so fine.

Hindi ito isang laro, 'di kami nagbibiro! Sina Karylle at Aikee, nag-angas sa entablado with their rendition of "Kahit Bata Pa Ako." And what's a celebration without the surprises? Madlang People, wala ba kayong mga kamay

for Anne Curtis?! Para sa mga millennials, Dice & K9 is in the house para sabayan ang 'Dyosa' sa pagkanta. Itsumo kokoro he hoshi itsuka!




At huwag kang matakot sumayaw, katawan ay igalaw dahil si Vice Ganda ang humataw kasama si Marko Rudio. It's giving rap performance wrapped in good vibes siguradong maha-hype kayo.




Bago sumapit ang Pasko, isang solid Showtimer naman ang nagkaroon ng pag-asang maging milyonaryo. Still part of our celebration, ang Laro Laro Pick, may special edition. At ang naglaro ngayong Lunes, mga solid Showtimers. Kilalanin natin ang ilang sa kanila!


"TNT" Season 1 pa lang, tutok na si Cecil sa "It's Showtime" para suportahan ang kababayang si Noven Belleza. At simula no'n ay never na siyang bumitaw pa. Sa oras ng lungkot at problema, "It's Showtime" ang takbuhan niya. Bilang reward for her loyalty, ang kanyang wish, tinupad na ni Miss Curtis!

High school pa lang ay Solid Showtimer na si Shine. Hanggang sa siya'y nag-asawa at naging mommy, “It's Showtime” pa rin ang kanyang family. Ipinangalan pa niya ang kambal na anak kina Ion at Hashtag Kid Yambao. Pero maagang pumanaw ang anak na si Ion samantalang nag-agaw-buhay naman si Kid noong pandemic. At sa mga panahong 'yun, “It's Showtime” ang pinaghugutan niya ng ligaya, lakas at pag-asa.

Dahil special edition ito ng "Laro Laro Pick," sa bawat round na malalampasan ay may additional P2,000. Kaya ang mga natirang players hanggang dulo, nakaipon ng P11,000. Walang uuwing talo, pero ang pinakapanalo ay si Solid Showtimer Karl, na nakapili ng shining, shimmering Christmas tree sa PILImination round.


Kuwento ni Karl, nang dahil sa bardagulan tuwing “Tawag Ng Tanghalan,” na-hook siya sa “It's Showtime” fam! Kung 18 lang siya ngayon, let’s do the math, 2 years old lang siya nang unang umere ang "It's Showtime." Literal na kinalakihan na niya ang kulitan ng pamilyang 'to. Samantala, maaga rin siyang nagkaroon ng sariling pamilya– 16 siya at 14 naman ang nobya nang biyayaan sila ng anak. Dahil natuto na sa mga pinagdaanan sa buhay, payo nya sa kapwa kabataan, maghinay-hinay.

Naghinay-hinay rin si Karl sa final game dahil sa pagitan ng P250,000 Li-Pot offer at P1 million POT money, ang hirap pumili. Hindi naman pwedeng daanin sa eenie-meenie!

Matapos ang mahaba-habang tawaran, kanyang napagdesisyunan na piliin ang P250,000! Malaking tulong na ito, bagama’t hindi niya maiwasang manghinayang. Dahil nang basahin ni Jhong ang POT question, "Ibigay ang kumpletong petsa kung kailan kauna-unahang umere ang It's Showtime sa telebisyon," mabilis na iniluwal ng memorya ang tamang sagot na "October 24, 2009."


Napayakap na lang si Karl sa Showtime hosts, na pinagaan naman ang loob niya. Hindi na biro ang P250,000 at masaya ang lahat dahil isang Pilipino ang magkakaroon ng Noche Buena na higit pa sa sapat.

Sumakses ang pagsisimula ng 16th anniversary celebration with street-style hip-hop production! Kung it's giving rap ang Day 1 ng MagPASKOsikat, P-pop pasabog naman ang tema ng Day 2, Martes, December 2. Walang aabsent para 'di n'yo ma-miss ang paasabog happenings!

Catch “It’s Showtime,” airing Mondays to Saturdays, 12 NN on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, and iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.