← Back to Home
Vice Ganda, nakipag-BARDAGULAN kay Ola | It’s Showtime

Vice Ganda, nakipag-BARDAGULAN kay Ola | It’s Showtime

Siya si salon attendant Ola, 62 years old, pero malakas at bagets pa rin ang awra! Sabi nga ni Vice Ganda, si Ola ay inspirasyon sa iba na huwag pabayaan ang sarili. Pero bago mapuri, syempre, nakipagpuksaan muna siya kay Meme!

🕒 11/4/2025, 5:00:04 AM658 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Ola#Ola Showtime#Ola Laro Laro Pick#Vice Ganda Showtime#Vice Ola#Vice Ola Bardagulan#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Karylle#Darren Espanto#Jugs#Teddy#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#MC#Lassy#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Showtime November 4#Laro Laro Pick Showtime

Naririnig n’yo na ba? Christmas songs sa paligid ay laganap na! At ang isa sa mga paborito nating kanta tuwing Pasko season ay darating, ready sing, “Kaya’t ibigay n’yo na ang aming Christmas bonus!” Beke nemen, boss?!  

Para tulungan tayong i-manifest ang magandang Christmas bonus at maagang 13th month pay, dumalaw pa sa “It’s Showtime” studio ang kumanta nito. Maki-jam with AEGIS, mga bes!  

Mukhang napaaga naman ang Christmas reunion ni Ogie Alcasid with his… long-lost brother?! Si Rey Abenoja pala, ang lead guitarist ng banda! Kalokalike kasi ni Sir Ogie, papasa silang mag-kuya!  

Teka, heto na nga, gawin na ang “Christmas Bonus” dance steps at ang maagang pamasko ay i-manifest!  

May maagang Pamasko ang mga skin clinic at beauty salon attendants na sumalang sa “Laro Laro Pick” game arena dahil lahat sila ay may instant P1,000 pesos bago pa man magsimula ang games.  

Beauty niya ay pang-trending, skill naman ay may kinalaman sa eyebrow tattoo at threading. Siya si salon attendant Ola, 62 years old, pero malakas at bagets pa rin ang awra! Sabi nga ni Vice Ganda, si Olay ay inspirasyon sa iba na huwag pabayaan ang sarili. Pero bago mapuri, syempre, nakipagpuksaan muna siya kay Meme!  

Nang mapag-uapan ang underarm waxing, na never daw ita-try ni Meme, nagulat siya at ‘na-insecure’ bigla kay Kim Chiu, na perfectly waxed at super puti ng kili-kili! “Mas makinis pa sa mukha ko!” biro ni Meme.  

Kahit takot si Vice sa waxing, wish pa rin ni Susan na ma-wax ang legs ng Unkabogable Superstar. Speaking of wish, parang genie naman ang atake nang hawakan ni Susan ang ‘behind’ ni Meme! Baka nga naman ito ang pampaswerte.  

Mula “Illuminate or Eliminate” hanggang “It’s Giving” kung saan ang kategorya ay mga pinakasikat na hayop, at “You Gotta Lyric” na “Panalangin” ang kinanta ng players, lahat ay game dahil gustong maging winner.  

Pagdating sa “PILImination” round, si Teddy Corpuz ang natirang representative ng madlang people sa studio. Binigyan ni Vice ng pagkakataon si player Rose na makipagpalit kay Teddy ng pwesto, pero tinanggihan niya ito. Sayang dahil ito na pala ang lucky spot! Pero kung para sa’yo, para sa’yo naman talaga, ‘di ba? 

Bago magsimula ang tawaran sa “Laro Laro Pick” jackpot round, tinanong ni Vice Ganda si Teddy Corpuz kung aling bahagi ng mga muka nila nina Vhong Navarro at Ogie Alcasid ang babaguhin niya. Walang pikunan, tamang asaran lang! 

“Pwede na!” sabi ni Teddy nang umabot sa P30,000 ang offer sa Li-Pot. Pero dahil palaban ang Madlang People na na nire-represent niya, mas pinili niyang sugalan ang POT. 

May katumbas na P150,000 ang tanong tungkol sa first name ni Padre Burgos ng GomBurZa. Sa kasamaang palad ay hindi alam ni Teddy ang sagot. “Ruel,” hula niya. “Jose” ‘yun, kuys!  

Dahil hindi nasagot ang POT question, P200,000 na ang premyong pwedeng maiuwi ng lucky player bukas!  

Proud mentor si Bituin Escalante sa Pangkat Luntian dahil lahat sila ay may lakas na ipapakita sa entablado para makarating sa Huling Tapatan sa Sabado. Ito ang week-long Grand Finals ng “Tawag Ng Tanghalan” Year 9.   

Oras na upang muling mag-deliver ng nothing but the best si Lucky Nicole Galindez. “Stay With Me” Sam Smith, binigyan niya ng bagong ‘feels’ na sultry and classy pero malupit. Komento ni hurado Jed Madela, kakaibang Lucky ang napanood niya, which is a good thing dahil may bago itong naipakita.  

Siya man ang youngest sa grupo, pero hindi nagpa-intimidate ang 15-year-old finalist na si Leira Ann Reynes, singing “Mundo” by IV of Spades. “Wala akong makitang mali sa performance mo,” sabi naman ni Dingdong Avanzado kay Leira, adding that there’s magic in her voice. At kung sa batang edad ay ganito na siya kahusay, sigurado ang hurado na mas gagaling pa ito sa mga susunod pang taon. 

Sa huli, ang golden medalyon ay napunta kay Lucky, na nagtala ng score na 95.3%, laban sa 93.7% ni Leira Ann. Sigurado na ang spot ni Lucky sa Huling Tapatan sa Sabado.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, nakipag-BARDAGULAN kay Ola | It’s Showtime | Cheezmis