← Back to Home
Romeo, ikinuwento kung bakit siya nagkaroon ng malaking utang | It’s Showtime

Romeo, ikinuwento kung bakit siya nagkaroon ng malaking utang | It’s Showtime

Sa “Laro Laro Pick” jackpot round, ikinuwento ni madlang janitor player Romeo ang financial struggle nilang mag-asawa.

🕒 11/22/2025, 5:45:46 AM687 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#LetsDuetShowtime#Laro Laro Pick#School janitor#Romeo#utang#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Ogie Alcasid#Amy Perez

May nagpaparamdam na ba? Huwag mag-alala, hindi naman ito ‘yung paramdam na nakakakilabot at nakakatakot, kundi paramdam na super cute! Sila ang mga inaanak mo na nagpapaalalang malapit na ang Pasko. Ninong at Ninang, ihanda na ang mga regalo.  

Nauna nang makatanggap ng regalo ang mga janitors at utility personnel na bumida sa “Laro Laro Pick” game arena ng “It’s Showtime.” Ang tindig niya’y oh so fine, matikas, malakas at masipag sa kabila ng kapansanan. Si Tatay Kurt ‘yan! Mayroon man siyang kapansanan sa mata, hindi ito hadlang sa trabaho bilang janitor ng isang eskwelahan. Salamat sa teamwork at pagmamahalan nila ni misis na nagtatrabaho bilang nanny, naitataguyod nila ang tatlong supling. 

Proud din si Tess na itaguyod ang pag-aaral ng anak sa pamamagitan ng trabaho bilang janitress. Halos tatlong dekada na siya sa serbisyo. At worth it naman ang lahat ng pagod, dahil 100% proud sa kanya ang anak na si Rayver.  

Sa isang grocery store naman nakatoka si Rick, na maliit man ang height, malaki naman ang puso at pagsisikap. Dahil halos magka-height sila ni Ogie Alcasid, may regalo sa kanya si Chief of OPM. Sagot na ni Ogie ang date ni Rick at misis nito, kahit saan man nila gusto!  

Sa “Illuminate or Eliminate,” ang kahon na may berde ang dapat mahuli. At dahil naka-perfect ang players sa “You Gotta Lyric,” lahat sila ay may extra P1k. Hanggang sa dumating na ang oras ng pagpili, si Romeo ang dinapuan ng swerte.  

Sa “Laro Laro Pick” jackpot round, ikinuwento ni madlang janitor player Romeo ang financial struggle nilang mag-asawa. Dahil sa plano niyang mag-abroad, napilitan silang umutang ng P150,000 na hanggang ngayon ay paunti-unti nilang binabayaran.  

Kaya para sa mga utang, itinuloy ni Romeo ang laban. Ang POT, kanyang sinugalan! Samantala, ang bata niyang anak na nasa studio, todo cheer at naniniwalang sila’y mananalo. Matalinong bata ang anak ni Romeo, kaya proud siya rito, at alam niyang may magandang patutunguhan ang kanyang pakikipagsapalaran.  

Pero baka hindi pa ito ang swerte sa kanya’s nakalaan. Hinarap niya ang P200k POT question tungkol sa isang karakter ni Mars Ravelo na ginampanan na ng ilang sikat na aktres tulad nina Marian Rivera at Anne Curtis. ‘Nablangko’’ si Romeo at hindi nakasagot sa loob ng limang segundo. Kayo, madlang people, alam n’yo ba ang sagot dito?  

At wala mang naiuwing papremyo si Romeo, nangako naman si Jhong Hilario na bibigyan niya ng pamasko ang anak nito.  

Naging extra challenging ang linggong ito sa “TNT Duets 2” pero sa dulo ay limang duos naman ang nakapasa sa mahigpit na panlasa ng mga hurados. At ang limang pares na ito, nagsalpukan sa second weekly finals ngayong Sabado. 

Unang sumalang sa entablado ang tandem nina Teten Pesigan at Yen Victoria, na pinili ang “Tadhana” ng UP Dharma Down bilang piyesa.  

Versatility at harmony ang goal nina Aira Asuncion at Patricia Penano. Kung sa daily round ang panlaban nila’y kundiman, this time, Gen Z hugot song na “Multo” ang bitbit nila sa entablado.  

Sa pagitan ng dalawang naunang grupo, mukhang mas umangat sa mga hurado ang performance nina Aira at Patricia, bagama’t positibo rin naman ang naging komento sa pagtatanghal nina Tenten at Yen.  

Kilig ang dulot nina JKris Dantes at Jayda Bue sa buong studio with their rendition of Eraserheads’ “Ang Huling El Bimbo.”  

“How Do You Keep the Music Playing” nina Mike Luis at Shan dela Vega ay plakadong plakado, nakakuha pa ng standing ovation mula kay Punong Hurado Louie Ocampo.  

Vocal prowess times two, equals pasabog performance sa entablado! Bagama’t nabilangan ni hurado Erik Santos ang duo nina Raven Heyres at Ayegee Paredes, na kinanta ang “You Don’t Own Me,” natapos pa rin nila nang maayos ang performance. 

Sabi ni Maestro Louie, everything boils down to maintaining the magic of duets. Importante, aniya, ang harmony. Samantala, ipinaliwanag ni Erik na kailangan niyang maging objective kaya nabilangan sina Ayegee at Raven dahil sa narinig niyang sablay sa kalagitnaan ng kanta.  

Ang dalawang panalo this weekly finals ay ang duos nina Mike-Shan (96%) at Jayda-JKris (93%). Nakakuha naman ng 94% ang Aira-Patricia tandem, 93.7% para sa Ayegee-Raven at 93% sina Tenten at Yen.  

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Romeo, ikinuwento kung bakit siya nagkaroon ng malaking utang | It’s Showtime | Cheezmis