← Back to Home
Vhong, KINILIG sa bagong version ng kantang ‘Don Romantiko’ | It’s Showtime

Vhong, KINILIG sa bagong version ng kantang ‘Don Romantiko’ | It’s Showtime

Organic kilig naman ang mararamdaman sa Gen Z-fied version ng “Don Romantiko,” hatid ng P-pop group Yes My Love.

🕒 11/19/2025, 4:35:12 AM820 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Vhong Showtime#Don Romantiko#Vhong Navarro Don Romantiko#Vhong Don Romantiko#Vhong Don Romantiko Showtime#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Karylle#Darren Espanto#Jugs#Teddy#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#MC#Lassy#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Showtime November 19

Our word of the day is "organic." Sabi ng mga Gen Zs, mas bet nila ang organic encounter 'pag na-meet si forever, 'yun bang pagtatagpo na hindi planado at hindi sinasadya pero itinadhana.  

Organic din ang tawanan dito sa paborito n'yong tambayan tuwing FUNanghalian. Kapag "It's Showtime" family ang nagkulitan, good vibes ay hindi mo maiiwasan.  

Organic kilig naman ang mararamdaman sa Gen Z-fied version ng “Don Romantiko,” hatid ng P-pop group Yes My Love. Hello sa mga feeling baddie pero kapag kausap si mahal ay biglang nagiging softie, sabay sabi ng, "Yes, my love?"  

Say yes to kilig and good vibes dito sa "It's Showtime"!  

Byaheng Laro Laro Pick game arena ang mga sweet lover, tricycle driver madlang players. Sino ang makaka-boundary nang maganda't malaki, at makukuha ang P100k Pot money?  

Para naman sa mga madlang people na nasalanta ng kalamidad, sina MC, Lassy, Cianne Dominguez, at Ryan Bang ang maglalaro. Ang halaga na kanilang mapapanalunan, ido-donate nang buo. 

Kung si Vhong Navarro ang Mr. Suave sa sayawan, si Louie naman ang pinakaswabe sa daan. Kung maiipit kina Jackie Gonzaga, Lassy at Cianne, sino ang kanyan pipiliin at unang pasasakayin? 'Di ba kilala ang tricycle drivers sa pagiging makuwento? Paano kung si Jackie ang pasahero, paano aalisin ni Louie ang lungkot nito? Ang usapan, Louie, bigyan lang ng payo. Bakit bigla kang nagpagwapo sabay sabing hiwalay ka na sa asawa mo? Nakakaloka ang 'da moves' ni Louie, o!  

Talagang malakas ang karisma ng mga tricycle drivers. 'Di ba, Lassy?! Heto ang tea—ang friend nating si Lassy, minsan kinilig sa isang tricycle driver na na-spot-an niya sa pilahan. Pero hindi sila nagkatuluyan dahil may asawa na pala ang driver na natipuhan.  

Nahaluan naman ng lungkot ang kuwentuhan nang si Jake ang sumunod na nilapitan. Naibahagi kasi niya ang buhay nilang mag-asawa at tatlong anak na sa tricycle nakatira. Paano nga ba sila nakaka-survive? Marahil nasanay na sa hirap, okay na kay Bert ang sitwasyon basta nakakakain nang tatlong beses sa isang araw.  Hindi napigilan ni Vice Ganda na magpahayag ng lungkot at pagkadismaya, aniya, sana ang mga Pilipino ay hindi masanay sa "okay na 'to" dahil kung may obligasyon ang gobyerno, mayroon din naman tayong kanya-kanyang responsibilidad sa ating sariling buhay at kapalaran. 

At ang pinalad na maka-survive sa unang rounds at makakuha ng buong puso sa PILImination ay si tricycle driver Loloy.  

Halos hindi makapaniwala si Tatay Loloy na siya nga ang itinadhanang maglaro sa "Laro Laro Pick" jackpot round. 

Motto ni Loloy, manalo o matalo, P100,000 POT money ay ilalaban niya hanggang dulo. Kaya sa  P30,000 na Li-Pot offer, ang sabi niya'y "no." 

Nabanggit ni Loloy na mayroon siyang tatlong anak. Ang isa'y may sariling pamilya na. Ang isa'y hindi makapagtrabaho dahil sa may sakit sa tainga. At ang isa nama'y dalawang taon nang nakikipagsapalaran bilang domestic helper sa Qatar. 

May kinalaman dito ang Pot question na binasa ni Vice Ganda, "Ano ang ibig sabihin ng OFW?" Nakakalungkot lang na hindi nasagot ni tatay ang tanong nang tama sa loob ng limang segundo. Ang sabi niya, "Overseas social workers" pero sabi nga ni Meme, huwag nang manghinayang dahil ang importante ay masayang uuwi si Loloy dahil sa "Laro Laro Pick" experience. 

At dahil ayaw ni Meme na umuwi si tatay na walang dalang pera, bibigyan niya ito ng P10,000 at nag-volunteer pa na ipapagamot ang anak ni Tatay Loloy sa kapatid niyang doktora.  

Dobleng lakas ang ipinamalas ng mga mang-aawit na sanib-pwersa sa tanghalan. Harmony ay dapat ma-achieve para mga hurados ay mapabilib, lalo pa't ang hinahanap nila ay 'yung organic blending. Kaya dito sa "TNT Duets 2" entablado, performance at teamwork ay always itodo!  

Unang natunghayan ang collab ng magkaibigang sina Aira Asuncion at Patricia Peñano. Ang friendship nila, nagsimula noong pandemya nang pareho silang tamaan ng COVID-19 virus sa kalagitnaan ng pagsalang sa "Tawag Ng Tanghalan." And that friendship helped them pull off their rendition of traditional kundiman song "Kalesa" na ikinatuwa nina hurados Jonathan Manalo, Nyoy Volante, at Kean Cipriano. Nagkaisa ang tatlo sa kanilang opinyon na nakaka-good vibes ang performance, at magandang pakinggan ang mga boses ng dalawa in unison.  

Parang bagoong at mangga, mas masarap 'pag magkasama, ganyan ang tugtugan nina Patricia Capon at Darryl Beltran. Pero sadyang hindi para sa kanila ang "TNT Duets 2" entablado dahil na-gong sila sa kalagitnaan ng pagkanta ng "Open Arms." Paliwanag ni Punong Hurado Nyoy, napaka-promising ng simula nina Darryl at Patricia, pero tulad ng mga naunang na-gong, hindi nag-land nang maayos ang blending sa latter part ng kanta. Kaya paalala ng mga hurados sa susunod na duos, pahalagahan ang blending dahil ito ang core ng edisyong ito ng "Tawag Ng Tanghalan." 

Automatic na ang naunang tandem na ang panalo sa araw na ‘to. 

At dahil sa sunod-sunod na pagkaka-gong ng contestants at sa naging paalala na rin ng mga hurados, sina Jackie Gonzaga at Lassy, ipinakita kung paano nga ba 'yung perfect blending. Ready, sing!

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vhong, KINILIG sa bagong version ng kantang ‘Don Romantiko’ | It’s Showtime | Cheezmis