← Back to Home
Senior Citizen na si Guy, nanalo ng 100k sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Senior Citizen na si Guy, nanalo ng 100k sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Sa tulong ni Vice Ganda na nagbasa ng tanong, “Anong petsa papatak ang Pasko ngayong taon?” na-gets ni Nanay ang sagot. Luha, ngiti at talon ang naging reaksyon ni Guy matapos makuha ang P100,000! Deserve mo, ‘Nay!

🕒 11/17/2025, 5:58:50 AM799 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeDoblengLakas#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Guy#100k#jackpot round#Amy Perez#Jhong Hilario#Ogie Alcasid#Vhong Navarro#Ryan Bang#Teddy Corpuz#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#Jugs Jugueta#MC Muah#Lassy#Cianne Dominguez

Lahat ng nakangiti ay may reward daw from the universe. Sinabi niya ‘yan? Jokes aside, salubungin ang Lunes nang may bagong pag-asa at happiness. Dahil ang may positibong pananaw sa buhay, may biyayang naghihintay.  

Biyaya para sa music lovers ang latest single ni Kean Cipriano titled “Give Me A Kiss.” Pamagat pa lang, OA na sa tamis. Kuwento ni Kean, nabuo niya ang kanta nang minsang mag-crave sa lambing ng asawa. Alamin ang buong detalye sa video, go, watch na!  

At si Ogie Alcasid, natawa at nabigla sa ibinuking ni  Amy Perez tungkol sa papel niya sa Baby Dolls. Parang may kinakabahan!?  

Edad man nila’y mahigit 60 na, pero feeling young pa rin ang mga puso nilang hindi nawawalan ng pag-asa. Ang mga mahal nating lolo’t lola, nakisaya sa “Laro Laro Pick” game arena. Huwag kalimutan, laughter is also the best maintenance!  

At para naman sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo, sina Jugs Jugueta, Ion Perez, Ryan Bang at Cianne Dominguez ang maglalaro. Ang makukuha nilang papremyo, ido-donate nang buo.  

Hindi lang 20% discount kundi libreng-libre ang good vibes dito, thanks to our lolas and lolos na pang-senior ang edad pero pang-Gen Z naman ang energy. Parang nakahanap ng BFF si Vice Ganda sa 71-year-old na si Cita. Libangan ni Nanay ang gardening, pati na walking kahit pa sa highway siya makarating. Pero hindi ‘ata nakarating sa kan’ya ang balitang suki ng Ms. Gay si Meme sa lugar nila. Hindi naman daw siya na-inform. Kaya hirit ni Meme, sige, siya na mismo ang mag-a-update kay Cita ng schedule niya. Nagka-obligasyon pa nga?! 

Si Nena ay bata pa, as in bata at heart! At ang nagpapabata sa kan’ya ay ang mga tanim niyang rosas, orchids, at bougainvillea na kapag diniligan at lumago ay magiging bonggang bonggang bougainvillea! Nakakatawa ‘di ba? Teka, si Meme, hindi malaman kung kikiligin, manggigigil o matatawa, dahil sa dinami-dami ng pwedeng tawaging “pogi” ni Nanay Nena, eh bakit daw siya pa? Speaking of pogi, mapapa-sana all ang ladies dahil si Nena, nagkaroon ng mga poging jowa. Napa-reminisce tuloy si lola! Pero wala na raw papalit sa lalaking kanyang huling inibig, kahit pa si Piolo Pacual ang pumorma, lalo pa’t ayon sa chismis na nasagap niya, si Papa P daw ay mayro’n nang nobya. At pinangalanan pa! Sinetch itey na tinutukoy ni Nena?  

Sa gitna naman ng rakrakan with Lolo Alex, tumawag si “mother nature” at napa-“may I go out?” ang mga seniors. Very accommodating ang Meme dahil siya mismo ang umalalay sa mga lolas na nakigamit ng CR sa dressing room niya. Ibang experience rin ‘yung makapasok sa dressing room ng isang Vice Ganda, ‘di ba Lola Guy at Lola Cita? 

Legit! ‘Yung CR ni Meme ang may dala ng swerte dahil si Guy ang umabante sa jackpot round kung saan P100,000 ang sa kanya’y nag-aabang.  

Na-touch ang Madlang People sa kuwento ni Guy, 70, sa “Laro Laro Pick” jackpot round. Bagama’t sinusuportahan siya ng mga anak financially, ayaw niyang makaabala nang sobra kaya pinili niyang maging independent. Sa pagtitinda ng tinapay niya kinukuha ang panggastos sa araw-araw.  

Sa darating na Pasko, mas gusto niyang siya ang magbibigay ng regalo. Pero kung meron man siyang matatanggap, wish niya ay bigas, kaya si Vice Ganda na ang nagbigay ng maagang pamasko. Sagot na niya ang bigas–limang sako!   

Ang mga pusong mapagbigay, binibiyayaan nang tunay! Pot na may P100,000 ang sinugalan ni Guy. At sa tulong ni Vice Ganda na nagbasa ng tanong, “Anong petsa papatak ang Pasko ngayong taon?” na-gets ni Nanay ang sagot. Luha, ngiti at talon ang naging reaksyon ni Guy matapos makuha ang P100,000! Deserve mo, ‘Nay!   

At dahil love ni Meme ang mga seniors, hindi siya nagdalawang-isip to share more. Ang kanyang pangako, bawat senior na naglaro ay bibigyan niya ng P5,000 bilang maagang Pamasko. Christmas is in the air na talaga! Ito na nga ang panahon ng pagbibigayan, mga himala’t pag-asa!  

Sa “TNT Duets” entablado, nangaroling ang mga tandems sa singing. Wish nila ay makatanggap ng panalong aguinaldo mula sa mga hurado.  

Sisterhood nina former “PBB housemate” Angelie Reposposa at Jean Reposposa ay mas pinagtibay ng musika. Ngayong may pagkakataon silang kumanta bilang isa, performance ay itinodo na nila. Singing “No More Tears,” sure nang hindi sila uuwing luhaan because singing together for the Madlang People is already a win. Maayos naman ang ipinakita nila sa entablado, pero komento ni hurado Jonathan Manalo, nakulangan siya sa excitement.  

Girl power din ang ibinida ng tandem nina Tenten Pesigan at Yen Victoria, na nakakuha ng standing ovation mula sa hurados for their “Against All Odds” performance. Sabi nga ni hurado Jonathan, there might be imperfections but there was grit.  

Ngayon Lunes, ang pares na nagwagi ay sina Tenten at Victoria, na nakakuha ng 95.3% laban sa 91.3% ng magkapatid na Angelie at Jean.  

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.