← Back to Home
Sephy, ikinuwento ang karanasan niya sa pagsali sa The X Factor UK | It’s Showtime

Sephy, ikinuwento ang karanasan niya sa pagsali sa The X Factor UK | It’s Showtime

Si Sephy ay sumali sa “The XFactor UK” kung saan nakuha niya ang boto ng lahat ng judges including Simon Cowell.

🕒 11/12/2025, 6:44:11 AM759 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Tawag ng Tanghalan#Tawag ng Tanghalan Showtime#TNT#TNT Hurados#TNT Duets#Tawag ng Tanghalan duets#Sephy#Sephy X Factor UK#Its Showtime#Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Amy Perez#Karylle#Ogie Alcasid#Kim Chiu#Darren Espanto#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ryan Bang#MC#Lassy#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Laro Laro Pick Showtime#Showtime November 11

Nakapag-add to cart at checkout ba ang lahat? Dito naman sa “It’s Showtime,” walang bayad ang shipping fee dahil ‘pag good vibes ang inorder mo, mare-receive mo ‘yan nang libre! At dito, siguradong ang expectations mo ay katumbas ng reality! 

Expect happiness to come your way sa pagbisita ni Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas, este, AADA, na super palaban ang awra. Ano nga bang kwento sa likod ng bagong alter-ego niya? And to celebrate her 35 years in showbiz, may paandar si AADA para sa mga supporters niya.  

At kung alter-ego ang usapan, meron din si Ogie Alcasid n’yan. Sino pa nga ba? Eh ‘di si… Eydie Waw!  

Sumagwan patungo sa swerte ang mga bisitang bangkero na sumali sa “Laro Laro Pick.” May mga ‘Showtime’ hosts din na kasali, sina Cianne Dominguez, Ryan Bang, Teddy Corpuz, Jackie Gonzaga, MC at Lassy, pero imbes na sa madlang studio audience, either sa mga typhoon victims or bangkero players mapupunta ang mapapanalunan nila.  

Kung si Junior ang bangkero, malamang mag-uunahan ang mga babaeng pasahero dahil sa mukha nitong gwapo. Kinilala ng hosts ang 20-year-old bangkero na 19 lamang nang maging ama. Naka-relate si Vhong Navarro na naging tatay rin sa edad na 19. Kung noo’y sa eskwela napupunta ang kita ni Junior, ngayo’y inilalaan niya ang lahat para sa 3-month-old na anak. Kaya kinailangan niyang pagsabayin ang dalawang trabaho. Bagama’t naging batang ama, pursigido siyang mag-ipon upang makapagpatuloy sa eskwela. 

Mabigat at mahirap din ang buhay ni Tatay Jun, na pinagkakasya ang kita sa anak na lima. Nakakalungkot dahil minsa’y ‘di pa maiwasan ang aksidente sa trabaho ng isang bangkero. Kaya panawagan ni Jhong Hilario sa mga LGUs, sana matulungan ang mga bangkero na magkaroon ng reserbang life vests.  

Speaking of life vests, ang kategory sa “It’s Giving” ay mga bagay o gamit na isinusuot sa katawan. Ang mga nakasagot nang tama at mabilis, umabante sa hulaan ng mga lyrics. At sa huli, si bangkero Gerald ang kinapitan ng swerte.  

Dapat matutong sumabay sa alon ng buhay. Ganyan ang motto ni Gerald, ang bangkero na sumalang sa “Laro Laro Pick” final game. Kung minsan smooth-sailing ang byahe, kung minsan naman ay ‘di maiwasan ang aksidente dahil daw sa mga pasaherong pasaway katulad ng mga malilikot na selfie nang selfie. Pero mabuti na lang kumpleto sa life vests ang bangka niya, at sa oras ng disgrasya, mabilis namang rumesponde ang mga kasama.  

Dahil litong-lito sa tawaran, sa pagitan ng P200k Pot at P30,000 Li-Pot offer na pagpipilian, to the rescue ang misis ni Gerald para tulungan siyang mag-decide. Hanggang sa isarado ni Jhong Hilario ang offer sa P40,000, dito na pinili ni Gerald ang Li-Pot.  

Good choice, Kuys! Dahil sa tanong na, “Ano ang pangalan ng tulay na nag-uugnay sa Samar at Leyte. Dito rin tumalon si Dante Varona sa pelikulang Hari Ng Stunt?” natameme si Gerald. Mabuti na lang pinili niya ang Li-Pot, kaya maiuuwi niya ang P40,000.  

Sa Day 2 ng ikalawang edisyon ng “Tawag Ng Tanghalan Duets,” ramdam pa rin ang kaba dahil pagkaka-gong ng isang duo kahapon. Pero hindi naman nagpadaig sa nerbyos ang mga mang-aawit na nagsanib-pwersa sa tanghalan ngayon.  

Bago ang lahat, sina Ryan at Ogie muna ang nag-duet. Ni-level up ni Ryan ang impromptu kantahan. “Nandito Ako” ni Ogie, kinanta niya in Korean!  

Heto na ang ang unang duo, sina Thor Valiente at Pia Carandang, palaging magkalaban. Minsan na rin silang nagsalpukan sa “TNT The School Showdown.” But this time, they’d sing as one! Sumabog nga ang chemistry ng dalawa sa pagkanta ng “Ikaw Lamang.” May pag-share pa ng microphone?! Grabe naman ‘yon! Sabi nga ni hurado Erik Santos, ang lakas ng connection, na para bang magkarelasyon. Komento naman ng isa sa pinakabagong hurado, JM Yosures, binalanse nina Thor at Pia ang isa’t-isa. At sa sobrang kilig, sina Vhong at Ogie, ginaya sina Thor at Pia, nag-share rin ng mic ang dalawa! 

Female vocal prowess naman ang sumiklab sa “Bridge Over Troubled Water” performance ng magkumare na sina Sephy Francisco at Penny Salcedo. Pareho na nilang naibandera ang Pinoy talent sa global stage. Si Sephy ay sumali sa “The XFactor UK” kung saan nakuha niya ang boto ng lahat ng judges including Simon Cowell. Biro naman ni Jhong, kung may ‘Simon Cowell ng Pinas,’ baka si Ogie na ‘yun, dahil parehong may eye for talent! Samantala, komento ni Punong Hurado Louie Ocampo, nagustuhan niya ang buong performance, ‘yun nga lang, parang kulang sa magic.  

Sa huli, sina Thor at Pia ang nagwagi, matapos makakuha ng gradong 93.7% laban sa 91.3% nina Sephy at Penny.  

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Sephy, ikinuwento ang karanasan niya sa pagsali sa The X Factor UK | It’s Showtime | Cheezmis